Chapter 1: Mommy For Hire

23.3K 421 42
                                    

Infinity

"HOOOOOOPYAAAAAA! Bili na kayo mga ateng. Murang mura dito. May discount para sa mga magaganda't sexy." sigaw ko

Mahirap talagang akitin ang mga namimili ngayon. Parang parami ng parami ang mga kuripot sa mundo, parami ng parami na rin ang mga naghihirap.

10:00 PM na kaya naisipan ko nang magsara. Aba'y nilalangaw na ako dito, wala man lang nagwiwindow shop =_=

Naglakad ako pauwi since 1000 lang ang kita ko ngayon. Dala ko ang mga benta ko na nakalagay sa isang malaking bag. 

Pag-uwi ko sa bahay namin--

"Kuya? Bakit sarado ang ilaw?" pasigaw kong tanong.

Pero walang sumasagot saakin.

"Mga kuya ko, ano ba to? Surpirse nanaman ba ito? Pag binuksan ko ba ang ilaw may makikita akong mga balloons, cakes and maraming pagkain?" masiglang tanong ko. 

"Princess wag mo nang buksan ang ilaw." boses ni kuya Albert

"Huh? E-eh bakit naman? Hnd ko ba pwdeng makita ang surprise niyo sa akin?" tanong ko sakanila

"Eh princess kahit naman buksan mo ang ilaw, wala kang makikita." Kuya Roydelle

"H--huh? E--eh?!" naguguluhan ako sa mga to.

Lumapit ako sa switch ng ilaw namin. At--

"Princess wala talaga tayong kuryente. Hnd na tayo nakapagbayad ng ilang buwan kaya naputulan na tayo." sabi ni kuya Kurt

"Eh wala ba tayong kandila? Nag-iwan naman ako ng pera kanina ah." sabi ko

"Kinuha na ni aling Beleng. Ilang buwan na din daw tayong hindi nagbabayad ng renta kaya kinuha niya pati ang kandila. Pag hindi daw natin nabayaran ang utang natin, paaalisin niya tayo sa bahay." sabi naman ni kuya Albert

Wala na akong nagawa kundi ang magbuntong hininga. HAY BUHAY! Tinulog na lang naming apat ang problema namin, wala naman kaming magagawa sa ngayon eh. Pero kelangan kong maghanap ng bagong trabaho dahil hindi sapat ang kita ko sa palengke para sa lahat ng gastos namin araw-araw.

Kinabukasan

"Hmmm.. Mabuti naman at may ilaw na!" masayang sabi ni kuya Roydelle

Binatukan naman siya ni kuya albert. *pok* "BOBO! Araw yan, wala pa din tayong ilaw." sabi ni kuya Albert

"Kuya eto ang kita ko kahapon, kumuha po kayo ng pera pambili ng pagkain natin ngayong araw, ang sobra ay pambayad kay aling Beleng." sabi ko sakanila

"Oh saan ka pupunta?" kuya Kurt

"Hmm, maghahanap po ako ng trabaho." sabi ko 

"Sige basta alam mo kung anong trabaho ang papasukan mo ha. Pumili ka ng marangal na trabaho." sabi ni kuya Kurt.

Mommy For Hire [LuYoon FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now