Teach Of Love: CHAPTER 10

105 8 1
                                    


Claire's POV

"Oh Claire, nandito ka na pala. Kumain ka na dito."

"Mamaya na ma.. pahinga muna ako.." ibinaba ko ang shoulder bag ko sa sofa at naupo.

Binigyan ako ng isang basong tubig ni mama at ininom ito. Ramdam ko parin yung sakit ng likod ko sa pagkakatama sa pader kanina.

"Claire, ayus ka lang ba? Bat parang ang tamlay mo ngayon.."

"Nag away kasi kami ni Gian.."

"Si Gian? Yung nakatira dun sa dilaw na bahay na may rooftop?" Singit ni daddy.

"Opo.."

"Bakit naman kasi kayo nag away?"

"Nag p-"

"Ano yun?"

"Wala ma.. Nag punta kasi yung principal sa classroom namin tapos naabutan na ang ingay ng mga estudyante ko. Tapos kausap ko pa si Gian non.."

"Bat naman kayo magaaway para dun?"

"Daddy, dami namang tanong... Sa trabaho po kasi. . ."

"Sige Ma, Daddy.. kwarto muna ako.." tumalikod ako at pumasok ng kwarto. Gusto ko na lang magkulong at magpahinga.

Hindi ko parin nalikimutan yung proposal sakin at yung pagaaway namin. . . Naga-assume na pala siya na kami na. Paulit ulit na nagfla-flashback sakin ang nangyari. Oo gusto ko siya, pero katulad ng sinabi ko kanina, hindi ko pa kayang pumasok sa isang relasyon.

TEKA, CLAIRE... DIBA IKAW 'TONG HABOL NG HABOL SA KANYA? BAKIT NUNG SI GIAN NA YUNG MAY GUSTO SAYO, NADUDUWAG KA?

"Bakit nga ba?" Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko ba kung eto ba ang tanang gawin, pero...

HINDI KO PA ALAM!!

*Ting!

Binuksan ko ang cellphone ko dahil may tumunog.

Si Gian ang nag-text..

:"Claire, I'm sorry.. dahil nabigla kita kanina. It's my fault, I'm sorry."

Anong ire-reply ko??

"Diba tinanggap ko na yung sorry mo?"

:"Alam kong hindi pa talaga."
: "Nagkamali ako, dapat hindi muna ako nag-assume.. dapat tinanong muna kita.. kahit alam kong gusto mo ako."

CLAIRE!! ANO NA BA TALAGA????

:"Matutulog na ako, may pasok pa bukas. Bye.."

Yan na lang ang irineply ko.. bahala bukas kung anong mangyayari..

"Maamsh.." bigla akong napatunhay sa pagkakayuko. Antok na antok ako dahil sobrang aga ko nagising.

"Ay, Alliece.. bakit?"

"Wala naman.. kadarating ko lang. Kanina ka pa ba?"

"Oo maamsh.. ang aga ko nagising."

"Hmm.. 5:00 AM coffee u want?" Bigla akong ginanahan. Di ako nakapag kape kanina.

"Sige na nga Alliece.. saka may sasabihin ako sayo mamaya."

"Luh ano naman yun?"

"Basta..."

"Teka Claire, saglit lang may aayusin lang ako sa room ko."

Teach Of Love ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang