Teach Of Love: CHAPTER 21

71 6 0
                                    


Patrice's POV

Bigla akong nanlamig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bigla akong nanlamig.. hindi ako makahinga na kasabay ang panlalambot. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang kinakabahan na parang mahihimatay, binilisan ko ang drive ng kotse matapos kong sumigaw.

"ATE!!!!!" isinigaw ko ang nararamdaan ko habang tumutulo ang luha habang pinalo ko nang malakas ang busina dahil sa traffic. At this moment, mababaliw ako.

"Pat..." si Ate Alliece. "Ano ba'ng nangyayari? Alam kong stress ka pero di mo naman kailangang sumigaw para tawa-"

"WALA NA SI ATE!!!! WALA NA!!" muli akong sumigaw. Ito na ang ikinakatakot ko

"MAGBABAYAD KA KELLY!!! MAGBABAYAD KA!"

"ATE ATE KO!!" tumatakbo ako papunta sa ICU nakita ko doon si ate.. napaluhod at napasandal ako sa tabi ng kamang pinaghihigaan niya. Ayoko ng ganito, ayoko nang nakikita siyang ganito.

"Claire, bakit?? bakit naman ganun???" sumingit si ate Alliece. nakita ko si mama nasa labas ng ICU. nakita kong humihikbi si Ate Alliece. "Claire..."

"Claire, diba mahal mo ako? diba pag mahal mo, hindi mo iiwan? Please."

"Gian.." napatingin kami sa monitor.

Her heart beats.

"DOC!!!!" Sigaw ni Alliece sa labas at maya-maya pa lamang ay may dumating na nurse at doktor.

"Doc look, buhay siya!" Bakas sa mukha ng doktor ang pagtataka.

"Sorry, miss pero we declared her dead."

"Kung patay siya, bakit may heartbeat yung monitor?! Sige na naman oh paki check yung pasyente!" Hindi na mapakali si Ate Alliece. Nilapitan ko siya para yakapin habang si Gian ay hawak hawak parin ang kamay ni Ate.

Nakita naming tumango ang nurse at ang doktor sa isa't isa.

"Miracles. She's alive." Niyakap ulit ako ni Ate Alliece. At saka napaiyak.

Napaka bilis ng pangyayari. All I can do is to give Thanks to God. Pati si Kuya Gian hindi makapaniwala sa nangyari.. saksi kaming lahat sa milagrong nangyari.

"It's a miracle Ms. Patrice, stable na siya at puwede na siyang ilabas sa ICU at ilipat sa private room." Ngumiti ako sa doktor at halata talaga ang mugto sa mata ko. Napatingin kami kay ate.. her colors were slowly back again. Nanlambot ako pero atleast I'm rest-assured na buhay si Ate.

Tinapik ni Ate Alliece ang balikat ko at ngumiti. Ganun din si Kuya Gian habang si mama naman, tulala.

"Gian?" Nagtatakang tanong ni mama.

"Tita.. kumusta na po?"

"Akala ko ba nawawala ka?" Well.. oo nawala si Kuya Gian.. pero yung tumawag na phone number samin ni Ate Alliece ay number ng kapatid ni Kuya Gian.

"Nagpagaling po ako sa ospital tita."

"Buti naman na okay ka na.. ilang linggo nang ganito si Claire." Napatungo si Kuya Gian at niyakap si mama.

"Ma'am, nailipat na po ang pasyente sa private room. Puwede niyo na pong puntahan." Malapit lang naman ang kuwartong pinagtuluyan ni ate kaya mabilis kaming naka punta.

***
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa kwarto ngayon.. hindi kami maka gawa ng ingay o ano pa. Hindi namin alam.. tila humihingi ng sagot sa taas kung bakit nangyari 'to sa'min. Lumabas ako para magpahangin.. umupo ako sa may hagdan papalabas ng ospital sa may gilid at huminga. Tila may nakita akong taong lumalapit patungo sa'kin.

"Bakit ka nandito? Ano, ako naman?"

"Pero-"

"Ano ba?! Hindi ka na ba nagsasawa?!"

"That's why I'm here, Patrice.."

"Ano Ate Kelly? Para mag matigas? Oo mas matanda ka per-"

"Look Patrice, I'm here to say sorry.." Kumukulo ang dugo ko ngayon.. hindi ko alam kung babalik na lang ba ako sa kwarto ni Ate o pakikinggan ang nais sabihin ni Ate Kelly.

"Just listen.." nakapupot ang kamay ko habang naghihintay si Ate Kelly na pakinggan ko siya. Nanatili akong tahimik.

"I'm sorry. I'm sorry for ruining your sister's life. Hindi kinaya ng konsensya ko.. I'm sorry.." lumuhod siya sakin habang ako naman ay nakaupo pinapanood siyang umiiyak.

"Hindi lang buhay ni Ate ang nasira mo."

"Buhay ko, Buhay ni Ate Alliece, Buhay ni mama at lalong lalo na ang buhay ni Kuya Gian!! Ano ba!! Marami kang nadamay Ate Kelly marami kang nadamay na buhay!!!" Mas lumakas ang pag-iyak niya sa harapan ko at napatayo ako.

"Muntik nang tuluyang mamatay si Ate dahil sa'yo!! Dahil sa lason na bibigay mo sa kaniya!! Itinuring ka niyang pamilya tas siya ituturing mong kaaway? Ha!!!" Sa galit ko, itinulak ko siya papalayo. Bigla siyang natulala.. siguro dahil na rin sa mga binitawan kong salita. Nagpumilit parin nito akong yakapin pero ako rin itong nagpupumilit na umiwas.

"Hoy!!! Lumayo ka!!" Biglang may sumuntok kay Kelly at dahilan para matumba siya at napaupo ako.

"Gian please sorry.." hinihingal na sa pag-iyak si Ate Kelly. Halatang galit na galit si Kuya Gian sa kanya.

"MADAMI KA NANG NAGAWANG KASALANAN SA'MIN!! Umalis ka na! Parang awa mo na!"

"Gian.. humihingi ako ng tawad kay Patrice.. para kay Claire."

"SAKA KA PA HIHINGI NG TAWAD KUNG KAILAN NAGDUDUSA NA SIYA AT HINAHABOL ANG BUHAY NIYA?!"

"Sorry.. sorry." May mga pulis na sumulpot at dali-dali nang kinuha ang mga kamay ni Ate Kelly at pinosasan.

"Ipagpaumanhin niyo ang nagawa niya, isinurender na niya ang mga kasalanan sa korte. Siya na mismo ang nagsumbong sa sarili niyang kasalanan dahil sa kunsensya. Hinintay lang namin siya para makapag paumanhin sa inyo. Mauna na kami.. salamat." Sabi ng isa sa mga pulis. Niyakap ako ni Kuya Gian at saka bumuhos ang mga luha namin.

Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Ate Kelly kung tuluyang namatay si Ate Claire ng dahil lang sa kaniya.

Teach Of Love ✓Where stories live. Discover now