"Sus wag ka ng magpaliwanag, i-shot mo na yan. Ang dami-dami mo pang sinasabi." natatawang biro ni Kuya Zach kay Kuya.

Nagsalin si Kuya Zach ng alak sa baso at kaagad na ininom ni Kuya pagkatapos ay uminom din agad ng chaser.

"Next na, mamaya anong oras pa tayo matapos. Wala pang nalalasing satin." natatawang sabi sa amin ni Ate Cherry.

Pinaikot ni Kuya ang bote pagkatapos ay natapatan si Yohannes pagkatapos ay si Vincentius naman ang natapatan nito kaya ibig sabihin ang magtatanong ay si Yohannes at ang sasagot ay si Vincentius.

"Sa tingin mo dude, sa ating tatlo nina Xennus? Sino ang unang magpapakasal at magkakaroon ng pamilya?" nakangiting tanong ni Yohannes kay Vincentius.

"Hindi ko alam." nilagay na ni Vincentius ang kamay niya sa Lie Detector Test at napamura siya ng mafeel niya kuryente sa katawan.

"Sino ba kasi yan? Mayroon ka na pa lang naiisip, nagsisinungaling ka pa. Nakuryente ka tuloy. Ikaw kasi." natatawang biro ni Yohannes kay Vincentius.

"Hindi ko naman talaga kasi alam kung sino ang unang magpapakasal at magkakaroon ng pamilya e. Alangan namang magsabi ako ng patapos." kalmadong sabi ni Vincentius kay Yohannes.

"Sa presinto ka na magpaliwanag dude, huli ka pero di kulong." natatawang sagot ni Yohannes kay Vincentius.

"I-shot mo na lang yan pare." natatawang gatong pa ni Kuya kay Vincentius.

Nagsalin ng alak sa baso si Kuya Zach at kaagad na ininom ni Vincentius pagkatapos ay uminom din siya ng chaser para mawala ang lasa ng pait sa kaniyang bibig.

Pinaikot ni Vincentius ang bote pagkatapos ay natapatan si Kuya Zach pagkatapos ay ako naman ang natapatan nito kaya ibig sabihin ang magtatanong ay si Kuya Zach at ang sasagot ay ako.

"Kung magkakaroon ka ng boyfriend, ano ang ideal age mo para pumasok sa isang relationship?" nakangiting tanong ni Kuya Zach sa akin.

"Well mga bet ko mga 26 or 27 ako bago ako magkaroon ng boyfriend." nilagay ko na ang kamay ko sa Lie Detector Test at hindi ako nakuryente kaya ibig sabihin ay nagsasabi ako ng totoo.

"Oh Trev, alam mo na. 26 or 27 pa daw. Wait ka lang diyan hihihi!" nakangising sabi ni Ate Cherry kay Trevyn.

"Magtigil ka nga chichi, di ko pa pinapaligawan ang kapatid ko." seryosong sabi ni Kuya kay Ate Cherry.

"Bakit ikaw ba ang nanliligaw at ikaw ba ang liligawan?" masungit na sabi ni Ate Cherry kay Kuya.

"Wag mo kasing binubugaw ang kapatid ko sa kapatid mo. Pagaaral muna dapat ang unahin nila. Hindi ang pakikipagrelasyon. Papayagan ko lang si Xeinna na magboyfriend kapag alam kong nasa tamang edad na siya at kung nasa tamang tao ba siya. Ako ang Kuya at isa ako sa mga kapamilya niya. Alam ko kung ano ang makakabuti sakaniya o hindi." seryosong sabi ni Kuya kay Ate Cherry.

Sasabat pa sana si Ate Cherry kay Kuya pero parehas ko na silang inawat sa pagtatalo nila.

"Hep! Tapos na ang usapan, tinanong lang naman kung anong age ko gusto kapag magkaka-boyfriend na ako. Nag-aaway pa kayo." sinamaan ko sila ng tingin pareho at sinuway.

"Wala pala kayo eh! Wag niyo kasing pakialaman ang future nung dalawa. Kung sila talaga, sila talaga. Dapat sa buhay, hindi masyadong mahigpit o maluwag ang pagkakahawak natin sa mga taong pinakamamahal natin. Ang lahat ng sobra ay hindi maganda. Dapat yung sakto lang. Yun ang palagi niyong tatandaan. Hindi lang sainyo pero para saating lahat. Tapos ang usapan." seryosong pangaral ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Next na nga tayo, hindi pa naiikutan lahat e." seryosong sabi sa amin ni Kuya.

"After maikutan ang lahat, inuman na!" nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now