CHAPTER 6

37 3 0
                                    

Taehyung's POV

Papasok na ako ng mag isa wala si Jungkook eh nandon yata sa dine-date niya. Naparolled eyes ako don, selos taehyung niyo!

Paalala ha! Ang pagseselos hindi yan inilulugar, baket ha? Kailangan ba may label kapag nagseselos? Feelings mo yun wala siyang magagawa at hindi mo kayang pigilan yon.

Balik tayo sa pagpasok ko. Pumasok ako ng room ng wala sa mood, selos nga ako eh. Dumeretso ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ay isinalpak ko agad yung earphone ko at nakinig ng music.

Napatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. Nagtataka kong tinanggal ang earphone ko at nagtatanong na tumingin sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ikaw ba si Taehyung?" tanong niya ng nakakunot ang noo.

"O-oo bakit?" tanong ko parin.

"Oh." napatingin ako sa box na hawak niya at napatingin ulit ako sa kaniya na hindi na makatingin.

"Ano to?" tanong ko ng abutin ko yung box.

Box siya ng chocolate? Ha? Anong meron dito. May note na nakalagay don at akma kong bubuklatin ng pigilan ako nung lalaki.

"W-wag! Mamaya na." aniya at biglang mabilisang umalis ng room.

Napakurap kurap ako sa nangyari. Tiningnan ko ulit yung box at binuklat yung note.

"You look so annoyed, eat this it will change your mood:)"

– HueningKai

Lah!  napatingin ako sa pintuan ulit at napansin kong nakatingin lahat akin mga kaklase ko. Nagtataka akong tumingin sa kanila.

Lumapit naman si Baekhyun sakin na may nakakalokong ngiti.

"Sino yun? Ano yan–woah! Masarap yan!! Galing pa yang ibang bansa i'm sure! Kase wala naman dito yan." gulat akong tumingin kay Baekhyun ng sabihin niya iyon.

"So magkano to?" tanong ko.

"Basta mahal yan, wag ka na magtanong nakakalula yung presyo." hinampas pa ako ni Baekhyun sa braso.

"Aray ko naman!" reklamo ko sa kaniya at natawa naman siya.

"Sorry naman haha pero sino yun?" tanong ulit niya.

"Ewan ko, ngayon ko lng din yun nakita." nagkibit balikat ako, napaiktad naman ako nang sundutin niya yung tagiliran ko.

"YieeEeeE! May admirer siya!" tukso niya sakin at hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Aray ko naman! Mapanakit to! Alis na nga ako hindi kita kabati!" nginiwian niya ako at natawa naman ako.

Tiningnan ko ulit yung box ng chocolate at napangiti. Hanapin ko siya mamaya para makapagthank you naman ako.

Nagstart tung klase at nilagay ko na lng yung chocolate sa bag ko. Hindi ko pa nakakain yung chocolate pero nawala agad yung inis ko.

Nang matapos ang klase at lunch na nagpasama ako kay Baekhyun para hanapin yung lalaki, hula ko first year lang din siya. Nasan ang Jungkook? Ayun kasama ang lab op his layp!

"Alam mo ba pangalan niya?" tanong ni Baekhyun habang nagtitingin tingin kami sa paligid at ginagala ang buong university.

"HeuningKai lang nakalagay dito sa sulat eh." sagot ko at nagulat ako ng bigla niya akong hinarap sa kaniya.

"Totoo!? Teka kilala ko siya! Di mo naman sinabi jusko!" ani Baekhyun at hinila ako.

"Eh bakit mo tinatanong kung sino eh kilala mo pala." tanong ko at humarap naman siya sakin.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendKde žijí příběhy. Začni objevovat