CHAPTER 5

41 3 0
                                    

Taehyung's POV

Nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa burol ng mga magulang ko. Hindi ko parin matanggap na wala na sila.

Nung time na nabalitaan ko ito ay agad akong nagpunta sa airport. Agad naman daw nakita ang bangkay ng mga magulang ko pero sunog na sunog ito. Hindi ko magawang matingnan ng matagal ang itsura ng magulang ko.

Napaka sakit, sobrang sakit kung alam ko lang na nung gabi na iyon ang huli naming bonding ay sinulit ko na ito.

Napabuntong hininga ako at tumayo para lumapit sa sa kabong ng mama at papa ko. Hindi kita ang katawan nila dahil sa tindi ng sunog sa kanila.

"Ma, Pa bakit?" nabasag agad ang boses ko sa kakaunting salita "Bakit niyo ako iniwan?" nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko.

"Taehyung..." napatingin ako kay Baekhyun na malungkot din ang mukha.

"Bakit kailangan nila akong iwan?" tanong ko kay Baekhyun na naluluha na din.

"Hindi ka naman siguro iiwan nila kung hindi mo na kaya, saka nasa magandang lugar na sila. Nandito lang ako para sayo." niyakap ako ni Baekhyun at yumakap naman ako sa kaniya at umiyak.

"Taehyung, kain ka na muna." napatingin ako kay Jungkook ng lumapit siya sa akin na may dalang pagkain.

"Wala akong gana." natulo ang luha kong sabi, bumagsak naman ang balikat niya.

"Taehyung, simula nung naiburol sila tita at tito hindi ka na kumain, sa tingin mo matutuwa sila kapag nalaman nila yang ginagawa mo?" usal ni Jungkook at naluluha akong tumingin sa kaniya.

"Kakain ako kapag gusto ko." maikli kong sabi at bumalik sa upuan ko.

Madami ang nakipaglamay sa burol ng mga magulang ko, dalawang araw na rin akong hindi napasok dahil dito. Wala naman kamag anak nila mama at papa na tumulong para dito pamilya lang ni Jungkook ang naggastos nito.

Tahimik ulit akong umiyak nang makapasok ako sa loob ng kusina, iniimagine ang nangyari nung gabi bago sila maaksidente nung umaga. Napaluhod ako dahil nanlalambot ang tuhod ko pero hindi ako tumigil sa kakaiyak.

"Ma! Pa!" sigaw ko habang umiiyak, rinig ko naman ang nagmamadaling pumunta sa akin.

"Taehyung, tahan na magiging maayos din ang lahat." pagpapatahan sa akin ni Baekhyun.

"Hindi ko kaya, Baek." tumingin ako sa kaniya na puno ng sakit.

"Shh kayanin mo, sigurado akong iyan din ang gusto ng magulang mo, ang kayanin mo ito." inalalayan ako ni Baekhyun patayo at inakay papuntang kwarto ko "Magpahinga ka na muna kami na nila Jungkook ang bahala dito." ani Baekhyun.

"Ayos lang ba sa inyo?" tanong ko at ngumiti naman siya.

"Oo naman, pahinga ka na ha kailangan bukas maayos na yang itsura mo pumapangit ka na." napangiwi pa niyang sabi at natawa naman ako ng konti "Ayan! Ngumiti ka at tumawa iyan ang gusto nila mama at papa mo." ani Baekhyun at nginitian ko naman siya.

"Thank you." ani ko at umiling siya.

"Wala yun ano ka ba, sige na pahinga ka na." ginulo pa ni Baekhyun yung buhok ko bago lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga naman ako bago humiga sa kama ko. Napabangon ako ng higa ng may maalala ako. Pumunta ako sa kabinet ko at hinanap ang regalo sa akin ni mama noon.

Napangiti ako ng maliit na box, itinago ko to noon dahil ayaw ko maluma nakakatawa ano. Lahat ng nireregalo ni mama pinapahalagahan ko pero ito ang kaisa isahang regalo na parehas nila mama at papa na nagustuhan para ibigay sakin nung araw ng birthday ko.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now