CHAPTER 10

40 2 0
                                    

Taehyung's POV

Simula nung nag kaayos kami ni Jungkook parang walang nangyari sa amin na awayan at iwasan pero mas naging extra clingy siya sa akin ngayon. Kapag wala kaming pasok lagi siyang nasa café na pinagta trabahuhan ko, tinatanong ko kung bakit sabi niya wala daw siyang mapagtambayan.

Lagi din niya akong pinaaalalahanan na kumain sa tamang oras, wag daw ako magpapagod sa trabaho at para siyang nanay ko kung pagalitan ako kapag sobra akong napagod o nakalimutan kong kumain ng maayos.

Sa tuwing kasama namin nila Baekhyun at Kai sa lunch or break time si Jungkook, parang awkward yung paligid parang naiilang sila Baekhyun.

"Hindi ka pumasok sa trabaho mo ngayon?" napatingin ako kay Jungkook na nasa pintuan ng kwarto ko.

"Hindi, maglilinis kase ako ng bahay." sagot ko at umalis ng kama.

Oh bakit nandito si Jungkook keaga aga? Dito yan natulog sa kabilang kwarto, sa bakanteng kwarto. Pumunta ako ng cr para maghilamos at magtootbrush.

Nagskin care na din ako at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina. Magluluto ko ng pancake ngayon para sa almusal ko–namin pala.

"Pancake na naman?" napatingin ako kay Jungkook sa reklamo niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakakasawa ang pancake eh, tuwing umaga ba iyan ang almusal mo noon?" tanong niya at tumango ako.

"Eh wala naman akong alam na lutuin na almusal ayoko naman na kanin ang kainin ko." sagot ko.

"Tigilan mo na yan, punta na lang tayong café dun tayo mag almusal." tumayo si Jungkook at lumapit sa akin at hinila ako.

"Teka! Dito na lang gagastos pa tayo eh." pigil ko sa kaniya at tiningnan naman niya ako ng seryoso.

"Hindi naman ikaw ang gagastos at saka purgang purga ka na a pancake, baka paggising mo pancake na yang mukha mo." nagulat ako sa sinabi ni Jungkook at napahawak sa mukha ko.

Totoo ba yun? Magiging pancake mukha ko kapag kumain ako ng kumain ng pancake? Hala dapat ko na talagang pigilan pagkain ng pancake huhu ayoko non.

"Huy ano nangyari sayo?" tanong ni Jungkook na hawak pa yung dalawang balikat ko at ang lapit ng mukha niya.

"Magiging pancake mukha ko?" nanlalaki ang mata ko ng tanungin ko siya.

Naging seryoso yung mukha ni Jungkook at maya maya bigla itong tumawa ng malakas as in yung tawang tawa.

Napakunot ang noo ko sa nangyayari kay Jungkook, anong nangyari dito mukhang baliw.

"Naniwala ka don?" tanong niya at tawa ng tawa nakahawak pa sa tiyan niya "Naluluha na ako HAHAHHAA" tawa parin ng tawa si Jungkook.

"Hoy! Tumigil ka nga! Isa!" sigaw ko at agad naman siyang tumigil pero halata sa kaniya na nagpipigil ng tawa.

"It's figurative Taehyung, wag mong seryosohin yung sinabi ko." natatawa pa ng kaunti si Jungkook, and i look at him flatly.

"Seriously?" tanong ko kaya siya natigil.

"Lah joke lang, tara na kasi." aya niya.

"Ayoko, gusto ko pancake." tumalikod ako sa kaniya at pinagpatuliy ang ginagawa kanina.

Nanlaki ang mata ko ng biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit hindi ko hawakan ang dibdib ko ay ramdam na ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok nito.

Ipinaton ni Jungkook ang noo niya sa balikat ko at panay ang buntong hininga bago siya magsalita.

"I'm sorry..." pagsasalita niya.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendWhere stories live. Discover now