CHAPTER 11

33 2 0
                                    

Taehyung's POV

Nandito nga kami ni Jungkook sa mall and the heck naiilang ako sa mga mata ng mga taong napapatingin sa amin. Titingin sila sa suot namin at sa mukha namin.

May mga grupo ng kabataan na parang kinikilig kapag nakikita kami, ganito pala pakiramdam kahit hindi totoo yung nasa isip nila medyo ang sarap din sa pakiramdam, napangiti ako sa naisip ko.

"Aww!" napahawak ako sa noo ko ng mabangga ako sa isang lalaki.

"Aww–Ay sorry, ayos ka lang?" tanong ng nakabangga sa akin hinihimas din niya yung noo niya.

Napatitig ako sa mata niya, ang cute ng mata niya.

"A-ahh ayos lang naman–"

"Huy Taehyung anyare sayo? Bigla kang nawala sa likod." napatingin kami nung lalaking kaharap ko kay Jungkook.

"Ahh nagkabungguan kase kami" tumungo ng kaunti yung lalaki.

Hula ko mas bata pa siya sa akin. Halata eh pero matangkad na siya ah.

"Bakit naman kayo nagkabanggan?" tanong ni Jungkook nagpapapalit ang tingin sa amin.

"Nananakbo kase ako eh." alanganin na sagot nung lalaki at kumamot pa sa likod ng ulo niya.

"Lutang naman ako." awkward kong sagot.

"Parehas naman pala kayong tanga eh." nakangiwing aNi Jungkook.

Parehas kaming natawa nung lalaki sa sinabi ni Jungkook. Kahit sa pagtawa ang cute ng mukha niya. He looks like a child.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko at napatingin naman siya sakin.

"Ako si Sunoo." nakangiti niyang sagot at napatango ako.

"Ilan taon ka naman?" tanong ko ulit.

"18 po." sagot niya at napaawang naman ako.

"Totoo? Lah, mukha kang bata maliban nga lang sa height mo." sagot ko kaya natawa naman siya.

"Sunoo bakit ang tagal mo–" natigil sa pagsasalita yung bagong dating na lalaki mas matangkad siya kesa kay Sunoo.

"Ahh siya pala si Sunghoon." pagpapakilala ni Sunoo dun sa bagong dating na lalaki at nagtunguhan naman kami bilang galang.

"Ako si Taehyung at siya siya si Jungkook." pakilala ko naman sa amin ni Jungkook.

"Ilan taon na pala kayo?" tanong ni Sunoo.

"Parehas kaming 19 next year mag-20" sagot ko at tumango naman sila.

"Ahh alis na po kami naghihintay na po kase mga kaibigan namin." paalam ni Sunoo.

"Sige po." paalam naman nung Sunghoon.

"Sige sige ingat kayo." sabi ko.

"Sorry ulit." ngumiti pa si Sunoo at nakangiti akong kumaway sa kaniya at sa kasama niya.

Pagkaalis nila Sunoo ay nagdiretso naman na kami sa bilihan ng milktea at gusto daw netong feeling bata na kasama ko.

Pinagtitinginan parin kami ng mga tao. Pagpasok namin ni Jungkook sa milktea shop agad kaming tiningnan nung nasa counter at napangiti.

"Ano pong inyo? Mayroon po kaming promo sweetymilktea po, bibili lng po kayo ng sweetymilktea at may photo booth po iyon na kasama." nakangiting bungad sa amin nung babae at itinuro pa yung photo booth na may nagpapapicture na magjowa.

"A-ahh hehe hindi po kami mag-jowa." awkward kong sabi at napatigil naman yung babae.

"Ay sorry po sir hehe sorry po." pagpapasensya nung babae at natawa naman kami ni Jungkook.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora