19

184 146 0
                                    

Estella's POV:

Gabi na naman at ako ulit ang mag-isa dito sa dorm, hindi ko naman alam na uuwi pala si Zyden sa condo niya, akala ko dito ulit siya matutulog, pero wala, e. Siguro bukas, pupunta nalang ako sa training niya sa Ateneo, kahit ganun nalang namin i-celebrate 'yong anniversary namin.



Kanina ko pa iniisip 'yong nangyari kanina, may gumawa ba ng issue sa 'min ni Miko kaya dumagsa 'yung mga tao do'n?! Ano 'yon?! Noon nga napagkakamalan pa kaming magkapatid ni Miko tapos ngayon naman akala nila na may relasyon kami?! Anong iisipin ng mga tao ngayon? Na-two timer ako? Ganon?



Hindi ko na tuloy alam kung paano ko haharapin si Miko ngayon! Iniwan pa namin siya sa parking lot kanina, hindi pa nga 'ko nakakapag-reply sa message niya sa sobrang hiya, ano ba kasing pumasok sa utak ko at sa kaniya pa 'ko nagpatulong bumili ng sapatos ni Zyden?!



Sa mga iniisip ko ba naman, pa'no pa 'ko makakatulog nito?!



Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko sa messages ni Miko pero hindi ko magawang tignan, hindi ko alam ang sasabihin ko! Baka masira pa ang pangalan niya sa 'kin! Baka sundan din siya ng mga tao kung saan siya pumunta! Ano 'yon?! Tinanggal ko lang ang freedom niya sa outside world?!



Jusko, Estella Athena, anong iniisip mo?!



Naka-ilang buntong-hininga na 'ko, halos dalawang araw na 'kong walang tulog! Una 'yung kay Liam, sunod kay Miko! Sino pang susunod?!



11:50pm na, mukhang masasalubong ko pa 'yung Anniversary namin.



Sa sobrang inis ko, napapunta ako sa kwarto ko dahil wala talaga akong magawa, ang kalat na naman ng sala dahil ang dami kong nakain, kung ano-ano nalang, makaka-apat na movies na rin ata ako, siguro mapapanood ko na lahat ng movies sa Netflix.



Nag-martsa ako papsok sa kwarto hanggang sa mapa-kunot ang noo ko nang may malagpasan ako.



Medyo natawa pa 'ko nang mapalingon ako sa 'wall of pictures' sa tabi ng kama ko, unang napansin ko 'yung picture namin ni ZJ. The first night. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan 'yung picture, si Ashlee 'yung nagpicture sa 'min noon, e. Pwede na siyang model, pwede pang photographer, 2 in 1.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now