20

178 147 0
                                    

Estella's POV:

"Sa'n ba tayo pupunta?! Papuntang Airline to, ah! May susunduin ka ro'n?!"



Tatlong oras na kaming bumabyahe sa hindi ko malamang dahilan, may susunduin ba si ZJ do'n?! May hangover pa 'ko! At aawayin pa kita mamaya! Nung dumating kami sa condo niya kahapon, hindi ko na alam at hindi ko na rin matandaan ang mga pinagsasasabi ko! Ang naalala ko lang kahapon, katabi ko na si ZJ sa upuan habang dinadaldal pa rin ako nina Samantha!



"We're almost there, love!" Natatawang sabi niya, madalas na siyang tumatawa ngayon, 'a! Himala, hindi ako nainis. Naka-ngiti pa siyang tumingin sa 'kin habang nagda-drive!



"Do'n ka tumingin! 'Wag sa 'kin, enebe!" Pag-iinarte ko, iginaya ko ang mga mata niya para do'n siya tumingin sa daan! Pwede namang mamaya nalang, e! Pereng tenge nemen!



"CEBU PACIFIC?!?!" Agad na nanlaki ang mata ko.



Ba't nandito kami?! A-anong gagawin namin dito?! Ang usapan, sa Tagaytay lang kami pupunta! Pa'no kami nakarating dito?!?! Alam ba ni Mommy na nandito kami?! Alam ba ni Ate Avi?! Ng parents niya?!



"Sa'n tayo pupunta, ZJ?!" Hinagip ko ang kamay niya, kaya hindi siya nakalabas ng kotse, iniiwasan niya ba 'yong tanong ko?! Bakit hindi niya sinasabi sa 'kin, ha?!



"To the place I'll marry you." 



Ha? Anong 'to the place I'll marry you'? 



"'Wag mo 'kong pinagtitripan, ZJ." Umiwas ako ng tingin at bumaba sa kotse, nang maisara ko 'yon, napasandal ako sa pintuan at napa-hawak sa dibdib ko, nag-init ang katawan ko sa sinabi niya at bumilis ang pagtibok ng puso ko.  Mariin akong napapikit dahil hindi ko na alam kung pa'no ko siya kakausapin ngayon!



Naglakad ako papunta sa kabilang side ng kotse niya at nakita ko siyang naglalakad papunta sa opposite direction ng papasok ng Airline, sa'n siya pupunta? 



Sinundan ko siya at tumigil siya sa tapat ng isang kotse, napa-kunot ang noo ko nang buksan niya 'yon at nilabas niya ang dalawang maleta.



Napatakbo tuloy ako papunta sa kaniya para tanungin kung anong laman no'n, pero napa-tigil ako nang pumasok sa isip kong gamit namin 'yon! So pinaghandaan niya talaga?!?!



Nakasakay na kami ngayon sa airplane at papunta kami sa Palawan dahil nakita ko kanina. Katabi ko ngayon si ZJ at mukhang pagod na siya, malamang siya ang naghanda ng lahat ng 'to, siguradong hindi niya sinabi sa 'kin na papunta kami sa Coron dahil alam niyang hindi ako papayag na siya lang ang magbabayad, kaya tinago niya sa 'kin.



Matagal ko nang gusto magpunta sa Palawan, alam niya 'yon dahil sinabi ko na sa kaniya 'yon noon, gusto kong mag-swimming roon, pati 'yung mga activities do'n! Lalo na 'yung banana boat! Pati 'yung Island Hopping, kayak, snorkeling! Pero kung pupunta talaga ako do'n, matagal na naming gusto ni ZJ na sumakay sa speedboat habang pinapanood ang sunset.



"Sleep." Tinapik niya ang balikat niya at isinandal ang ulo ko roon, kinumutan pa niya 'ko ng jacket niya dahil nilalamig na nga 'ko. Niyakap niya ako at mas naging komportable ako dahil para akong sobrang ligtas sa mga braso niya.



"Matulog ka na rin, pagod ka, e." I said in a baby voice, I also heard his soft chuckle at kasabay no'n ay ang paghalik niya sa noo ko.



"I'm not, as long as I'm with you." He planted a soft kiss on my lips and even caressed my cheeks.



"Thank you, love." 



Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now