CHAPTER 9

43 3 1
                                    

Taehyung's POV

Napakunot ang noo ko ng pagtinginan ako ng mga estudyante dito sa university, pagkapasok ko pa lang sa gate pinagtitinginan ako yung iba natatawa sakin. Nagtataka akong dumeretso sa cr at tiningnan ang sarili ko.

Wala naman akong nakitang kakaiba sa mukha ko kahit sa buong katawan ko anong meron sa kanila. Lumabas ako ng cr at binalewala ang pagtingin at tawa nung iba. Nang makapasok ako sa room ay ganon din ang mga kaklase ko napatingin naman ako kay Baekhyun na nakatingin sa akin.

Umupo na ako sa upuan ko at nilapitan naman agad ako ni Baekhyun dala ang kaniyang cellphone. Madalang lang si Baekhyun magcellphone kase puro siya daldal dito sa university kaya baka importante ang sasabihin niya at kailangan pa niyang gumamit ng cellphone.

"Nakita mo na?" agad na tanong ni Baekhyun ng makalapit sa akin.

"Ha? Ang alin?" tanong ko.

"Hindi ka ba nagce cellphone?" nakangiwing tanong ni Baekhyun.

"Nagce cellphone." sagot ko at nilabas yung cellphone ko.

"Kagaganda naman pala ng cellphone mo hindi mo ginagamit, nako yung eksena sa café na pinagta trabahuhan mo yung binuhusan ka ng kape ng demonyong si Ji Eun nakapost sa gp ng university viral iyon ewan ko lang kung pati sa labas ng gp kalat na." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Baekhyun.

Binuksan ko ang phone ko at agad na pumunta sa gp ng university at tama nga siya may nagvideo sa nangyari. Pero bakit ngayon lang to napost? Hindi pa kahapon? Jusko naman.

Napapikit ako at napadukdok na lang sa lamesa ko. Sumasakit ang ulo ko sa ganito. Hindi ba sila mapapagod? Hindi ba sila napapagod?

"Hoy!" napaangat ang ulo ko ng sumigaw si Baekhyun.

"What?" maarteng tanong ni Ji Eun, kaya napatingin din ako sa kaniya siya pala yung sinigawan ni Baekhyun.

Tumayo si Baekhyun at inis na lumapit kay Ji Eun na kasama pala si Jungkook. Tumingin ako kay Jungkook at nakatingin din siya sakin, ako na din ang umiwas masasaktan lang ako.

"Ikaw ba nagpost nito?" tanong ni Baekhyun kay Ji Eun at ipinakita yung nasa cp niya.

Lahat ng kaklase namin nanonood sa unahan kase nasa unahan sila Baekhyun. Ako naman ay hindi makatayo dito at wala tinatamad lang talaga ako.

"Ohh viral na pala yung ginawa ko sayo? Haha nakakatawa ka diyan ohh!" nagtatawa pa si Ji Eun habang pinapanood yung video sa phone ni Baekhyun.

"Hoy! Tinatanong kita hindi ko pinapanood sayo!" sigaw ni Baekhyun at itinago yung cp niya.

"Bakit ko naman ipo post yan? Eh hindi ko nga alam na may nagvideo pala, wag mo ako pagbintangan!" nagflip hair pa si Ji Eun.

"Malaman ko lang kung sino nagpost ng video na to! Makakatikim sa akin yun!" sigaw ng malakas ni Baekhyun.

Napatingin ako kay Jungkook at nakatingin din siya, nag iwas ba to ng tingin? Hay ewan. Bumalik si Baekhyun sa upuan niya parang badtrip na siya.

Nagsimula ang klase ng lutang ako, iniisip ang madaming bagay. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagka klase. Sumagi sa isip ko yung memories namin ni Jungkook. Kung sana hindi ako nagkagusto sa kaniya maayos parin kaya kami? Dapat kase hindi ka na nagkagusto eh.

"Mr. Kim why are you crying?" napatingin ako sa prof namin ng marinig ko ang apelyido ko.

Kinapa ko naman yung pisngi ko at basa nga ito. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako sa inisip ko.

"Po? Hindi po napuwing lang." sagot ko at napatingin sa gawi ni Jungkook at nakatingin siya kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Hindi ka napuwing i saw you crying kanina pa kita napapansin nakatulala ka lang diyan, may problema ka ba? May sakit ka ba?" tanong ni Ms. Venus.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora