Teach Of Love: CHAPTER 16

106 8 6
                                    


Claire's POV

"Gian, paano ako kakalma eh kung sabay sabay na lahat ng iniisip ko! Palibhasa ikaw walang problema sa buhay! Mayaman kayo eh!!"

"Hindi mo lang alam mga pinagdaanan ko."

Patayo na sana ako nang mag flashback ang isang pangyayari na sobrang linaw sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito naiisip pero alam kong may pinagdadaanan din si Gian "base sa sinabi niya" at sa narinig ko noon kahit na lasing ako.

Halos araw-araw nagfla-flashback 'yang sinabi niya. Thursday na. At patuloy parin ang paghahanap namin kay Ton Marquez.

"Dinadalaw nanaman ako ng lintik na Gian na yan sa isip ko." Kinausap ko ang sarili ko.

At bigla namang tumunog ang cellphone sa tabi ko.

"See you." Alam kong pinsan ko ang nag message kaya hindi ko na binuksan ang inbox ko at inilagay sa mute ang cellphone ko.

Oo alam kong may reunion. Pero ang gaga lang pinapaalala pa! May masamang pakay 'to. Lol.

"Ate." Nagulat ako dahil bumukas ang pinto. Nakita ko si Pat na ayos na ayos. Teka, 5:00 pa lang ng umaga at bihis na bihis to?!

"Ang aga mo naman mag ayos."

"Kailangan!"

"May date ka? Ang aga ha!"

"Gaga nandyan si Kelly sa labas, wala sila mama at daddy." Nagulat ako sa sinabi nito kaya dali dali akong naghilamos at nagsuklay ng buhok.

"Teka ate, di ka ba maliligo?"

"No need."

"Isasampal ko sakanya ang natural beauty ko. Hah!" Pero sa totoo lang, natawa ako sa sinabi ko. Dali dali akong lumabas ng kwarto para harapin ang so called pinsan kong si Kelly.

"Good Morning." Pagbati ni Kelly na may pa ngisi ngisi pa. Gaga pala nito eh, pangit yata ang tulog nito kagabi at napapunta dito ng ka aga aga!

"Bakit ka nandito?"

"Ay bakit? Bawal ba?" Hinawakan pa nito ang dibdib niya na para bang kunwaring natatamaan.

"Ano bang kailangan mo at napadpad ka dito?" Singit ni Pat.

"Well, hindi ako yung may kailangan, si Lola."

"She wanted the two of you and Tita and tito na pumunta sa bahay ni Lola. May family dinner daw later."

At talagang Family Dinner ha? Ang plastik naman nung Family Dinner na yan!

"Sabihin na lang namin kay Mama at Daddy. Ano happy na?" Singit ulit ni Pat.

"Well, one more thing... Tumigil ka na nga sa kaka landi kay Gian? Girl bestfriend niya ako kaya alam ko nangyayari sa inyo."

Lintek, magkaibigan pala sila?

"Wala ka nang lugar doon. Saka hindi ko siya nilalandi."

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now