PROLOGUE

102 4 0
                                    

Taehyung's POV

I'm Kim Taehyung i'm 18 years old nag aaral sa kilalang university dito sa city. Kakasimula pa lang ng pasok last week syempre kasama ko parin ang best friend kong si Jeon Jungkook simula pagkabata magkaibigan na kami dahil na rin siguro na magkaibigan ang mga magulang namin.

Mas matangkad lang siya sakin ng konti at mas matanda naman ako ng buwan sa kaniya. Maloko yan si Jungkook, napaka playboy palibhasa gwapo siya ayun hinahangin yung utak napakatagal pa sa harap nang salamin kaya always kaming late nakakapasok minsan naman pinauuna na niya ako kase alam naman na niyang ayoko yung na la-late.

Gwapo din naman ako well di ko itatanggi yan dapat di kinakahiya ang lahi natin, i mean yung lahi namin hindi ka kasali. May kaya ang pamilya namin pero ang pamilya nila Jungkook alam niyo na yun.

"Jungkook!" tawag ko kay jungkook dahil kanina pa ako dito sa salas nila naka upo hinihintay siya malapit na kaming malate dahil napaka tagal niya sa harap ng salamin daig pa ang babae.

"Eto na! Eto na! Ang atat mo masiyado kase!" sigaw pabalik ni Jungkook habang bumababa ng hagdan.

Napabuntong hininga ako sa itsura ni Jungkook, maayos naman yung mukha niya lalong lalo na yung buhok pero ng uniform, hindi nakabutones yung taas na bahagi ng polo niya at nakasabit lang sa leeg niya ang necktie niya.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya at nakangiting humarap saken.

"Ayos ba?" nagtataas baba pa ang kilay niyang tanong.

"Alin? Yung mukha mo o uniform mo?" inosente kong tanong at napairap naman siya sa hangin.

"Of course, my handsome face! Ugh! don't mind my necktie  i can't do it, you already know that." nakanguso niyang reklamo kaya napangiwi ako.

"So, what are you trying to say?" dahan dahan kong tanong at ngumiti naman si Jungkook ng nakakaloko.

Yeah yeah i already know what's next. Lumapit ako sa kaniya at binutones ang polo at inayos ang necktie niya. Busy ako sa pag aayos ng necktie ng mapatinin ako kay Jungkook na titig na titig pala saken.

"What?" nakakunot ang noo kong tanong.

"Mukha ka palang babae ano? Kung naging babae ka siguro niligawan na kita–aww!" hinigpitan ko ang necktie niya.

"Yang kalokohan mo wag mo ako idamay." ani ko.

"Joke lang eto naman!" tinawanan pa ako.

Ganiyan talaga yan si Jungkook minsan matino madalas gago. Ewan ko din sa sarili ko bakit ko naging best friend tong hinayupak na to.

But anyways this is the start on how i fell inlove with my best friend. Jeon Jungkook.

...

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now