CHAPTER 17

30 2 0
                                    


Taehyung's POV


Nagmulat ako ng mata ko at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakahawak sa kamay ko, hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya para mapaalam na gising ako.

Nakatitig lang ako sa kaniya at nang magtama ang mata namin ay para siyang maiiyak o matutuwa.

"Gising ka na!" masayang sabi niya at may naglapitan sa akin na isa pang lalaki at apat na babae.

Kumunot ang noo ko sa anim na taong lumapit sa kinahihigaan ko. Umupo ako ng dahan dahan sa kama ko at tinulungan naman ako nitong lalaking may hawak sa kamay ko.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto at nasisiguro akong nasa hospital ako pero may mga design na nakalagay sa buong kwarto at may banner na nakalagay sa dingding na happy graduation day.

"Taehyung." napatingin ako sa nagsalita, si Jungkook.

"Sinong Taehyung?" maang maangan kong tanong.

Nagkatinginan silang anim at mukha silang nagulat at kita sa mukha nila ang kaba, nagpigil ako ng tawa sa mga itsura nila.

Actually nung magsidating sila Baekhyun ay gising na ako non, nagising ako ng nandito si Taehyun nagpaalam nga siya na uuwi muna ng bahay at lilinisin daw niya baka daw kase ilang araw lang ay umuwi na ako don at tatawagan daw niya muna sila tita.

Tatawagan niya dapat si Jungkook eh sabi ko su-surprise ko na lang sila. Nung dumating sila Baekhyun ay nagtulug tulugan pa ako at ang mga loko nagda drama kesyo miss na daw nila ako at ililibre daw nila ako sa milktea shop kapag gumaling na ako.

"Huh? Ikaw si Taehyung." ani Lisa.

"A-ako yung Taehyung?" dapat may award ako dito ha galing ko um-acting.

"Taehyung wala ka ba talagang naaalala." hindi ko malaman kung maiiyak si Jungkook o ano ang LT ng reaksyon niya.

"Ha? N-nasaan nga pala si Mama? Ano bang nangyari?" patuloy akong na-acting.

"Huh? Matagal ng patay sila Tita." kunwari ay nagulat ako sa sinabi ni Jungkook.

"H-hindi! Teka sino ba kayo? Umalis nga kayo pupuntahan ko si Mama baka nag aalala na siya sakin." aalis sana ako ng kama pero pinigilan ako ni Jungkook at nang tumingin ako sa kaniya ay namumuo na ang luha sa mata niya.

"Wala ka ba talagang maalala?" may lungkot sa boses niya.

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ako walang maaalala?" ha! I'm such a good actor!

Bumagsak ang balikat nilang anim at parang mga namatayan. Umayos ng tayo yung lima pero si Jungkook lumuhod sa sahig habang nakapatong ang siko sa kamang hinihigaan ko.

Napakunot ang noo naman ako sa ginawa niya. Nang tumingin siya sakin ay sakto ang pagpatak ng luha niya sa mga mata niya. Lah naguilty naman ako don.

"Ako to si Jungkook... Best friend mo ako." naluha niyang pakilala.

"Best friend daw pero mahal niya ako as a lover." kunwari ay bulong ko pero pinarinig ko talaga.

"Huh?" naguguluhan niyang tanong.

"Huh?" pag imitate ko sa kaniya "Sa tingin mo naman magkaka amnesia ako? Ulol! HAHA i'm good at acting reward ko ah! Hoy at kayo! Sabi niyo lilibre niyo ako sa milktea shop narinig ko yon!" natutuwa kong sabi, at natigil ako sa pagsasaya nang makita ko ang seryoso nilang titig sa akin.

"W-wala kang amnesia?" si Baekhyun ang unang nagsalita.

"Yep!" sagot ko.

"Haha galing mo um-acting ah?" sarkastikong sabi ni Jungkook kaya sa kaniya ako napatingin.

TAEKOOK : I fell in love with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon