CHAPTER 13

33 2 0
                                    

Taehyung's POV

Tinawagan ko si Chanyeol para sunduin si Baekhyun, ginamit ko ang cp ni Baekhyun syempre ano naghula hula ako? Kung ano number ng jowa non? Sunod ko namang tinawagan yung nakakabatang kapatid ni Kai at pinasundo si Kai.

Hinintay ko munang makauwi si Kai at Baekhyun bago ko inaya si Jungkook. Nagsasalita si Jungkook ng kung ano ano kaya di ko maintindihan habang papalabas kami ng karaoke-han. Nagtuturo turo pa ng kung ano ano.

Naturuan naman ako ni Jungkook kung paano magdrive ng kotse kaya ako na ang nagdrive pauwi, dito ko na sa bahay ko iniuwi si Jungkook baka mapagalitan pa to ng mommy niya.

Nang makadating kami ng bahay ng ligtas nahirapan akong ilabas si Jungkook sa kotse kase medyo nakatulog na siya kaya tinapik tapik ko yung pisngi niya at ginising.

"Jungkook, nandito na tayo sa atin! Gising ang hirap mo buhating ang bigat mo." paggising ko sa kaniya.

"Hmm!" ungol ni Jungkook at nagmulat ng kaunti para tingnan ako "Sh-shino ka ha?" tanong sa akin ni Jungkook.

"Si Taehyung to! Bilis galaw na diyan!" sabi ko at pilit na hinahatak siya pero nagpumiglas siya.

Tinuro niya ako, nakakunot ang noo niya na parang inaalala ako habang nakanguso pa.

"T-taehyung? My cute besh purenddd?? Haha tamaaa! Yung may gushto shaken debaaa? Aleeeee gushto akooo niyaaaa!" tumatawa pa si Jungkook ng banggitin niya iyon.

Napatigil ako sa paghila sa kaniya dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako.

"Jungkook, bilis late na oh! Pasok na!" napapataas na boses ko.

"Ano ba! Ji Eun bitiwan mo nga ako!" binaklas niya yung kamay ko at lumabas ng kotse at diretsong pumasok ng bahay habang pagewang gewang siya maglakad.

Agad ko siyang sinundan at pagkapasok ay ini-lock ko ang pintuan. Nagdiretso siya sa sofa at nahiga dun. Bagsak na bagsak siya ang dami ba naman na nainom. Akala mo may problema siya kung makapag inom.

Tinanggal ko muna yung sapatos niya pati medyas. Nahirapan pa ako sa pagtanggal ng sweater niyang sinuot bago pumunta ng karaoke dahil nakahiga siya at ang bigat niya.

"Ji Eun! Ano ba!" sigaw niya habang pinapalo yung kamay ko.

Sa inis ko pinalo ko din siya sa braso nga lang, napaka kulit kase.

"Hindi ako si Ji Eun ano ba!" pati ba naman sa pagkalasing nito ji eun padin.

"Ehh sino ka ha?? Bakit ka nandito?? Hmm?" tiningnan niya ako at napakunot ang noo "Ahh ikaw pala yann taehyunggg! Kumusta ka namannn?" aniya at bigla biglang umiyak.

"Hala hoy! Naaano ka diyan bat ka naiyak?" tanong ko habang tinatapik tapik siya.

Nagulat ako ng para siyang bata na umiiyak at niglang kumapit sa braso ko. Anong meron sa lalaking to?

"Huhu! Sorryy kung di kita naipagtanggol sa nambully sayo sa school! Nitakot kase ako ni Ji Eun ehhh!" parang bata siyang umiiyak.

"Huh? Tinakot saan?" naguguluhan kong tanong.

Nagulat na naman ako ng bigla siyang lumayo sa akin at nagsign na wag akong maingay wala akong nagawa kung hindi gayahin yung ginawa niya. Lumapit siya ng bahagya at bumulong.

"Shh wag ka maingay ha?? Hihi baka marinig ni Taehyung to! Nitakot kase niya ako na sasabihin sa buong iskul na gusto ko si Taehyung baka bully-hin din ako!" humagikgik pa si Jungkook at nahiga ulit siya sa sofa.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin. Gu-gusto din niya ako? Hindi nga? Napatingin ako kay Jungkook at natutulog na ito.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now