Epilogue : The Ending

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka na makakagalaw pa, Aya. Pa'no ba 'yan? Mukhang mas mauuna kang magpaalam kaysa sa'kin." Sarkastikong sabi niya habang may ngiti sa labi. Nginitian ko nalang din siya at sa isang kumpas lang ay nahulog na siya sa kinaroroonan niya. Rinig na rinig ko pa ang sigaw niya habang nahuhulog sa sarili niyang kapangyarihan.



Nawala na rin ang mga butas sa paligid kaya nagsimula na'kong hanapin sina Zieon. Nilibot ko ang buong paligid pero wala akong makitang kahit na sino. Sinubukan kong pumunta sa taas pero hindi pwedeng pumunta roon dahil gumuho na ang daanan.



Lumabas nalang ako at tumambad sa akin si Zin na halos mapuno na ng galos sa buong katawan. Agad niya akong niyakap.

"Ano'ng nangyari? Bakit ang dami mong galos? Nasaan si Llusio? Gagamutin kit-"



"Shhh. Huwag ka nang maingay, wala na si Llusio. Si Cassandra nalang ang kalaban. At wala 'to, mga galos lang 'to. Hindi mo kailangang mag-alala."



"What a lovely scene!" Mabilis kaming naghiwalay ni Zin nang marinig ang boses ni Cassandra. Naglalakad siya mula sa hotel.



"With what I'm seeing, natalo mo si Llusio. Wala talagang kwenta 'yon kahit kailan, puro lang yabang wala namang utak. Tsk." Patuloy niya pa saka umiling-iling. Sa pagkakataon na 'yon, ginamot ko na ang ibang sugat ni Zin.



"Well, this is the time. Oras na para malaman natin kung sino sa'tin ang matitirang matibay. I can't wait to see you pleasing me not to kill you." Sarkastikong sambit pa niya pero hindi namin siya pinansin.



"This is it, love. Let's end this battle, together..."



"Yeah, tapusin na natin ang lahat..."



×××

HINDI ko pa nagagamot ang lahat ng sugat ni Zin dahil pinatigil na niya ako. Kailangan daw naming mag-focus dahil hindi madaling kalaban si Cassandra. Hindi naman na ako nagpumilit pa kahit na gustong-gusto ko na siyang gamutin. Isa pa, tama siya. Mahirap kalabanin si Cassandra dahil sa kapangyarihan na meron siya. Hindi ko ma-kopya o ma-kontra ang kapangyarihan niya dahil pinipigilan niya ako.

Maya-maya pa ay nagsimula na siyang maghagis ng enerhiya. Hindi siya tumigil hanggang sa tumilapon ako palayo dahil ako ang pinupuntirya niya.



"Aya! Huwag mo siyang idamay rito, Cassandra! Tayo ang mag-tuos para magkaalaman!" Galit na galit na sigaw ni Zin at agad na sinugod si Cassandra. Pero katulad ko ay tumilapon lang din siya palayo dahil mas malakas pa rin si Cassandra kaysa sa kaniya.



"Mamamatay ka na!" Sigaw ni Cassandra habang buong-pwersang binabato ng kapangyarihan si Zin. Bumangon ako para tulungan siya pero mabilis akong nahawakan ng mga halimaw na palihim pa lang ginawa ni Cassandra. Wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang harapin ang mga ito.



"Cassandra, stop it! I said you can't kill my son!" Napatigil si Cassandra dahil biglang dumating si Zino at silang dalawa na ngayon ang naglalaban. Samantalang si Zin ay hirap na hirap na bumabangon. Dahil sa matinding galit na nakikitang nahihirapan siya ay pinanggigilan ko ang mga halimaw at pinatumba silang lahat.



AyaWhere stories live. Discover now