6

240 196 1
                                    

Chapter 6


Estella's POV:

Pababa na kami ngayon dahil may laban pa kami ng kanya-kanyang sports mamaya. Mauuna naman ang soccer, which is kina Caillen, Kenji at Jake, dahil malilom pa ngayon, para rin daw  hindi sila masyado mababad sa initan dahil sa labas pa naman sila.


Magkatabi kami ni Zyden na pababa sa stairs, matapos ang nagyari kanina hindi na namin alam 'yong gagawin, hindi pa rin siya nagsasalita, siguro nabigla siya sa ginawa ko kanina. Hah! Akala niya ah. Pero mas nabigla ako, ako ba 'yun? Hindi ko rin nga alam kung bakit ko ginawa 'yon, siguro nadala lang ako, pero ang tanong bakit niya ba gustong malaman 'yong tungkol kay Asher? Bahala na si Batman, malakas naman ako doon. Baka may tumulak sakin na good spirit.


Dahil sa sobrang pagkailang ko, hindi ko na pinalagpas 'yong bumabalot na katahimikan sa'ming dalawa, pinigilan ko siya sa paglalakad at hinila pabalik sakin, naka-hawak ako sa braso niya pero lumipat 'yon sa mga pisngi niya dahil kitang kita ko pa rin ang pamumula non, hah! Halatang crush ako neto! Charot, assuming!


"Bat nagbublush ka?" Tanong ko sakanya, ngumisi ako sa kaniya para mainis siya sa itsura ko, ngayon ko lang siya nakitang namula ng ganito, nadaig pa niya ang magblush-on, talo pala siya sakin e. Hinalikan ko lang namula na. Oooooooh..


Sumingkit ang mga mata niya at dahan-dahang tinanggal ang mga kamay ko sa pisngi niya, nagpatuloy siya sa paglalakad kaya naisipan ko nalang na asarin siya.


"Uyyy! Torpe ka na pala talaga ngayon, 'a? Aminin mo na kasing crush mo'ko! Namumula ka agad, e! First kiss mo siguro 'yon, 'no? Pero imposible, napaka babaero mo, e!" Pang-aasar ko habang hinahabol siya, hindi manlang ako tinapunan ng tingin?!


"Luh, totoo?! First kiss mo 'yon?!" Sarkastikong pangungulit ko pa, tinawanan ko lang siya ng malakas kahit first kiss ko naman talaga 'yon. Mukha lang akong tanga dito, tanong ko sagot ko, pucha naman makisabay ka naman sa trip ko-


"Bakit? Hindi ba 'yon din ang first kiss mo?" Natatawang sabi niya habang naglalakad, naka-pamulsa na ang dalawang kamay niya habang may bag na naka-sakbit sa kaliwang balikat, pa'no niya nalaman na first kiss ko 'yun, e wala naman akong pinagsasabihan na wala pa ako noon?! Manghuhula ba 'to?!


"Manghuhula ka ba?!" Hinampas ko ang braso niya, "Subukan mong ipagkalat 'yon, makakatikim ka sa'kin." Sinamaan ko siya ng tingin, naka-ngisi naman ang kupal sa'kin habang pikon na pikon akong naglalakad papunta sa kaniya.


"I GOT ESTELLA'S FIRST KISS!!" Bigla nalang sumigaw si Zyden kaya nahakot lahat ng atensyon ng mga estudyante sa school, "SHE ALSO GOT MINE!" Dagdag pa niya kaya lalo akong nabigla, napatingin naman ako sa paligid dahil nagsisikumpulan na 'yong mga tao! Anak ng tipaklong! Kulang nalang gumiba na ang hagdan ng school namin sa sobrang daming tao!


"Omg?! Is that true?! Parang kanina lang kayo naging loveteam may first kiss na agad?!"


"Grabe talaga! Kiss nga!"


"Walang proweba! Kiss!!!"

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon