CHAPTER 25

25 2 0
                                    

Taehyung's POV

Nandito ako ngayon sa canteen, mag isang nakain. Hindi ko kasama si Jungkook ngayon kase inutusan ng boss niya magpunta sa isang site na tinatrabaho niya.

Iniisip ko parin yung nasa may leeg niya, tinanong ko naman siya kung ano yun pero sabi niya kagat lang daw ng lamok.

Hindi ko naman na pinansin yon kanina at nagtuloy na lang sa pagkain.

"Taehyung!!!" napatingin ako kay Hannah ng tawagin niya ako.

Isa siya sa mga katrabaho ko medyo close din kami. Ang pinagtataka ko kung bakit ganon siya makasigaw tapos di ko maintindihan ang reaksyon niya.

"Makasigaw naman to." sabi ko pagkalapit niya sa akin.

"Sorry naman pero kailangan mo makita to." hinarap niya sa akin ang phone niya.

Nangunot ang noo ko sa nakikita ko. Video to na nakasend sa gc ng buong kompaniya. Video ni Jungkook na may kahalikan na babae sa opisina na nakalocate si Jungkook.

Nakaupo sa lamesa yung babae habang nakatayo si Jungkook sa gitna ng hita nung babae habamg naghahalikan sila. Napatakip ako sa bibig ko sa napanood ko. Hindi ko maipasok sa utak ko ang napanood ko.

"Diba magkasama kayo lagi ni Jungkook? Kilala mo ba yung babae? Gf niya?" tanong ni Hannah.

Napailing ako, tulala pa din sa napanood ko. Kaya ba hindi siya nakauwi kagabi? Tapos yung marka pa sa leeg niya dun ba yun nanggaling sa babaeng kahalikan niya?

Napapikit ako at napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit, hindi ko kinakaya yung sakit kaya napahawak ako sa lamesa.

"U-uy ayos ka lang?" may pag aalala sa boses ni Hannah.

"Ahh!" sigaw ko dahil tumitindi yung sakit hanghang sa unti unting nagdilim ang paningin ko.

Jungkook's POV

Napamura ako sa sarili ko ng mapanood ko ang video namin ni Grace, yung isa sa kliyente ko. Nagpunta siya sa opisina kagabi dahil may sasabihin daw siya tungkol sa pinapagawa niya.

Habang nagsusulat ako kagabi ay hinalikan niya ako sa labi at dahil nagulat ako ay napatayo ako noon. Inakit akit niya ako at may sinabi na kung ano ano, lalaki ako kaya hindi ko napigil ang sarili ko kaya pinatulan ko siya.

Habang hinahalikan ko siya ay napatigil ako ng maalala ko si Taehyung. Lumayo ako kay Grace at umiling bago siya iniwan. Panay ang mura ko sa sarili ko sa ginawa ko.

Agad akong umalis ng site at nagdrive pabalik ng building na pinagta trabahuhan namin. Pagkadating ko doon ay nakita ko si Hannah na nasa labas.

"Hannah!" tawag ko dito.

"Oh Jungkook, nakita ko yung video mo." sabi niya at nagulat naman ako.

"N-nakita niyo na?" tanong ko at tumango naman siya. Shit!

"Oo nga pala, si Taehyung dinala namin sa hospital." nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong nangyari?" bumalatay ang pag-aalala sa boses ko.

"Bigla siyang napasigaw kanina tapos hawak yung ulo niya, masakit yata ang ulo niya." sagot ni Hannah.

Hindi na ako sumagot at nagdiretso sa kotse ko at nagdrive papunta sa hospital na malapit. Pagkadating ko ay nagtungo ako sa nurse station.

"Kim Taehyung." sabi ko at hinanap naman niya agad.

"Room 104 po." sagot ng nurse at agad naman akong nagtungo don.

Pagkapasok ko sa room ay nakahiga si Taehyung sa hospital bed at natutulog nakita ko din si Taegyeong na nakaupo sa upuan sa katabi ng hinihigaan ni Taehyung. Napatingin siya sa akin at masama ang tingin nito.

"Anong ginagawa mo dito? Napanood na ni Taehyung ang kabastosan mo!" napatayo sa kinauupuan ni Taegyeong siya at lumapit sa akin at kinuwelyuhan ako.

"H-hindi ko sinasadya." nagsisimula ng mamuo ang luha sa mata ko.

"Hindi mo sinasadya? Ha? Kita sa video na ginusto mo iyon!" sigaw ni Taegyeong at saka ko naramdaman ang pagtama ng kamao niya sa mukha ko.

Napa-atras ako dahil sa lakas non. Napatungo na lang ako dahil ano pa bang ipapaliwanag ko ay kita na sa video iyon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit iyon napunta sa gc.

"Sinabi ko sayong wag na wag! Mong sasaktan ang kapatid ko!" sigaw ni Taegyeong at dinuro duro pa ako.

Wala akong ginawa maya maya ay pumasok ang doctor.

"Sino pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor.

"Kapatid ho ako." sagot ni Taegyeong.

"Ah, tatapatin ko na kayo hindi na ako magpapaligoy ligoy pa ano. Ineksamin namin ang pasyente at napag alaman namin na may sakit siya." parehas kaming nagulat ni Taegyeong sa sinabi ng doctor.

"A-ano pong sakit?" ako ang nagtanong.

"May brain cancer ang pasyente kaya madalas na sumasakit ang ulo niya medyo mahina din ang puso niya kaya nagpa-palpitate siya minsan..." madami pang sinabi ang doctor pero isa lang ang pumasok sa utak ko. May cancer si Taehyung.

Nang hihina akong napaluhod sa sahig. Kaya siguro laging napapahawak si Taehyung sa dibdib niya tapos ang putla putla ng balat niya at medyo namamayat siya, hindi ko naman pinansin ang pagpayat niya dahil natural naman sa tao kapag busy sa work pero yun pala may sakit na siya.

Nagumpisa nang tumulo ang mga luha ko. Dumagdag pa sa sakit niya ang nagawa ko. Napaka wala kong kwentang boyfriend dahik hindi ko man lang napansin ang pagbabago sa katawan niya, lagi siyang nakangiti na parang walang problema tapos ganito.

Bakit? Bakit siya pa? Patawarin mo ako.

...

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin