CHAPTER 12

32 2 0
                                    

Taehyung's POV

~RINGGGGGG~

Napabalikwas ako ng higa ng magising ako sa alarm ko. Matagal pa bago ako nakarecover sa pagkakagulat. Napatingin ako kay Jungkook na tulog parin saka ko naalala yung nangyari. Panaginip lang pala yun may halong masaya may halong malungkot at panghihinayang ang naramdaman ko.

Akala ko totoo na jusko.

Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko at dumeretso sa kusina. Napapadiyak ako ng paa at bumalik sa kwarto ng makalimutan ko cp ko, manonood ako kung paano magluto ng ibang almusal.

Nang makuha ko ang cp ko ay nagsearch ako at omelet na may pinalaman na fried rice at may halong konting giniling na may oyster sauce lang ang gagawin ko kase madali lang siya. Mabuti may sobrang kanin kami kagabi ni Jungkook na natira kaya iyun ng ginamit ko. Kumuha ako ng tatlong itlog siguro naman kasiya na to sa amin dadalawa lang naman kami.

Nang matapos akong magluto ay hinain ko na sa lamesa yung almusal namin. Dumeretso ako sa kwarto ko at papasok na sana ako ng marinig ko si Jungkook na parang may kausap. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at nakitang may kausap siya sa cellphone niya.

"Dito ako natulog sa bahay ni Taehyung, babe." aniya.

Babe? Bagong babae na naman yata ni Jungkook iyon. Yung totoo nawalan ba ito ng babae? Parang hindi naman.

Nagkunwari akong walang narinig at saka siya tinawag.

"Jungkook..." tawag ko at kita ko ang pagmamadali niyang patayin yung cp niya.

Pumasok ako sa kwarto at nakita siyang nakaupo sa kama at papaalis na sana.

"Gising ka na pala." aniko at tumango naman siya.

"Kanina ka pa ba gising? Nagising ako ng wala ka." aniya saka tumayo.

"Nagluto ako ng almusal eh, lika na baka lumamig." ani ko at naunang lumabas ng kwarto.

"Woah, bago to ah." ani Jungkook ng makapasok kami ng kusina.

"Don't expect too much, Kook. Ngayon ko lang yan ginawa pinanood ko lang sa youtube." aniko at naupo sa upuan.

"Weh? It looks good." umupo si Jungkook sa katabi kong upuan.

Agad siyang sumubo ng pagkain at habang ngumunguya bigla siyang napabuga. Napalabi ako at pinipigilan ang tawa.

"Sabi ko naman sayo eh." aniko at uminom muna siya ng tubig bago magsalita.

"Ang alat!" ani Jungkook kaya napakunot ang noo ko.

"Maalat? Konting asin lang naman nilagay ko eh." aniko at sumubo ng isang kutsara.

Agad agad akong nanakbo sa lababo at idinura yung pagkain. Pucha ang alat nga, sabi ko na eh hindi ko talaga gusto yung luto luto na yan.

Narinig ko namang natawa si Jungkook. Napasimangot ako nang bumalik ako sa upuan siya naman tawa nang tawa.

"Ayoko na nga magluto." reklamo ko.

"Ako na magluluto." sabi ni Jungkook at  tumayo siya para magluto.

Itinapon ko na yung pagkain sa basurahan. Madali na nga lang yung proseso mo patapon naman lasa. Ayoko na talaga magluto.

Ilang minuto lang at natapos na si Jungkook magluto. Fried rice at sunny side-up na luto ng itlog at tig-isa kaming hotdog. Nagsimula kaming kumain at buti pa siya maayos ang luto. Pagkatapos namin kumain ay naligo na si Jungkook sa banyo dito sa may kusina at ako naman sa banyo sa kwarto ko. Sabay lang kaming nakabihis ng lumabas ako ng kwarto ko at siya lumabas sa katabing kwarto ng kwarto ko.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora