22

165 116 0
                                    

Chapter 22

Estella's POV:

"Ang gwapo ko naman kung tatawagin mo lang akong Ulupong." Hanggang ngayon 'yan pa rin ang pinaparinig ni Miko kahit nasa Zepitome na kami, dalawang oras na ang maka-lipas nang makuha namin si Adrian at tawagin ko si Miko na 'Ulupong.' "Hindi ka manlang nag-sorry 'pag-katapos mo 'kong sabihan no'n! Mahiya ka naman sa kagwapuhan ko, nagkakanda-gapang-gapang ang mga babae sa'kin sa itsura ko tapos ikaw tatawagin mo 'kong 'Ulupong'?!"


Ang akala ko tag-init ngayon pero parang tatangayin na ako sa lakas ng hangin.


"Manahimik na nga Miko, pucha naman, nilalamig na kami sa lakas ng hangin." Nanginginig boses na sabi ni Jake bago nag-kunwaring nilalamig habang tinatakluban ang sarili ng kumot.


"Kung hindi mo 'ko inunahan sa Leviathans edi sana hindi ka Ulupong sa mga mata ko." Sagot ko, kaepalan niya, 'yan napapala. Ang usapan, ako ang gagawa non, hindi siya. Sayang naman 'yong effort ko, ang dali-daling pabagsakin ni Adrian, pero kung kakaharapin ko pa 'yong mga Leviathans, edi sana sulit. He was never part of the plan!


Inaantay namin ngayon sina Natasha at Sam na magising dahil nga sa pagka-walan nila ng malay sa ininom nilang alak, napag-alaman din namin na talagang sinadya ng Leviathans na ipamigay 'yong mga alak na 'yon sa mga tao para magsi-uwi na sila at ang matitira gagamitin nila, para papuntahin ako sa base nila. Plano pa ata nilang kuhanin si Amanda pero buti naman at naunahan namin sila. 


Dapat pinapamigay na 'yan si Amanda, e. 


"Hindi pa ba magigising 'yung dalawang 'yon?! Sasampalin ko nalang para diretso tayo!" Inip na sabi ni Amanda. Naka-tali siya ngayon sa isang upuan dahil napaka-likot niya, wala kasi siyang magawa, hindi siya pwedeng umalis o gumamit ng phone kaya tinali nalang namin siya, hindi siya matigil sa isang lugar, may bulate rin siguro siya sa pwet. "You! Get this off me! Kasalanan ko bang inip na inip na ako kaya ikot ako ng ikot?!" Tinuro niya si Kio kaya agad naman napa-balikwas sa inuupuan ang gago.


"Ayoko nga, bleeeeeeh!" Pang-aasar ni Kio habang paikot-ikot sa paligid ni Amanda, halatang nang-aasar. "Kanta ka muna ng ikot-ikot ni Sarah G. PUAHAHAHAHA!" Dagdag pa niya bago kinantahan si Amanda ng 'ikot-ikot'. 


"Ikot-ikot lang, ikot-ikot lang! Ikot-ikot!" Pagpapatuloy niya kahit wala sa tono 'yung kinakanta niya, ang sarap nilang pag-uuntugin nina Amanda at Miko dahil pare-pareho silang makululit.


"I'm hungry." Bulong ni Ashlee. Agad 'yong narinig ni Liam at agad naman siyang naghanap ng pagkain kahit wala namang mahahanapan ng pagkain.


"May biscuits ako dito, you want?" Masayang tanong naman ni Liam kay Ashlee habang may kinukuha sa bag.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now