CHAPTER 3

48 3 0
                                    


Taehyung's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Wala ako magawa ngayon, kinuha ko ang bago kong phone at kinalikot ko iyon. Grabe hindi parin ako sanay dito sa bago kong phone.

Nagdownload ako ng mga music, games at mga videos para naman hindi ako mabagot dito. Kagaganda ng cellphone tapos hindi ko papakinabangan.

Busy ako sa pagdo download ng may magpop up na message. Tiningnan ko ito at nakitang unknown number.

'Hi! Si Kalix to ahm tanong ko lng kung free ka bukas? Papasama lang ako sa mall.'

Iyan ang laman ng message. Kaagad ko itong nireplyan na wala naman akong gagawin bukas.




Maaga akong naligo ngayon dahil sabi ni Kalix 10 kami magkikita ng maaga. Simple lang naman ang sinuot ko kase pupunta lang naman ng mall.

Bumaba ako at nakita si papa na nasa sala nagbabasa ng diyaryo.

"Pa, alis lang ako." paalam ko.

"San punta? Kasama mo ba si Jungkook?" tanong ni Papa.

"Hindi po, yung bago ko pang kaklase nagpapasana sa mall eh." sagot ko at tumango naman siya.

"Oh eto dalhin mo." iniabot sa akin ni papa yung dalawang libo.

"Nako pa, wag na sasamahan ko lang naman yun and may allowance pa naman ako." kahit wala na kinuha kase ng hinayupak eh.

"Eh! Kuhanin mo na sige na idagdag mo." pamimilit ni papa.

"But–"

"No buts" may pinalidad sa boses ni papa kaya kinuha ko na lng iyon at nagpaalam na.

Lumabas ako ng bahay at naghintay ng taxi pero isang magandang kotse ang tumigil sa harap ko. Pagbaba ng bintana nakita ko si Kalix sa back seat.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya at ganon din naman ang ginawa niya.

"Tara na." aniya at binuksan ang pintuan ng kotse at sumakay naman ako.

"Ano nga palang bibilhin mo?" tanong ko ng nasa byahe na kami.

"Ah gamit lng sa school kulang pa kase ako eh, hindi daw free ngayon si Baekhyun kaya tinanong ko number mo sa kaniya para ayain ka." ani Kalix at napatango naman ako.

Nalibot ko ang loob ng kotse, ngayon lang ako nakasakay sa ganito kagandang kotse kase yung kay papa hindi ganitong mamahalin eh.

At iba ang mayaman may pa driver, sana ol! Tahimik lang ako sa buong byahe at nang makadating sa mall ay naghanap pa ng parking lot na bakante yung driver ni Kalix bago kami bumaba.

"Saan tayo muna?" tanong ko ng makapasok sa mall.

"Diyan sa bookstore." ani Kalix at sumunod na lang ko sa kaniya.

Pagkapasok namin sa bookstore napaisip din ako eh, paanong iba't ibang tinda nila dito eh nakalagay bookstore diba dapat books lang ang tinda kase nga bookstore.

Sumunod lang ako kay Kalix habang nagtitingin tingin siya ng gamit. Napadako ang tingin ko sa isang ballpen na may character na favorite ko. Agad ko tong nilapitan at kinuha.

"Gusto mo?" muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko ng magsalita sa likod ko si Kalix.

"Nagulat ako don." napabuntong hininga ako at natawa naman siya ng bahagya.

Ang gwapo naman ng tawa ng lalaking to. Lah baket ka naga gwapuhan Taehyung? Napailing ako sa naisip ko.

"Kung gusto mo yan kako, sabay mo na sakin bayaran ko na." kukuhanin na sana ni Kalix yung ballpen kaso binalik ko agad sa lagayan.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now