"Marami naman talagang ganoon at lahat ng tao ay nagkakamali. Pinanganak tayong makasalanan ngunit hindi yun ang sapat na rason para hindi tayo maging mabuti. Walang perpekto sa mundo. Hindi mo naman ikakamatay kung makikinig sa ibang tao. Ginawa ng Diyos ang mga tao upang may mga makasama tayong sa paglalakbay natin sa reyalidad ng buhay." nakangiting sagot ni Trevyn sa topic namin.

"Minsan sila pa itong may ganang magalit kahit sila naman talaga ang may pagkakamali. Hindi sila marunong tumanggap na nagkamali sila dahil sa pinaggagawa nila. Minsan kahit ikaw na nagmagandang-loob sakanila parang ikaw pa ang lalabas na masama." nakasimangot na sagot ni Nathan sa topic natin.

"Hugot na hugot ah? May pinagdadaanan ka ba Nathan, pwede mo namang i-share sa akin yan. Nandito lang naman si Ate." nakangiting paalala ni Nicole kay Nathan.

"Naalala ko lang yung kagrupo ko noon Ate. Nagsuggest lang naman yung kaklase namin ng idea niya tapos sinunod nga namin yung plano niya kaso hindi gumana. Siya ang sinisi ng mga kagrupo namin kahit sila naman ang may kasalanan kung bakit mababa ang score na binigay sa amin ng teacher namin. Pasalamat nga sila dahil nagsuggest yung kaklase namin kung hindi baka wala kaming nai-present." bakas ang gigil at inis ni Nathan at hinagod naman ni Nicole ang likod nito upang pakalmahin.

"Sana sinabi mo kay Ate, sana ako na lang ang gumawa para naman hindi kayo nalugi doon." nakangiting sabi ni Nicole kay Nathan habang hinahagod-hagod ang likod nito.

"May practice kasi kami noon ng basketball team Ate. Nawala na rin sa isip ko na gagawin nga pala namin yung project namin. Palagi kasi kaming pinapatawag ni Coach para sa training. Hindi ko na rin masyadong nakakausap ang mga kagrupo noon kaya wala kaming naging matinong plano para doon." buntong-hiningang sabi ni Nathan kay Nicole.

"Wag ka ng mag-alala, alam ko naman na ginawa mo ang best mo para lang makapag-pasa kayo ng project. Hayaan mo sa susunod, tutulungan kita sa mga school activities mo. Wag ka na mastress diyan okay?" nakangiting sagot ni Nicole kay Nathan.

Pinat ni Nicole ang ulo ni Nathan at nginitian niya ito pagkatapos niyakap ni Nathan ang Ate niya.

"Ang sweet naman talaga ng kapatid mo Nicole, sana talaga nagkaroon din ako ng kapatid. Nakakatouch talaga ang bonding niyo." nakangiting sabi ni Ysabel.

"Oo naman, he's the sweetest younger brother I had in my life. Buong buhay ko inilaan ko sa pag-aalaga ko sakaniya kaya nga mahal na mahal ko si Nathan eh." nakangiting sagot ni Nicole kay Ysabel.

"Ako lang naman talaga ang sweetest younger brother mo Ate, ako lang naman ang nakakabatang kapatid mo. Ikaw talaga!" natatawang sabi ni Nathan kay Nicole upang magtawanan kaming lahat.

"Oo nga naman Nicole, may point siya." natatawang sabi ni Chezka kay Nicole.

Sinamaan lang ng tingin ng Nicole si Chezka at tinawanan lamang siya nito.

"Basta, mahal ko ang kapatid ko. Hindi na ako magsasalita." malumanay na sabi ni Nicole sa aming lahat.

"Okay next question na tayo! What would you do prefer, being right or being kind?" nakangiting tanong ni Kuya Zach sa aming lahat.

"I prefer being right. Anyone could be kind but not everyone can't be right." nakangiting sagot ko sa tanong ni Kuya Zach.

"I prefer being right. Kapag kasi sobrang mabait ka, inaabuso ka ng ibang tao. They will take advantage of you so they can manipulate you easily." nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong ni Kuya Zach.

"I prefer being right. Lahat ng tao pwedeng maging mabait pero hindi kayang piliin ang tama. Naniniwala ako na kung pipiliin mo ang tama ay isinaalang-alang mo rin ang kapakanan ng tao at hindi masamang piliin ang tama lalo na kung alam mong may naapektuhan ng tao sa paligid mo." nakangiting sagot ni Ate Cherry sa tanong ni Kuya Zach.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now