Teach Of Love: CHAPTER 19

90 8 7
                                    

"Once na bumaba ang vital signs niya, I'm sorry.. baka hindi na niya kayanin."

"The poison in her wine she drank is highly toxic. And as what you said nasa reunion kayo? Who do you think can put poison on the drinker's glass?"

"I don't know.. Doc. basta nagaalala ako sa kalagayan ni Claire."

"Well we will further check Ms. Hernandez's vital signs in 24 hours. Medyo matagal pa siyang nadala sa ospital so we need to pray na maka survive siya. We'll go ahead Ms. Kelly."

..

"Sige sige malapit na ako tita. Yes yes malapit na po. Pa update na lang po sa nangyayari ha? Sige tita salamat." Nagmamadali akong nag di-drive papunta sa ospital. Tinawagan ako ni Tita na nasa ospital daw si Claire.

Teka ida-dial ko si Gian.

This person is can not be reached, please try again later.

1st call, 2nd call 3rd call pero wala parin. Hindi ko ba alam kung low battery lang o nagpatay ng cellphone o baka tulog na siya sa kanila at 10:30 na ng gabi kasi! Tulirong-tuliro na ako, syempre nagaalala ako sa kalagayan ng bestfriend ko.

"Ate Alliece si Ate Claire.." sinalubong ako ni Patrice habang umiiyak at niyakap ko ito.

"Salamat at dumating ka Alliece." Si Tita.

"Basta po para sa bestfriend ko tita. Maliligtas din po si Claire, palaban po yun!" Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko alam ang nangyari pero natatakot at nasasaktan ako.

Maya-maya lamang ay may lumapit na doktor saamin pero si Tita lang ang kinausap.

"Pat.. ano bang nangyari sa ate mo?"

"Na-lason siya ate."

"Basta ang alam ko lang na nangyari, y-yung host sa reunion buhat buhat si ate then kami nila ate kelly, si lola sila mama at daddy isinugod namin siya sa ospital."

Yung anak ni lucifer.. si Kelly.. malakas ang kutob ko na siya ang may kasalanan sa nangyari. Sa laki ba naman ng galit niya kay Claire. Pero para ipahamak o baka makapatay pa siya ng tao? Once na mas napahamak si Claire, siya ang una at posibleng sisisihin ko. Pero wala akong ebidensya? Anong ipapakita ko? Malamang, wala rin akong laban.

Pero may naisip akong paran na pwedeng gawin pero kailangan ko ng kasama at katuwang sa hakbang ko.

"Si Gian kasi ayaw sumagot sa tawag ko kanina pa! Baka tulog na yun o busy."

"Ah Ate. . Kasama namin si Gian kanina sa event."

"Pe-pero di yata namin kasama nung isinugod namin si Ate dito."

"Then nasaan siya?"

..

"Sure ka ba Ate Alliece may ebidensya dito? Eh wala ng tao, baka masabihan pa tayong magnanakaw." Palinga-linga ako at naghahanap ng pwedeng malusutan.

"Patrice, yun na nga eh.. walang tao, makakagalaw tayo ng malaki dito basta wag lang tayong gagawa ng ingay. Saka baka nandito pa ang Security, baka may cctv dito." Tumango na lang ako at saka pumasok sa loob.

"Sa pagkakatanda ko Ate Allice, pumunta si Ate at si Kuya Gian sa restroom doon." Itinuro ko ang direksyon ng cr.

"Baka may makuha tayong ebidensya dito." Sagot ni Ate Alliece.

"Picturan mo ang paligid Pat." Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ito ng ilang beses. Binuksan ko ang sound recorder ng cellphone ko para sa lahat ng kakausapin namin may kopya kami.

Sumunod ay pumunta kami sa kusina pero naka sara na ito. Pero may nakita akong malaking bintana na siguro kasya kami dito. Buti na lang black ang suot ko dahil ito ang color motif. Para di kami ganon ka halata. Si Ate Alliece naka gray naman at balot na balot ito. Naka t-shirt at black maong pants at naka salamin. Samantalang ako naka t-shirt din pero naka skirt ako at nagpalit ako ng rubber shoes.

"Doon ate oh may malaking bintana." Bulong ko dito at itinuro ang bintana.

Pinuntahan namin ito at sinubukang pumasok at nagwagi kami.

Madilim ang paligid natatakot ako. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at nagmasid.

Malinis na ang paligid at wala na kaming nakitang mga kalat. Wala na ring mga pinag gamitan o sangkap sa pagkain pa.

"Parang wala namang makukuha dito. Malinis na ang paligid."

"Nandito pa ang security guard..may pagkakataon pa." Nagpalusot kaming may naiwan kami dito sa event kaya pinahintulutan kaming pumasok. Tumango ito sakin kaya lumabas ulit kami.

"Kuya, may naka set ba ditong cctv?" Tanong ni Ate Alliece.

"Oo.. sa kusina, sa hallway ng cr.. sa sa hallway papuntang rooms, at sa pools. Bakit?"

"Pwede ba naming makita ang footage ngayong araw? May titignan lang kami." Tumango ang sekyu at sinamahan kami nito sa guard house kung nasaan ang monitor ng buong resort.

Una naming nakita ang footage sa kusina. Tinitigan namin ang mga kilos sa kusina pero wala namang ibang kilos-

"pero tignan mo Pat, may isang lalaki na nagsalin ng isang baso sa hiwalay na container ng wine." Tinignan ko ng maigi at totoo nga.

Maaaring inutusan ni Kelly ang isang tauhan para balak na gawin niya. Pero kung ito lang ang panghahawakan namin, wala paring matibay na ebidensya na pakana ni kelly ang lahat. Naisip kong kailangan naming makausap ang lalaking nasa cctv footage para malaman namin ang totoo at aktuwal na nangyari.

"Kuya, kilala mo ba yung isang lalaking yun?" Itinuro ko sa screen ang lalaking nag sasalin ng baso sa gilid. At parang nagtitimpla.

"Oo, anak ko siya."

"Pwede po ba naming makausap?"

"Bakit? Saka diba sabi niyo may hahanapin lang kayo?" Napalunok ako.

"Kuya.. sasabihin na namin ang totoo.. Nagiimbestiga kami.. may isinugod kasi sa ospital na babae dito kasama dito sa event kanina. Nalason siya. May kilala kaming pwedeng salarin dito pero wala kaming hawak na matibay na ebidensya."

"Kung 'yan ang totoo. . Sige iha, tutulungan ko kayo. Pero hindi kami magkasundo ng anak ko. Kaya ang mangyayari ay pumunta kayo ulit dito bukas dahil papasok siya ulit dito bukas." Hiningi namin ang number ni manong sekyu. Saka ko na ito bibigyan ng numero ko kapag nakapag palit na ako ng sim. Pag nagka aberya na, mahirap na..

"Kuya doon nga po sa hallway ng cr." At agad naman inilipat ito.

Nakita namin na parehas pumunta si Ate at si Kuya Gian sa hallway ng cr at magkahawak kamay at tila parang may dumaang lalaki at parang natigilan si Kuya Gian at parang tinawag nito ang lalaki. Matapos nun ay parang nagyakapan sila at parang natumba si Ate.

"Si Ate. . " Bigla akong umiyak.

"Teka ANO?! Si-si Gian.. sinaksak nung lalaki. Tapos pumasok sa loob sa cr yung lalaki tas lumabas tapos.. bi-binuhat niya si Claire palabas tapos yun na yung naabutan nyo diba?" Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

"So kung sinaksak si Gian. . Nasaan siya? Wala naman siya doon sa cr?" Natakot ako bigla.

20 minutes ang nakalipas nakita namin na may mga lalaking pumasok sa hallway ng cr para kuhanin si Gian na nakasandal sa dingding at nag match dun sa nakita naming dugo sa dingding kanina.

"Kuya, pwede ba naming makuha ang kopyang ito? Makakatulong ito sa pagkuha namin ng ebidensya."

"Sige.. kuhanin mo na lang itong usb.. diyan naka save ang mga cctv footage. Pero ingatan niyo 'yan.. yan lang ang usb ko."

"Pwede ko bang malaman ang pangalan ninyo?"

Hindi pa kami kampante.. baka bumalik si Kelly dito.. at baka may masabi ang guard. "Hale. Hale ang pangalan ko." Sabi ni Ate Alliece.

"Lana po." Tumango ang guard

"Kuya, nakikiusap kami.. pag may nagtanong na kahit sino man tungkol sa pagiimbestiga namin o tungkol samin nila.. Lana.. sana po ay wag kayong magsalita kahit anong detalye sa ginawa namin. Hindi po kaming masasamang tao, pinoprotektahan lang namin ang mga ebidensya."

"Sige.. mapapagkatiwalaan nyo ako iha."

May dala si Ate Alliece handy bag at inilagay sa secret pocket ang usb at hawak hawak niya ang cellphone niya.

Ang isa pa naming misyon ay mahanap si Kuya Gian.

Teach Of Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon