30

105 79 0
                                    

Chapter 30

Estella's POV:


Cancelled Flight.


Ngayon lang nangyari 'yon! Sino naman ang may pakana?! Sabi ni Kuya Jax ay nung nagpunta siya sa Airport at tinanong kung sino ang nag-cancel ay ayaw namang sabihin, mukhang binayaran pa nung mokong ang mag tao roon.


"I booked another flight, bukas ang alis natin, final." Announcement ni Kuya Jax, kanina ay kaya pang ngumiti ng Zepitome dahil akala nila ay nagbibiro si Kuya Jax, pero nang itanong namin sa Airport ay isa-isang nagbagsakan ang langit at lupa sa 'min.


"Sure na 'yan, ah! Nako, ako ang matutunaw dito sa kakaantay sa snow!" Ani Kuya Blaze, naka-saplot na kasi agad siya ng makapal na jacket at may naka-pabilog pa sa leeg niya, makapal ang tela nun kaya pinawisan agad siya, feel na feel ang pagpunta sa Japan, ani nga niya.


"Hindi mo ba tatanggalin 'yan? Ako ang nababanas sa 'yo!" Reklamo ni Ate Avi dahil dikit ng dikit si Kuya Blaze sa kaniya, "Isa, Blaze!" Pagbabanta ni Ate Avi, handa nang gumanti kay Kuya Blaze.


"Dalawa, Avi!" Panggagaya naman nito, napailing ako at nagpunta nalang sa sala, tinabihan ko sina Kuya Axel na nanonood ng TV, nanonood sila ng balita para daw masiguro nilang safe kaming makakapunta sa Japan.


"Ace!" Nilingon ko si Addy na malapit sa exit ng base namin, "Pumunta ka rito!" Sinenyasan niya pa akong pumunta sa kaniya kaya iyon naman ang ginawa ko.


"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko, umiling siya at nag-abot sa 'kin ng isang paper bag, hindi ko na binuksan 'yon dahil baka ipapaabot niya lang sa kung kanino.


"Pumasok ka sa CR at gamitin mo 'yan, kulang pala ng isa ang test mo, required 'yan, e." Sabi niya, tumango naman ako at akmang aalis na para magpunta sa CR pero nagsalita nanaman siya. "Tsaka," Napatigil ako ulit at humarap sa kaniya, taas ang dalawang kilay ko, nag-aabang ng itatanong niya, "'Wag mo munang titignan ang result, 'pagtapos mong mag-test ay itago mo kaagad diyan, ako nang bahala." 


Ginawa ko ang sinabi ni Addy, nalito pa nga ako dahil ipinagtataka ko kung bakit tatlong PT 'tong ibigay niya, pwede namang isa na lang, alam ko namang hindi ako buntis, 'no! Binalik ko sa kaniya 'yong paper bag na may laman ng tests ko, 'pagtapos no'n ay nagpunta ulit ako sa sala, nandoon pa rin sina Kuya Axel, sabi nila ay safe naman daw bukas, hindi na kasi airport ang pupuntahan namin bukas, naka private plane na lang kami, private plane ni Ariana. 


Siya na mismo ang nagpahiram ng eroplano niya sa 'min, gusto lang naman daw niya 'makatulong', noong una ay hindi na dapat ako papayag pero mas inisip ko ang kalalagyan namin kung hindi pa namin tatanggapin 'yong tulong niya, tsaka parang ang selfish ko rin kung gagawin ko 'yon, dahil lang ayaw ko sa kaniya, hindi ko rin dapat nilalabas ang galit ko kung maganda naman ang intensyon niya, sa Zepitome.


"Wala ka talagang planong sabihin sa kanila?" Napatingin ako kay Kuya Axel, umiling ako sa tanong niya. Wala akong plano, anyways hindi naman nila mahahalata 'yan, iisipin nila na nagbakasyon lang ako, dahil sa graduation, okay na 'yun. "Matitiis ka nila?" Tanong ulit niya, bumuntong-hininga ako at tumango, sila pa ba? "E' ikaw? Matitiis mo sila?" Inis akong tumingin sa kaniya, ano bang meron sa kaniya at nangingialam pa siya sa 'kin, 'pag sinabi kong hindi ko sasabihin, hindi.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now