33

73 45 0
                                    

Chapter 33

Kanina pa ako nag-iikot dito sa bahay, walang magawa at boring na boring na. Tapos na kasi akong maghakot ng gamit, tapos na ring ilagay sa truck.

Napagpasya kong pumunta sa kwarto ni Zion dahil hindi pa siya tapos mag-ayos ng gamit, umuwi siya rito kagabi ng hatinggabi at puro pasa 'yong mukha. Malamang na nakipag-away na naman siya kaya nabungangaan nina Mommy.

"Zion?" Kumatok ako sa pinto niya, walang sumasagot, ah? "Bro, papasok ako, ha?" Hindi ko na inantay ang sagot niya at pumasok na lang basta-basta.

Nakita ko siyang naglalaro habang naka sandal sa headboard ng kama, hindi rin maipinta 'yong mukha niya. Wala sa mood si bata.

"Ginagawa mo rito?" Galit ang tono niya pero kalmado siya. Siguro ay hindi pa rin nawawala 'yong galit niya kahapon sa mga naka-away niya. As usual, sa 'kin niya ulit 'yon ilalabas. Sanay na 'ko.

"Wala naman. Bakit hindi ka pa nag-iimpake?" Tanong ko bago pinulot ang mga bag na nagkalat sa sahig.

"Pakialam mo ba? Lumabas ka na lang, pwede?" Hindi niya ako tinapunan ng tingin, nakatingin lang siya sa cellphone niya habang... naglalaro? Siguro. "Tangina'ng bobo." Bulong niya.

"Sino ba 'yong mga nakaaway mo kagabi? Mukhang 'di mo pinatulan, ah?" Tanong ko pa. Ilabas na niya ang galit niya para hindi na siya nagkakaganito.

Naiirita ako 'pag may nagsusungit sa 'kin. Maliban kay Ace, siyempre, crush ko 'yon, e'.

"As if papatulan ko, e 'di nasa ospital na 'yong mga 'yon ngayon." Bulong ulit niya. Galit nga talaga siya.

"Sino nga 'yon? Bat ka nila binugbog?"

I might've cut the last string of his patience. Naihagis niya 'yong cellphone niya sa pader kaya nabasag. I raised a brow. "Tang-, ano bang pakialam mo? Kahit kailan hindi kita pinakailaman sa buhay mo, kaya pala may naagaw ka na sa 'kin nang hindi ko nalalaman." Sigaw niya sa 'kin. Nagparte ang mga labi ko nang bungguin niya ako bago siya lumabas sa kwarto.

Hindi siya galit dahil doon sa mga nakaaway niya kagabi. Personalan na kung personalan. Galit siya sa 'kin. Ano na namang ginawa ko?

Sinundan ko siya palabas ng kwarto, ano nanaman 'to? Lahat na naibigay ko sa kaniya, ah? Ano pa bang kulang?

Nakita ko siyang pababa sa hagdan.

"Zion!" Napatigil siya sa paglalakad. "What are you saying? What do you mean 'inagaw'? Anong inagaw ko sa 'yo?" Naguguluhan ako. Wala akong ginagawa sa bahay kundi mag-aral, may inagaw pa ba ako sa kaniya?

"'Wag ka ngang pa-inosente, Zyden. Nagmumukha kang baliw, e. Bagay sa 'yo." He scoffed before walking down the stairs. Wow, he called me by my name. Kakaiba ka talaga, bro.

"Mukha ba akong may alam sa sinasabi mo? Ako pa ang nang-agaw sa lagay na 'to?" I was slowly getting pissed. Pwede ba niyang sabihin na lang ng isahan? Hindi 'yong tatlong beses ko pang itatanong.

Nang makababa siya ng hagdan ay saka niya 'ko hinarap. "'Wag na nating pag-usapan." Madiin niyang sabi. "Basta't tandaan mo, hindi pa huli ang lahat, gagawin ko ang kahit ano, 'wag lang siyang maagaw sa 'kin, tandaan mo 'yan, ha?" Mahina niyang tinapik ang braso ko.

Sa Iyong NgitiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora