CHAPTER 24

22 2 0
                                    

Taehyung's POV

"Oh okay ka lang?" tanong ni Kai ng mapahawak ako sa isa sa mga poste dito sa daan.

Magkasama kami ngayon ni Kai kase siya iyung kliyente kong bago, nagpapagawa siya ng interior design sa pinapagawa niyang spanish type of café.

Naglalakad kami papunta sa site para makita ko kung gaano kalaki ang lugar na pagtatayuan niya. Napahawak ako sa isa sa mga poste dito sa daan dahil bigla bigla na lang nagpalpitate ang puso ko.

"A-ayos lang, nagpalpitate lang ng konti." sagot ko at umayos ng tayo.

"Sigurado ka?" tanong niya at tumango na lang naman ako.

Hindi lang palpitation ang nararamdaman ko minsan ay sumasakit ang ulo ko at nahihilo na lang ako. Minsan ay nagdi-dilim ang paningin ko ng ilang seconds bago ito umayos.

Nang makarating kami sa site ay kinuha ko ang details about sa kaniyang pinapagawang cafè. Nag-usap muna kami about dito and sa mga random things bago ako umalis para bumalik sa building ng kompaniya ng pamilya ni Taegyeong.

Pagkadating ko sa building ay nagtrabaho lang agad ako hanggang sa dumating ang break at inaya ako ni Jungkook na sabay na kaming kumain.

Kumain lang kami at pagkatapos ay nagtuloy lang ulit kami sa trabaho dahil marami din pala siyang ginagawa.

"Magkakaroon pala tayo ng christmas party sa susunod na sabado, pinapaalala ko lang." announce ng boss namin.

Oo nga pala malapit na din ang pasko kaya marami din ang busy. Napag usapan din ang mga details about dun sa gaganaping christmas party.

May mga nagpledge ng gusto nilang pagkain pero may sagot naman ang kompaniya. Nagbunutan din ng chinito't chinita.

Pagkatapos namin pag usapan iyon ay nagbalik sa trabaho yung iba pero ako lumabas muna dahil nagugutom ako. Papunta ako sa canteen ng mapansin ko si Jungkook sa di kalayuan sa may stock room.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko, naglakad lang ako ng ilang beses tapos nakita kong may kausap siyang babae. Agad akong napatago sa may pagliko ng mapalingon sila sa direksyon ko.

Katrabaho niya yata yon? Pero hindi ko siya nakikita doon. Ilang saglit ay lumabas ako sa pinagta taguan ko at nakitang wala na sila. Nagpunta ako sa puwesto nila at hinanap sila kaso wala na.

Tatanungin ko na lang siya mamaya. Nagdiretso na ako sa canteen at kumain. Pagkatapos ay nagtrabaho muna ako saglit at nag siuwian na kami. Mago-over time daw si Jungkook dahil marami pa daw siyang tatapusin.

Naglakad na lang ako pauwi kase gusto ko din nmn matagtag yung paa ko. Pagkauwi ko sa condo ay napatingin ako sa unit ni Taegyeong dahil nakabukas ang pintuan nito.

Pumasok ako dahil hindi naman nag iiwan ng bukas ang pinto tong kakambal ko. Naglakad ako at napansin na may jacket na nakapatong sa sofa na alam ko naman na hindi kay Taegyeong iyon. Nagdiretso ako at narinig ang boses ni Taegyeong sa kusina na may kausap.

Pagpasok ko sa kusina niya ay napatigil ako at nanlalaki ang mata na napa-"Oh" ako sa nakita ko. Si Taegyeong biglang hinalikan ni–Yoo Seok?

"Ehem!" tikhim ko at nang marinig nila ako ay naitulak ni Taegyeong si Yoo Seok na naging dahilan ng pagkakaupo nito sa sahig.

"A-ahh Taehyung! Hehe k-kanina ka pa?" nakataas ang dalawang kilay ni Taegyeong ng tanungin niya ako.

Tiningnan ko siya at bumaling kay Yoo Seok ang tingin ko na kakatayo lang at hinihimas pa ang puwetan niya, napalakas yata tulak ng kapatid ko.

"Oo? HAHAHA sakto lang! Yung pagkiss ni Yoo Seok dun ako saktong pumasok." nakangisi pang sabi ko.

"H-ha!? Ah i mean what? Hinalikan? Sino?" maang maangan na tanong ni Taegyeong na ikinatawa ko.

"Ako pa niloko mo, oh siya ituloy niyo na naudlot niyong ginagawa pero magsarado ka ng pintuan bukas na bukas eh!" aniko.

"Hindi mo sinara?" masama ang tingin ni Taegyeong na tumingin kay Yoo Seok na kakamot kamot lang sa likod ng ulo niya.

"Hayy sige na aalis na ako. Bye!!" aniko at lumabas ng condo niya at pumasok sa condo ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga ako sa kama. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako. Nagising ako ng umaga sa ganoon na posisyon parin. Bumangon ako at napatingin na hindi umuwi si Jungkook. First time yata yun ah?

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may text si Jungkook at meron nga. Kanina lang ang text niya nakatulog daw siya sa opisina kaya di nakauwi. Nireplyan ko naman siya na umuwi na muna para makapag palit siya ng damit.

Dumeretso ako sa banyo at naligo na pagkatapos maligo ay nagbihis agad ako at lumabas na at nakita ko naman na kakapasok lang ni Jungkook. Magulo ang buhok niya pati ang polo niya at hindi maayos ang pagkakakabit ng necktie.

"Nandito ka na pala." nakangiti kong bati.

"Oh, nag almusal ka na?" tanong niya at umiling naman ako. "Teka ligo muna ako sabay na tayo kumain." aniya at naglakad papuntang banyo.

Bago siya lumagpas sa akin ay may napansin akong mapula sa bandang leeg niya. Ano yun? Kagat ng lamok? May lamok ba sa opisina?

...

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon