Teach Of Love: CHAPTER 15

112 8 5
                                    


Claire's POV

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta naaawa ako sa bata..

"Nay, pwede ninyo po ba ikuwento ang nangyari?" Mahinahon kong sabi sa nanay ni Kate.

"Hiniwalayan kasi ako ng asawa ko.. mahigit sampung taon na ang nakakalipas si Ton pa lang ang nasa amin, Wala pa si Kate. Mag isa kong pinapalaki si Ton tapos nabalitaan namin na babagyo. Dahil mahirap nga lang kami, baka hindi namin kayanin kasi kubo lang 'tong bahay namin. Alam kong hindi ko kakayanin dahil mahihirapan lang si Ton. Tapos ihinabilin ko siya sa kakilala ko. Sa totoo lang, hindi ako kampante sa pinaghabilinan ko. Kaklase ko iyon nung highschool. Matapos ang bagyo, pinuntahan ko yung kakilala ko.. sabi nung nanay niya, umalis daw papuntang London kasama daw di Ton. Ang usapan kasi namin pagkatapos ng bagyo, ibabalik na niya si Ton saakin. Pero mali pala ako.. inagaw na niya kaya wala na akong magawa. Tapos nakita ko si Kate at inampon."

Napalingon ako kay Kate na nag gagawa ng assignment niya sa gilid. Parang alam na pala nito na ampon siya kasi parang wala siyang reaksyon. Ampon pala si Kate.. at single mother ang nanay niya.

"Wala na akong balita kay Ton.. hindi ko na alam kung nasaan siya." Umiiyak ito habang nag ku-kuwento.

"May picture po ba kayo ni Ton?" Tanong ko. Parang nagiisip ito habang palinga-linga.

"Naalala ko, wala nga pala akong litrato ni Ton... Pero tandang tanda ko ang itsura niya. Pero ilang taon na ang nakalipas, baka nagbago na ang mukha niya. Lalo na't alam kong napunta siya sa isang mayamang pamilya."

Nalulungkot ako sa sitwasyon ng mag ina. Sobrang hirap ang dinadanas nila. Hanggang ngayon mahirap parin sila.. kaya naman pala laging problemado si Kate at hindi nakakapag isip ng maayos sa pag aaral niya. Nakuwento ni Kate na tuwing sabado at linggo, nag bebenta siya ng sampaguita sa simbahan.

"Pasensya na po nay..."

"Betty na lang po maam." Pag dugtong niya.

"Salamat po nay Betty at nalaman ko kung bakit laging malungkot si Kate. Dibale na lang po, heto po.. sana makatulong." Nagbigay ako ng salapi sa nanay ni Kate.

"Maraming salamat po maam." Laking tuwa nito.

"Wala po yun nay.. saka, alam kong matalinong bata si Kate kaya, kaya niya yan." Tumango si Nay Betty.

"Sige po, mauuna na po ako.. titignan ko kung ano pa po maitutulong ko." Sinamahan ako ni Kate papunta sa labas. Medyo liblib ang lugar nila.. may malaking eskinita pa bago makarating sa mismong kalsada.

"Salamat nga po pala maam.. ngayon po, alam nyo na sitwasyon namin." Si Kate. Habang naglalakad kami palabas at naka tungo lang ito.

Huminto ako at humarap sa kaniya.

"Alam mo Kate, hanga ako sa katatagan ninyong mag ina.. akalain mo yun, nag ta-trabaho ka pala, sa murang edad pa! Para lang makatulong sa nanay mo. Ang galing galing mo.." biglang tumulo ang luha ni Kate habang kausap ko.

"Kailangan ko po maam.. para samin ni nanay."

"Pero gusto ko po talagang makilala at makita si Kuya kasi lagi kong nararamdaman na parang lagi po ako mag isa.."

"Naniniwala ako na makikita niyo na rin siya.. tiwala lang." Sagot ko. Tumago na lang siya bilang pag sagot.

"Sige po maam.. ingat po kayo sa pag uwi."

"Sige salamat nak.." niyakap ko ito at saka pumara ng tricycle.

Ton... Villanueva. Gusto ko tulungan ang estudyante ko. Kaso saang lupalop ng mundo naman makikita yung Ton Villanueva na yun? Napakadaming ka pangalan nun! Kailangan kong makausap si Gian. Baka may kilala siya.

*Dialing

*Ringing...

"Claire?"

"Gian!"

"Ano?"

"Magkita tayo."

"Bakit?"

"May sasabihin ako. Sandali nasa tricycle ako basta magkita tayo sa tapat ng bahay nyo." Wala na akong narinig na sagit mula kay Gian ng marealize ko na binaba na niya ang tawag.

Nagugutom ako.. nakakita ako ng bakery na madadaanan namin.

"Manong, pwede po paki tabi lang sandali, may bibilhin lang po." Itinigil nito ang tricycle at saka ako bumaba sa may tapat ng bakery.

Bumili ako ng hopia baboy at spanish bread at saka ulit ako sumakay.

"Manong, dito na lang po." Itinigil ng tricycle driver ang sasakyan at saka ako bumaba sa harap ng bahay ni Gian. Itinext ko si Gian na nandito na ako at agad namang bumukas ang pinto nila papunta dito sa gate at binuksan.

"Thank you." Sabi ko kay Gian at saka kami sabay na pumasok sa tahanan niya.

"anong balita?" Biglang sabi ni Gian sakin.

"Nakausap ko na.." pinaupo ako nito sa sofa nila sa livingroom at binigyan ng tubig.

"Salamat, by the way.. sinabi ng mama ni Kate na nawawala daw yung panganay nilang anak. Kuya ni Kate..."

Kinwento ko lahat ng sinabi ni Nay Betty. Lagi lang seryoso si Gian na mukhang may iniisip. Alam kong gusto niya rin tulungan ang mag ina sa problema nila.

"So you mean na mahirap sila kaya ihinabilin niya yung Ton na hindi naman ibinalik ng mayamang pamilya kaya hindi na sila nagkasama?"

"Exactly." Sagot ko dito.

"May naiisip ka bang paraan para dun?" Singit ko.

"We'll see.. let me think.."

Uminom muna ako ng tubig saka binuksan ang cellphone ko.

Biglang may pumasok sa isip ko..

"Anong surname nung Ton na sinasabi ng nanay ni Kate?"

"Ton Marquez."

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now