"Tara na, kumain na lang tayo. Maraming salamat sa payo at pakikinig mo sa akin. Lagi lang akong nandito kapag kailangan niyo rin ako. Tulungan tayo sa lahat. Walang iwanan hanggang dulo through up's and downs." nakangiting sabi sa akin ni Nicole habang naglalakad kami papuntang kubo.

Umakyat na kami sa kubo at umupo ako sa tabi nina Ysabel.

Nagdasal muna kami at may announcement daw si Kuya Zach.

"Let's pray before our meal. Adrixennus will lead the prayer" nakangiting sabi ni Ate Cherry sa amin.

Nag Sign of The Cross kami at pagkatapos ay si Kuya ang naglead ng prayer.

"In the name of Father and of the Son and of the Holy Spirit." pag Sign of the Cross naming lahat.

"Lord, we thank you for the food that we will be sharing today. Thank you for all the blessings that you have given to us. May this food give us energy for our daily activities in our vacation. In Jesus name, we pray. Amen." nag Sign of the Cross ulit kami para tapusin ang panalangin.

"Bago magsimulang kumain ang lahat, may sasabihin muna ako. Ang activities natin ngayong araw ay magba-volley ball tayo dito at habang kumakain tayo ay may mga hinanda kaming tanong para magkaroon naman tayo ng topics sa conversation. Naghanda kami ng 15 questions para sa ating lahat." nakangiting anunsiyo ni Kuya Zach sa aming lahat at kaagad naman kaming nagsi-tanguan sakaniya.

Kumuha na ako ng kanin at mga ulam ko pagkatapos ay nagsimula ng kumain. Inuna kong kainin ang sinigang na paborito ko pagkatapos ay sinundan ko ito ng kanin.

Ang sarap talaga ng pagkain. Mukhang marami-rami ang makakain ko talaga nito. Ang galing nila mag-prepare ng food. Ang solid!

Habang kumakain ang lahat ay nag-start na si Kuya magtanong sa aming lahat.

"For the first question, you just won $10,000. What are you going to do with the money?" nakangiting tanong ni Kuya Zachary habang kumakain ng hipon.

"Sinong mauuna?" malumanay na tanong ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Ako na ang mauuna. Kung nanalo ako ng $10,000? Ang una kong gagawin talaga doon ay magdo-donate ako sa mga nangangailangan like mga orphanage and home for the aged." nakangiting sagot ni Ate Cherry sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung mananalo ako ng $10,000? Ang gagawin ko sa pera ay ibibigay ko sa church at itutulong ko sa may mga oragnizations na tumutulong sa mga mahihirap." nakangiting sagot ko sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung mananalo ako ng $10,000? Ang gagawin ko naman sa pera ay magpapascholar ako ng mga estyudyante na hirap na hirap talaga sa buhay. Gusto kong maging parte ng pag-abot ng batang iyon sa pag-abot ng kanilang pangarap." nakangiting sagot ni Nicole sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung nanalo ako ng $10,000? Ang gusto kong gawin sa pera ay ipangbili ng mga pagkain at iba pang mga pangangailangan sa pang araw-araw. Gusto kong magbigay ng mga ayuda sa mga mahihirap na pamilya para naman hindi sila makaranas ng gutom at uhaw sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nila para lang maka-survive sa araw-araw." nakangiting sagot ni Ysabel sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung nanalo ako ng $10,000? Ang una kong gagawin sa pera ay mamimigay ako ng cash assistance sa mga medical hospitals. Nakaranas ng ganiyang problema ang iba kong kamag-anak. Nabaon sila sa utang dahil sa pagbabayad ng bills sa hospital. Hindi rin naman ganoong kalaki ang binabawas ng Philhealth lalo na kapag private hospital ka. Kapag public hospital o sa government. Sobrang siksikan doon kapag maraming pasyente ang nagpapagamot." nakangiting sagot ni Chezka sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung mananalo ako ng $10,000? Gusto kong magbigay ng mga pabahay doon sa mga nakatira sa estero at walang permanenteng matulugan kahit mag-abono pa ako kung kukulangin. Ang hirap kasi kapag wala kang maayos na bahay na matutuluyan. Hindi maganda sa mga bata't matanda na napapaligiran sila ng mga dumi. Ang daming sakit na nakukuha roon pagkatapos ay wala naman silang ipangpapagamot. Mamatay nalang ang bata sa sakit niya dahil hindi madala sa ospital." malumanay na sagot ni Shai sa tanong ni Kuya Zach.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now