25

117 98 0
                                    

Estella's POV:

"Ayos ka lang ba? Pwede namang kami nalang 'yung humarap do'n sa mga 'yon, baka mapa-ano ka pa, e." 

"'Wag na, Asher. May kikitain pa 'ko mamaya, 'pag may nangyaring wala sa plano, sasabihan ko nalang kayo." Sagot ko habang nag-aayos ng mga dadalhin, pupuntahan ko 'yong Leviathans sa napag-usapang lugar, pagkatapos do'n, pupunta naman ako sa bahay nina Samantha.

"Sasama nalang ako, kami ni Jacob." Pagpupumilit ni Asher, umiling ako bilang sagot, kung makulit siya mas makulit ako.

"Ako nalang sasama, wala ka ring magagawa kundi um-oo." Rinig kong sabi ni Addy sa likod ko, hindi ko siya pinansin at basta-basta nalang naglakad palabas ng Zepitome. Wala ako sa tamang lagay na makipag-talo pa, kung sasama sila, sumama sila. Wala namang pinagkaiba 'yon, parehong lugar pa rin naman ang pupuntahan namin.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa naka-busangot, hindi mapinta 'yang mukha mo, may nangyari ba?" Tanong ni Addy habang naglalakad sa tabi ko. "Sumagot ka naman, hindi ako manghuhula para malaman 'yang problema mo." Pangungulit niya pa.

"Hillford." Maikling sabi ko nang maka-sakay sa kotse niya. Siya ang nagpumilit na magdadrive, baka daw ma-aksidente kami kapag ako ng nag-drive.

"H-hillford? S-sure ka?" Tanong niya, nautal pa. Tumango lang ako bilang sagot at hindi na siya pinakialaman, hinalungkat ko ang bag ko para kuhanin ang phone ko dahil kanina pa tumutunog 'yon, nagmemessage siguro si Zyden.

Pagkabukas ko ng phone ko, nanggaling 'yong mga message na 'yon kina Ashlee at Kio, sa IG. Ni-isang message wala akong nakuha kay Zyden.

ash.diaz: El, i'm so sorry, you ran away, where are you na ba?

ash.diaz: el, please answer my call.

ash.diaz: estella im worried.

Gusto ko na sanang magreply pero tuloy-tuloy ang messages ni Kio.

pogisikio: hoy tenyang nasan kaba

pogisikio: kasama ko si ashlee dito sa mall nina kenji, pinapunta niya ko para hanapin ka daw, san kaba hoy

pogisikio: tenyang sumagot ka susumbong kita kay ate avi

pogisikio: aba hindi natakot ah, ganyan kana tenyang? panget mo naman kabonding, dali na nasan kaba secret lang natin ayieee

pogisikio: kasama namin dito sina zj amanda at miko

pogisikio: pumunta ka dito paiyak na si miko hahahaha

pogisikio: hahanapin kita humanda ka sakin

Pinower off ko muna 'yong phone ko dahil baka ma-locate ako ni Kio, tinago ko na sa bag 'yon at pinagpahinga ko nalang ang mga mata ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan doon ko pa madatnan sina Zyden at Amanda, sa bilihan pa talaga ng sing-sing? Ano namang gagawin nila doon? May namamagitan ba talaga sa kanila ni Amanda? Mukhang meron dahil hindi manlang nag-deny si Zyden, mukhang wala rin siyang pakialam nung nakita ko siya kanina, ni-hindi niya ako matignan ng may pakialam.

Akala ko, isang buwan siya sa Singapore, pero bakit ko siya nakita kanina? Ano 'yon? Kailan pa siya umuwi? Bakit hindi niya sinabi sa'kin para naman masundo ko siya? Eto na ba 'yung dahilan para magkaroon na ng rason para hindi ako manatili dito sa Pilipinas? Isang buwan at kalahati nalang, graduation na, malapit na.

Humalukipkip nalang ako sa gilid at iginaya ang ulo ko sa gilid para hindi mapansin ni Addy na umiiyak ako, lalo ko lang sinasaktan 'yong sarili ko sa mga iniisip ko, bat ba ganito? Hindi naman ako ganito noon, ah?

Sa Iyong NgitiWhere stories live. Discover now