13

205 178 2
                                    

Estella's POV:

"Pasok ka sa UST!!!" 



Napatalon kaming lahat, nandito ngayon sina Sam, Kio at Zyden sa bahay. Nagkataon pa na ngayon innanounce kung sino yung mga pasok sa UST. Si Kio, Sam, Natasha ay UST rin kaya magkakasama-sama kaming lahat, sina Caillen, Ashlee at Zyden naman ay sa Ateneo, at sina Liam, Kenji, Jake at Jiara naman ay sa La Salle. Ngayon lang kasi innanounce ang sa UST, last week pa ang sa kanila, kaya nag party na rin kami last week.



"Congraaaats satin!!!" Napa-yakap sakin si Sam, nagtatalon pa kaming dalawa kasi matagal na naming gusto mag-aral sa UST!!!



"Congratulations, Athenaaaa!!" Yumakap naman sakin sina Mommy at Ate Avi. "Thank you, Mommy!! Thank you, Ate!!" Ang saya ko talaga ngayon! Pero medyo malungkot na rin kasi hindi ko makakasama si Zyden.



"Congrats, love." Bulong sakin ni Zyden. Sigurado akong namumula na ako ngayon, yumakap din siya sakin at humalik sa noo ko. 



"KAINAN NAAAA!!" Sigaw naman ni Kio, aantayin pa namin sina Ashlee na dumating, dito na daw kami magcecelebrate. Siguradong magiging busy kaming lahat kaya susulitin na namin yung mga oras na free time pa kami.



Saktong dumating na sina Ashlee magkakasama silang lahat, and kumpletong-kumpleto na kami. 



"CONGRATULATIONS!!" Sigaw ni Liam mula sa malayo, may dala-dala pa talaga silang flower bouquets.



"Thank youuu!!" Napa-takbo si Liam papunta sa direksyon ko at nag-abot ng flowers sa amin ni Sam. Umupo na kaming lahat at handang handa na kumain, magkatabi kami ni Zyden at nasa kanan ko siya, sa kaliwa naman ay si Ate Avi.



Nagdasal kaming lahat at nag-cheers pa ng mga baso.



"Cheers to the new couple!" Sigaw ni Kio, napatakip naman agad siya sa bibig niya. Sabi ko secret lang yon!!!! Napa-tingin naman agad ako kay Mommy na naka-awang na ang labi. Pati kina Ashlee na napa-takip na sa bibig at naglakihan ang mata.



Lagot nanaman ako dahil kay Kio ko lang sinabi.




"Kailan pa?" Tanong ni Ate Avi, patay tayo diyan.



"Nung fieltr--" Napatigil si Kio nang magsalita si Zyden.



"5 months." 



Nanlaki ang mata ko nang aminin niya talaga. Lalong napa-awang ang labi nilang lahat, sina Liam at Jake lang ata ang nakikita kong masaya doon sa gilid.



"Kayo na?" Tanong ni Mommy. Napatingin naman ako kay Zyden, at hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng mesa.



"Opo." Sabay na sabi namin ni Zyden. Bigla silang ngumiti lahat.



Sa Iyong NgitiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang