15

203 177 0
                                    

Estella's POV:


"Nandito na tayo!!" Masayang sabi ko kay Zyden, narito kami ngayon sa Zepitome, ang tagal na niyang hindi nakakapunta dito kaya napag-isipan kong dalhin siya, siguradong namiss rin siya nina Kuya Yuri.



Hinila ko na siya papasok sa Zepitome, at nadatnan namin lahat ng members na nasa field, naghanda pala talaga sila para sakanya, saktong reunion namin at kumpleto pa!



"WELCOME BACK, ZAIL!!!" Sigaw nilang lahat, nagpaputok pa sila ng mga confetti. Napatakbo naman si Kuya Yuri papunta sa direksyon namin, silang dalawa ang close ni Zyden, e.



"Bro! Welcome Back!" Napayakap naman si Kuya Yuri sa kanya, matagal na silang hindi nagkikita, ang huling pagkikita pa yata nila ay noong intrams namin? Baka nagkita sila noon.



"ZAAAAAAAAAAAAAIL!!" Napatalon naman si Jacob kay Zyden, ngayon lang ata nila nalaman na siya si Zail.



"What's up, pare?" Napa-irap ako sa pagiging cool ni Asher, nakipag-shake hands pa siya kay Zyden, pagkatapos noon ay ginulo niya ang buhok ko.



Sila talaga 'yong mga 'bros' dati, e. Pero hanggang ngayon naman, bumalik lang si Zyden.



Iniwan ko muna silang mag-usap usap doon, at tumungo ako papunta kina Addy, nagtataka tuloy ako kung nasaan sila?



"ASCELLA!!!!" Sigaw nila, nanlaki ang mga mata ko nang may dala dala silang mga bote ng alak!



"Pinayagan na tayo!!! Whoo-hoo!!!" Masayang sabi ni Jazmine, tinulungan ko na rin silang maghakot ng mga inumin, ang tagal ko nang hindi nakakainom, ah!



Sigurado akong bagsak sila mamaya, nung uminom nga kami sa Base sa bahay, mga wasak sila. Well, ako na rin siyempre.



"Ikaw ah! Boyfriend mo na pala si Zyden! Ay si Zail! Hindi, si Zyden! Ah basta 'yun!" Pagdadaldal ni Jazmine, napatingin naman sa akin si Addy na naka-ngisi lang.



"Matagal na kayo 'diba? Magfo-four years?" Tanong ni Addy, mukhang tatawa pa siya pero hindi ko alam kung anong nakakatawa.



Tumango ako sa kanila.



"SANA-ALL!"



Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now