36

37 14 0
                                    

Estella's POV:


"Hoy! Ano? Handa na ba 'yong gamit ni Estella?! Nagdadadaldal pa kayo d'yan, manganganak na 'to!"


Napasigaw ako sa sakit na nararamdaman ko! Hayop! Hindi ko naman alam na ganito pala magbuntis! "Ahhh! Ate, tara na sa ospital, please?! Baka dito ako manganak sa kotse! Ahh!" Paiyak na ako nang umiral na naman ang sakit na nararamdaman ko! Halos lahat kami ay nagpapanic dahil kailangan na palang ngayon ako dalhin sa ospital!


Parang kanina, chill na chill lang kaming nanonood ng movie sa sala, tapos ngayon, hindi kami mapakali, isa na ako sa mga natataranta dahil baka dito lumabas ang bata! Si Asher naman, kanina pa ako pinapakalma, pisilin ko raw ang kamay niya pero nang pisilin ko ay mas malakas pa ata ang tili niya sa 'kin!


"Asher! Ang sakit! Sobra! Please lang magmadali kayo! Ahh!" Sigaw ko pa, kitang kita ko ang pag-pigil ng tawa ni Kuya Jax sa drivers seat, binalingan ko siya ng tingin at kumunot ang noo ko nang matawa siya lalo sa itsura ko, naiyak nalang ako bago ko itinaas sa kaniya ang gitnang daliri ko.


"Sandali na lang, El, malapit na sila! Aray ko, putangina! Ang higpit ng paghawak mo sa 'kin, gago!" Sigaw ni Asher, sa kagustuhan kong tumawa ay naiyak nalang ako, grabe talaga, napaka tagal nilang kuhanin ang bag ko sa kwarto! Punyeta talaga 'tong mga 'to, mamamatay na ba ako?!


"Ate Avi! Isunod niyo nalang 'yung gamit, please?!" Sigaw ko, hindi niya ata 'yon narinig kaya napaiyak ako ng malala. Ano bang problema nila?! Daig pa sila ng pagong! Argh! 


Naiintindihan ko namang malalim na ang gabi at halos alas-dyis na, inaantok na ba sila at ganito sila kabagal?!


"O, eto na! Eto na 'yung gamit!" 


Lumiwanag ang paningin ko nang makita si Kenzo! Napapalakpak ako sa tuwa, buti pa 'tong isang 'to, may nagawa. "Hulog ka talaga ng langit, Ken! Thank you, thank you, thank you!" Napabitaw ako kay Asher nang pumasok si Kenzo sa kotse, agad naman niyang sinara ang pinto nang sumakay na sina Ate Avi at Ate Ariana.


"Ako na, Asher, naaawa na ako sa braso mo," Kenzo chuckled. Nakahinga ako nang maluwag nang tumabi siya sa 'kin, nilahad niya ang braso niya at doon naman ako humawak, "Ano, napagtanto mo na bang hindi mo kaya nang wala ako?" Tumawa siya, inirapan ko nalang ang lalaki at hinampas ang braso.


"Ahh!" Agad ko namang pinagsisihan 'yon dahil sumakit na naman ang tiyan ko. Baby naman, kalma ka lang, malapit na tayo sa ospital, wait mo lang naman, excited ka agad lumabas, eh.


Naluha ako nang mas naging masakit ang tiyan ko, "Shh, malapit na tayo, Athena.. Wait lang, ha?" Malambing na tugon ni Ate Ari, ilang beses akong tumango-tango habang patuloy nila akong pinapakalma.


"Anak pa, anak pa, Ascella!" Pang-aasar ni Kuya Blaze, it didn't help at all! Lalo lang akong nairita! Hmp, kahit kailan talaga ay napaka sama niya, "Char lang! Gusto ko rin mag-anak!" He pouted.


Nang tignan ko si Kenzo ay nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin, 'yun bang nag-aalala na nang sobra. Pinunasan niya ang mga luha ko before giving me an assuring smile. Sinandal niya rin ang ulo ko sa balikat niya para mas maging komportable ako. Ipinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga kahit kaunti, hinawakan ko ang tiyan ko at pinakiramdaman ko ang pagsipa ni baby sa loob.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now