CHAPTER 4

46 3 0
                                    

Taehyung's POV

Ilang days na simula nung gabing sinabi yun ni Jungkook, madalas akong nakatulala sa kakaisip don. Oo aaminin ko may gusto talaga ako sa kaniya simula pa lng high school. Tatag ko hindi ko nasabi sa kaniya yun, i'm just scared, alam kong straight si Jungkook, wala tayong laban sa mga babae niya.

Huminga ako ng malalim at napagdesisiyon na kalimutan na lang ang feelings ko para sakaniya. Tama tama! Kakalimutan at tatanggalin ko na itong feelings ko para sa kaniya.

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Ilang segundo bago ko narealize na nasa kalagitnaan pala kami ng klase. Lahat sila nakatingin sa akin pati yung teacher namin.

"What do you need, Mr. Kim?" tanong ni Mr. Park teacher namin.

"W-wala po." napapahiya kong sagot at narinig ko naman yung tawa nila.

"Okay, you may sit down." ani Mr. Park.

Nakapikit ako habang umuupo, pwede ba akong kainin na ng lupa ngayonnnn? Sige naaa!

Napatingin ako kay Jungkook ng marinig ko itong tumawa.

"Tinatawa mo diyan?" tanong ko dito.

"Lutang ka kase." sagot niya kaya nginiwian ko lng siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at humarap sa ibang direksyon. Sakto namang pagharap ko ay nakaharap pala sa akin si Kalix kaya nagulat ako at nahulog sa bangko.

Rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Dahan dahan akong tumayo at bumalik sa upuan ko.

"Anong nangyayari sayo, Mr. Kim?" napatingin ako sa teacher ko ng magtanong ulit to.

"Nagulat lang po." sagot ko habang nakatungo.

"Saan ka naman nagulat?" tanong ni Mr. Park

"Sa–"

"May gagamba po kaseng nalaglag sa kaniya." napatingin ako kay Kalix ng siya ang sumagot at tumingin din naman siya akin at kumindat.

"Ahh ayos ka naman na Mr. Kim?" tanong ulit ni Mr. Park at tumango na lang ako.

Nagpatuloy sa pagturo si Mr. Park at pinilit ko ang sarili ko na makinig sa kaniya. Napailing na lang ako sa katangahan ko ngayong araw.

Dumukdok ako sa mesa ng magbreak time, inaaya ako ni Baekhyun pumuntang cafeteria pero umayaw ako, feeling ko kase pagod na pagod ang utak ko. Lintek kase na Jungkook yan.

Bigla akong napaayos ng upo ng may maramdaman akong malamig sa braso ko. Tiningnan ko iyun at milktea pala na hawak ni Kalix.

"Oh." inaabot niya sa akin.

"Para sakin?" tanong ko.

"Baka para sa kaniya." sagot ni Kalix at tinuro yung isa kong kaklase kaya napasimangot ako at natawa naman siya "Haha joke lang, oo naman para sayo saka ito kainin mo na din." inabot niya sa akin yung donut.

"Ahh thank you, magkano ba?" tanong ko at kunot ang noo na tumingin sa akin si Kalix.

"Anong magkano?" tanong niya.

"Ito, babayaran ko." patukoy ko sa inabot niya.

"Ahh hinde wag na libre ko na yan."

"Sure ka?"

"Mmhmm!"

Napatango na lang ako sa kaniya at kinain na yung binigay niya. Kakagat na sana ako ng isa pa sa donut ng may pumasok sa room namin at diretso ang masamang tingin sa akin nito.

Kilala ko 'to yung nasa kabilang section. Si Eunha oo tama. Lumapit ito sa akin at masama parin ang tingin.

"Hoy! How dare you to landi landi kalix huh?" mataray nitong tanong sa akin.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now