21

159 129 0
                                    

Chapter 21


"There it is, the sun." 


Napa-ngiti ako nang makita ko na ang konting sikat ng araw sa kalayuan habang naka-sandal ako kay Zyden, para tuloy kaming nasa titanic nito, nasa gitna kami ng karagatan at pinapanood namin 'yong araw.


Alam kong masaya si Zyden habang pinapanood niya 'to dahil ganto rin 'yong ginagawa namin nung bata kami, naka-dungaw kami don sa may bundok habang pinapanood 'yong magandang kalawakan. Ni-hindi na kami nag-abalang picturan 'yon dahil parang ni-isang tingin ay pinagdamot na namin.


Pinapanood ko si Zyden habang nagrereflect sa mga mata niya 'yong ilaw. Brown eyes. According to him, stress reliever niya 'to at namiss din niyang panoorin ang sunrise na magkasama kaming dalawa, but this time in a yacht.


"Naalala ko noon, naka-tulog ka pa habang pinapanood 'yung sunrise. Hindi pa nga nakaka-kalahati, tinulugan mo na." Pang-aasar niya, naalala ko rin 'yun, 'no!


"Kasalanan ko bang napuyat ako kaka-intay sayo non?" Pambabara ko naman. Siya 'tong excited sa sunrise pero ang tagal niyang dumating! Hindi tuloy ako natulog kasi excited pa man din ako!


"'Wag mo na ulit akong tutulugan. Lalo na ngayon, baka--"


"Baka ano? Ha?" Sinamaan ko siya ng tingin, he even gave me a flirty look! "Baka ikaw ang ihulog ko diyan sa dagat!" Kayang-kaya ko siyang ihagis diyan! Isang tulak ko lang boom bagsak siya don!


"No need. I already fell." Pambabara naman niya sa'kin kahit naka-tingin pa rin siya don sa araw. "For you." Dagdag pa niya! Hala siya, kinilig naman si Ateng! Parang tanga, wala namang usapan na babanat ng ganyan!


"Ako lang 'to. 'Wag ka masyadong kiligin." Yabang! Hindi naman ako nainform na may bagyo palang paparating! Kasalanan ata 'to ni Kuya Kim.


"Kahapon.. ko lang nalaman na mahilig ka pala sa bata, 'no?" Pag-iiba ko ng usapan. Hindi ko naman kasi siya nakitang may nilapitang bata noon pero minsan lang, ha ano daw? , tsaka sa sungit niya ba naman, sinong mag-aakalang may malambot na puso pala 'to sa mga bata.


"Bat mo natanong? May plano ka bang--" Inis kong hinampas ang braso niya, nagtatanong lang ako! Ka-manyakan neto umaariba! Bwisit, walang kwenta kausap! 


"To be honest, yes. Oo, mahilig ako sa mga bata, dati nga pumupunta pa tayo sa orphanage kahit bata pa rin tayo non." Naaalala ko nga, pinupuntahan namin doon 'yung mga batang six years old pa lang, kahit first year highschool pa lang kami ni ZJ doon talaga kami pumupunta kapag may free time, minsan naman tumatambay kami sa Zepitome, lalo na nandoon din 'yung mga siraulo naming nakakalaro, sina Asher.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now