32

70 46 0
                                    

Chapter 32

Wala na ba akong damit na babagay sa 'kin? Magkikita pa kami ni Ace. I can't be late. Siguradong magagalit 'yon sa akin dahil pinaghintay ko na naman siya. Baka maabutan pa ako ni Mommy dito. Hapon na tapos nag-aya pa si Ace na pumunta sa tambayan namin. Kaya wala akong nagawa. Tatakas muna ako.

Habang naghahanap ng maayos na damit ay pumasok si Zion sa kwarto ko holding his phone. "Kuya, what are you doing?" He innocently asked. 

"Naghahanap lang ng maayos na damit, Zi. Do you need anything?" I asked him. 

"Wala naman, Kuya.. Tatakas ka na naman?" Tinignan ko siya. "Nabobored ako, bro! Pwede ba 'kong sumama?" Tumalon siya papunta sa kama at doon dumapa.

"Hindi ka pwedeng sumama, Zion. Magagalit sa 'tin si Mommy. Next time nalang 'pag nandito na si Daddy." Sagot ko bago tumalikod ulit para maghanap ng damit. He groaned.

"Ano ba 'yan, Kuya. Andami-daming damit na maaayos diyan, oh. Bagay naman lahat 'yan sa 'yo. Bat hindi mo suotin?" Tumayo siya mula sa pagkahiga at nilapitan ako. "Ang weird mo. Inlove ka, 'no?" Ngumisi siya ng mapang-asar. "Sino ba 'yang pinaghahandaan mo? Swerte naman, nu'n." Tumawa siya at naghalungkat ng damit.

"O', pumili ka." Kumuha siya ng dalawang damit, tinapat niya 'yon sa harap ko.

"'Yong blue nalang," Sagot ko. Ngumiwi siya.

"Pangit! Itong white nalang, o'!" Hinagis niya 'yon sa akin at agad ko namang sinuot. Hindi ko rin siya maintindihan minsan dahil pinapili niya pa ako pero siya rin naman pala ang magdedesisyon sa huli.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at iniwan siya doon. Pero agad din akong naguilty dahil iiwanan ko siya dito nang bored na bored na sa buhay. Bumalik ulit ako sa kwarto at hinagis sa kaniya ang susi ng kotse. Sumaya naman ang mga mata niya at mabilis na tumakbo palabas. Natatawa akong napailing. Pareho kaming thirteen ni Zion at marunong na kaming magdrive ng kotse. Actually, ten years old pa lang kami ay natuturuan na kami ni Daddy. Hindi naman kami nakakalabas sa highways dahil malaki naman ang subdivision dito.

"Bato, bato, pick!"

Hah! Ako ang magdadrive. 

Pagsakay ng kotse ay hindi na tumigil sa kakadaldal si Zi tungkol doon sa crush niya noong Grade 1. Hanggang ngayon nga ay hindi niya makalimutan ang mga letters na sinulat sa kaniya noong crush niya.

"Ang kapal kasi ng mukha mo. Hindi ka manlang umamin sa kaniyang gusto mo rin siya. E' di kung ganoon ay sana may girlfriend ka na." Pagbibiro ko.

"Gano'n ba 'yon? Napaka sama mo, Kuya. Napaka bata pa namin, 'yan na ang iniisip mo! Tapos ngayon may ka-date ka pa ata at sinama mo ako!" Pagmamaktol niya.

"Ha? Kasalanan ko bang sumama ka? Ikaw ang nagprisintang sumama. At isa pa, hindi kita isasama dahil uuwi kang mag-isa. Saka nalang kita ipapakilala kapag kami na." Nagbiro ulit ako. Lalong sumimangot ang mukha niya.

"As if sasagutin ka niya ngayon." Pambabara naman niya. 

"Wala naman akong sinasabing ngayon niya ako sasagutin, 'no. Ni-hindi niya nga alam na may gusto ako sa kaniya at nililigawan ko na siya." Natawa ako sa mga sinasabi ko. Hindi naman kasi malisyosa ang babaeng 'yon. Ang tingin niya sa akin ay 'bestfriend' lang niya. Pumayag ako sa ganoong lagay namin dahil ayoko naman siyang mapalayo sa akin. Hindi rin naman ako nagmamadali dahil kahit ilang taon pa ay kayang-kaya ko siyang hintayin.

"Ano bang pangalan niya, Kuya?" Kunot-noong tanong niya. 

"Ascella." Matapos kong banggitin ang pangalan niya ay bigla nalang akong napangiti. Hulog na hulog na talaga ako sa kaniya.

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now