CHAPTER 8

40 4 1
                                    

Taehyung's POV

"Bakit ka ba nandito? Bakit kayo nandito?" tanong ko kay Baekhyun na ngiting ngiti kasama si Kai na nakaupo dito sa isa sa mga table dito sa café na pinagta trabahuhan ko.

"Tingnan namin kung magaling ka ba talaga magtrabaho, sige nga! I want capuccino!" may pakagat pang labing sabi ni Baekhyun at tumawa naman si Kai.

Inambahan ko ng yabat si Baekhyun ng ballpen na hawak ko. Kahit talaga kailan malakas ang tama ng isang to dinamay pa yung matino.

Bumalik ako sa counter at sinabi ang gusto ng baliw. Ibinigay ko agad yung gusto ni Baekhyun pagkagawa nito.

"Ay hindi na pala, ayoko pala neto." napaawang ako sa kalokohan ni Baekhyun.

"Talagang–" nanlalaki ang mata kong sabi at tawa naman ng tawa si Kai.

"Don't worry, ako magbabayad niyan." ani Kai at nagmamalaki namang tumingin si Baekhyun sakin.

"Kaya pala ng lakas ng loob mong mang asar eh no? Lika dito tutuktukan kita!" nanggigigil kong sabi at sumiksik naman si Baekhyun kay Kai.

Lumapit ako kay Baekhyun at pinagpapalo yung braso niya at siya naman ay tawa ng tawa. Natigil lang ako sa pagpalo ng lumabas ang manager namin sa café. Umayos ako ng tayo at yumuko.

"Oh Kai!!" napatingin ako sa manager namin ng sumigaw ito.

Lumapit sa amin si Manager Do, tumayo naman si Kai at nagyakap ng saglit yung dalawa. Parang naging mature si Kai ng kaharap na siya ni Manager Do.

"Kumusta daddy mo?" tanong ni Manager Do kay Kai.

"Ayos lang naman siya sobrang busy parin sa business niya kasama si mommy." nakangiting sagot ni Kai.

Papalit palit ang tingin ko kay Kai at Manager Do habang nag uusap sila. Kung mag usap yung dalawa parang magkakilala na talaga sila.

Napatingin ako kay Baekhyun at sakto namang tumingin din siya, nagtatanong akong tumingin kay Baekhyun at nagkibit balikat naman siya.

"A-ahh magkakilala kayo?" nahihiya kong tanong kay Kai at tumango naman siya.

"Anak siya ng may ari nitong café." napanganga ako sa sinabi ng manager namin.

"Weh? Talaga?" tumayo si Baekhyun.

"Oo sikat ang café na to diba? Madami na din tong branch sa iba't ibang lugar dito sa bansa natin." sagot ni manager Do kay Baekhyun.

"Ay oo nga! Pang mayaman kase tong café na 'to, nga pala bakit ka nakapasok dito?" tanong ni Baekhyun sa akin.

"Request iyon ni Kai wala na kaming available position pero humingi ng pabor itong batang to sa daddy niya." si manager Do ang sumagot.

Napatingin naman ako kay Kai ng marinig iyon. Nagtatanong ang tingin ko sa kaniya at nahihiya naman siyang ngumiti at kumamot sa ulo. Napahilot na lang ako sa sintido ko.

Bumalik na si manager Do sa loob at nagpatuloy na ako sa pagta trabaho dahil dumadami na yung tao dito sa café. Nakakaramdam na din ako ng pagod pero ayos lang dahil para rin naman sa akin iyon.

Papasok na sana ako sa cr ng makabunggo ko yung katrabaho ko.

"Ano ba! Tumingin tingin ka nga sa dadaanan mo! Kebago bago mo tatanga tanga ka!" sigaw niya sakin at napatungo naman ko.

"Sorry sorry." ani ko.

"'Sorry sorry' umalis ka nga diyan!" napapikit ako sa sigaw niya at tinabig pa ako patabi.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon