Chapter 42 - Sandra Sandoval

474K 7.6K 1.2K
                                    

*Patricia’s POV*

I can’t believe she’s here! Hindi ko masukat ang kaligayahang nararamdaman ko nang makita siya. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinakamalapit sa akin.  Sa katunayan nga ay para kaming magkapatid sa sobrang close namin.  I consider her as my only family, no scratch that, they are my only family. Oo – they – dahil kasama niya ngayon ang anak niya.

Sandra!” napayakap ako sa kanya ng mahigpit, ”I am so glad to see you. How are you?

Patricia, I am also glad to see you,” bati niya na halatang pinilit lang niyang maging mukhang masaya dahil kahit hindi niya sasabihin, alam kong may bumagabag sa kanya.  Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at nararamdaman ko ang pangungulila niya sa yakap ng isang kapamilya nang mahigpit din niya akong niyakap.

Pasok ka. Alam mo? Matutuwa si Stuart pagnakita ka,” sabi ko at nginitian ang batang dala niya, ”Hi kiddo, what’s your name?

Lexy,” sagot ng bata habang isinisiksik sa leeg ng ina niya ang kanyang ulo, nahiya ata.

Love? Si–” narinig ko si Stuart na tumawag pero naputol ang dapat sanang tanong dahil nakita na niya kung sino ang dumating. 

Love si Sandra at ang cute niyang anak,” galak kong sabi, ”Hey baby, I am your Tita Patricia and that handsome guy out there is your tito Stuart,” baling ko sa bata.

Mukhang nakakaistorbo ako sa inyo,” naiilang na saad ni Sandra.

Hindi ah! Ano ka ba? Para kang baliw, pinsan kaya kita at bestfriend mo ang fiance ko,” natatawa kong saad.

Fiance?” bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

Haha! Sa tagal mong nawala, hindi ka na updated sa buhay ko. Halika,” yakag ko sa kanila, ”mukhang napagod sa biyahe si Lexy.

Ilang taon na ba ’tong anak mo?” tanong ko habang karga si Lexy.

She just turned two last month,” sagot ni Sandra saka uminom ng kape.

I am sure mahal na mahal ka ng asawa mo dahil kamukhang-kamukha mo ang anak mo,” magiliw kong sabi.

Batayan ba yun?” natatawa niyang saad.

Oo,” umupo ako sa tabi ni Stuart at kinandong si Lexy, ”ang sabi nila, malalaman mo raw kung sino mas nagmahal dahil sa taong mas minahal magmamana ang anak niyo.

Napansin kong naghikab ang bata kaya agad kong sinabi na, ”Sandra, mukhang inaantok na si Lexy.  Dalhin na natin siya kuwarto.

Naku hindi na, uuwi na kami,” paalam niya.

No, I insist.  Matagal na tayong hindi nagkausap. Dito ka na lang magdinner, magluluto ako,” tumayo ako habang karga pa si Lexy.

Saka kanina pa tahimik ’tong Love ko, hindi makasingit sa sobrang daldal ko,” natatawa kong sabi, ”kayo nanaman ang magkamustahan habang ipapasok ko muna si Lexy sa kwarto at pagkatapos ay maghahanda na ako ng dinner.”

Bahagyang ngumiti si Sandra habang tumayo naman si Stuart para alalayan ako.

Love, kausapin mo muna si Sandra,” saad ko nang ilapag ko si Lexy sa kama.  Sumunod kasi sa akin si Stuart noong pumasok ako sa kwarto.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now