PROLOGO

71 4 0
                                    

isang Spoilled brat ng mga Villegas at iNatatanging taga pag mana ng lahat ng kayamanan ng pamilya nila Tinaguriang Bully ng Campus kahit pa sa sarili nilang paaralan kaya't pinaka iiwasan sya nang dalagang si Maricon.

Para kay Calvin ay hindi ka bully-bully ang itsura ni maricon kahit pa alam nyang nagmula ito sa mahirap na pamilya, sa katunayan ay ito pa lamang ang nakakapag pahulog sa puso nya noon pa man kahit pa napaka daming babae na humahabol sa kanya.

iyon nga lang ay hindi manlang sya nito matignan kahit gaano pa ang pag papa-pansin na gawin nya kayat naiinis sya sa twing nakikita nya itong nakatanaw sa iba.

Nang malaman nyang bumalik ito sa probinsya ay nagpasya din sya na Kulitin ang mommy nya upang sapilitan syang ibalik dahil nag babaka sakali sya na baka dito nya ito mapaibig.

"Suho!kakalipat mo lang sa manila nung nakaraang ikalawang taon, ngayon naman ay magpapalipat ka na naman sa Sitio Dam para doon magpatuloy sa pag aaral!" nawawalan ng pasesyang anang Ina nito patungkol sa Probinsya ng Bulacan.

" Mom, bored na talaga ko sa Manila! Gusto ko lang mag relax sa province." pangangatwirang anito, ano pa nga ba ang magagawa ng mommy nya, nag iisang anak ito kaya't He Get what He want ika nga.

Sikat na sikat si Suho sa Manila lalo na sa probinsya dahil sa Angking kagwapuhan nito ngunit ipag papasalamat nya lamang ang itsura nya kapag pinansin na sya ng babaeng pinaka tatangi nya.

Samantala, ito naman si Maricon Calliope Travis isang simpleng dalaga na biniyayaan ng maamo at mala dyosang kagandahan kahit pa anak lamang sya ng mahirap.

"Inay, iniisip ko po kung hindi na lang kaya ako magpatuloy sa Kolehiyo? " nasabi ng dalaga sa ina nang umaga iyon, hindi pa man nakasasagot ang ina nya nang pumasok ang itay nya suot ang Pajama at mahabang manggas nito na ginagamit sa pag bubukid.

Inalis nito ang sumbrero tsaka ipinatong sa upuan nilang kahoy na may kalumaan na. salat  sila sa buhay at tanging pagbubukid lamang ang ikinabubuhay ng itay nya na syang pinagkukunan nila sa pang araw-araw, swerte na nga sya dahil natapos nya ang huling taon ng Sekondarya.

Dahil sa kagipitan ay kinailangan pa nilang bumalik sa probinsya dahil wala na silang pang upa sa nirerentahang bahay sa manila.

"Siguro ay mairaraos naman natin ang pag aaral mo anak." mahinahong anang inay nya. "basta tulungan mo lang kami ng itay mo. " nakangiting saad pa nito.

Sa Ngayon ay isang kasambahay ang trabaho ng inay nya sa pamilya ng mga Villegas kung saan naroon ang unico ijo nito na Dati rin nyang kaklase na si Calvin Suho o mas kilalang Suho,  isa itong Campus bully sa dati nyang paaralan sa Manila ngunit hindi nya alam na nagbalik din ito sa probinsya para dito magpatuloy ng kolehiyo.

"Humingi ako ng tulong sa amo ko anak,  sya ang may ari ng Eskwelahan dito sa atin kaya't madali na lamang na makapasok ka doon. "

Halos mag liwanag ang mukha ni Maricon sa sinambit ng Ina, hindi nya alam na iyon ang ina ng Dati nyang kaklase kaya't labis ang saya nya na malaman ito.

"Marya... "pag tawag ni Shiena na syang ina ni Seyus sa kasambahay na ina naman ni Maricon, isang linggo bago mag simula ng klase. "Nabanggit mo sa'kin  na may anak ka na college Student Tama? " tanong nito.

"Opo mam,  si Maricon po. " sagot ni Maria.

Kahit pa abala si Seyus sa pagsimsim ng kape  sa labas ay narinig nya parin ang usapan ng dalawa kaya't mabilis syang nag tago sa pader para lalo pang makinig sa usapan.

"Nag dedemand kasi sakin ang anak ko,  ayaw nya ng mag drive papasok sa school kaya don nalang sya mag i-stay sa sarili nyang Condo malapit sa School ang kaso ay kailangan nya ng mag aasikaso sa kanya dahil wala naman iyong alam sa gawaing bahay. "

"Naku mam,  sakto po... Alam ni maricon ang lahat ng gawain sa bahay kung nais nyo po ay sya na lamang ang kunin nyo para matustusan nya ang pag aaral nya sa kolehiyo kahit paano." nakangiting saad ni Maria.

Lumawak ang pagkakangiti ni Seyus sa Narinig ngunit lamang ang naramdam nyang awa dahil ganuon  pala kahirap para kay Maricon ang lahat para makapag aral.

"I-sponsoran ko ang Full scolarship nya kung ganon. " ani Shiena.

Inipit ni Suho ang labi nya tsaka nagtatakbo palabas ng bahay at gumulong -gulong sa damuhan.

"Yeeeeeeesssss!" saad nya habang tuwang tuwa,  napatigil lang sya ng may maramdaman syang, basa sa likudan nya.

*sniff

*sniff

may kakaiba syang naamoy parang maasim-asim na ewan, kaya sinalat nya ang parte ng likod ng damit nya na basa tsaka nya itinapat sa ilong nya para amuyin...

Ngunit halos mapalukot ang mukha nya nang mapagtanto kung ano yon.

'TAE NG ASO!  '

Nilingon nya si Sucon ang alaga nyang bulldog na Aso, nakatanaw ito sa kanya habang nakalabas ang dila animoy pinagtatawanan sya sa nangyari sa kanya.

"Iiiiikaaaaw! "sigaw nya tsaka niya hinabol ito ngunit tumakbo lang ito palayo.

BEING HE'S PERSONAL MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon