Andito na kami ngayon ni Io sa taxi, mas ok na magtaxi na lang kame kesa magjeep. Mahirap na! Pero talo kame dahil sa sobrang haba ng biyahe kasi trapik. Nagtataka lang din ako kung bakit kanina pa tawa ng tawa si Io kanina bago kami makasakay ng taxi. Napatingin tuloy ako sa salamin ng taxi kanina baka may dumi sa mukha ko. Muta, kulangot o tuyong laway, pero wala naman. Bakit kaya tawang tagumpay 'to kanina? Alam ko nakakabaliw ako pero hinde sobrang baliw na pagkatapos umiyak, tatawa? Hayyss, ewan ko ba. Ito ngayon si Io, nakasandal sa balikat ko at tulog.

"Boss. Malayo-layo pa po ba?" tanung ko sa drayber dahil nakita ko sa cellphone ko na 10 o'clock na

"Aa opo. Malapit lapit na kayo sir. Sa Rizal Coliseum kayo di ba?" tanung ng drayber

"Oo. Doon nga. Malapit na talaga boss?" tanong ko ulit, gusto ko lang makasiguro

"Opo sir" sagot ng drayber sa tanong kong naniniguro. Sige, pipikit na din muna nga ako

Wala pang ilang minuto ay nagsalita na si kuyang drayber, "Boss andito na tayo"

Kinuha ko ang wallet ko at binigyan si manong drayber ng aming bayad. Agad kaming bumaba sa taxi at dumiretso na sa loob ng coliseum. Pag pasok namin ay nag-uumpisa na ang pagsayaw ng unang school na lalaban. Hawak-hawak ko ang kamay ni Io habang sabay naming hinahanap ang kinaroroonan ni Azazel

"Heinz. Ayon si Azel ohh" sabi ni Io sabay hinatak ako sa direksyon kung saan niya nakita si Azel

"Pre, antagal niyo. Mag-eeleven na aa" sabi ni Azel

"Heinz. Umupo ka na. Nakaharang ka!" sabi ni Grasya

Pagtingin ko sa paligid ko, wala akong maupuan. Akala ko ba nireserved kami ni Azel? Anyare??

"Azel. Kala ko ba nireserved mo kami? Saan ako uupo?" nagtatakang tanong ko kay Azel

"Tagal niyo pre ee. Sinita ako kanina ng event coordinator dapat daw walang reserved reserved ng upuan. Ayon, binigyan ko ng tseke pumayag kaso isa lang binigay saken, pangdalawa yung presyo nung binigay konh tseke"

*Kaltok

"Namoo ka pre. Sinayang mo na naman pera ng kumpanya niyo. Tsk tsk. Dapat hindi ka pinapahawak ng mga ganyang bagay ee" sabi ko ng may pagkadismaya sa ginawa ni Azel. Natutuwa ako na nireserved niyakame ng upuan, pero yung babayaran niya pa? Parang hindi na makabuluhan. Wala na ee, natapos na. Palipasin na lang

"Ohh, dito ka na lang. Lalabas ako" sabi ni Azel

"Inangyan. Pinairal mo na naman yang kaabnormalan mo Azel. Haha. Wag ka ng umalis, diyan ka lang. Tampuhin ampota. Haha. Dito na lang ako sa lapag ni Io uupo pre. Diyan ka na lang :)"

"Lul. Iihi lang ako. Inangto. Hahaha xD" sabay tayo nito at lumakad nga papuntang labas. Malamang magyoyosi na din yun

Umupo muna ako sa lapag, sa tapat ni Io habang nakasampay ang mga braso ko sa legs nito. Parehas namin inaantay si Azel. Saan na kaya yun? Hindi daw aalis, napakamatampuhin talaga!

Lumipas ang kalahating oras at nakabalik na si Azel. Habang wala pala siya ay napagdesisyunan ko munang umupo sa pwesto niya. Nagulat kami ng bigla kaming inabutan ni Azel ng pagkain at inumin. Jolly hotdog at fries, tapos float. Alam ni Azel ang paborito namin ni Io.

"Salamat :)" sabay naming sabi ni Io kay Azazel. Bali ganito ang naging pwestuhan namin ngayon

Azazel
Io - Heinz (nasa lapag)
Taga ibang school
Taga ibang school
and so on and so forth

"Pre, nga pala, di ba dati kang lifter?" tanong ni Azel at napatingin naman ako kay Io na parang nagtataka

"Lifter?" tanong ni Io kay Azazel

"Haha. Uo. Lifter ako nung highschool. Lifter support" ako ang sumagot sa tanong ni Io kay Azel

"Pervert!!" sigaw ni Io na ikinagulat ng lahat dahil sa lakas nito

"Haha. Ee sa nag-enjoy akong humawak ng pwet at makakita ng cycling short o minsan nga panty pa ee" sagot ko na nakangiting tagumpay

"Manyak!" sabi ni Io pero this time mahina na

At nagtawanan na nga lang kaming tatlo dito sa kinauupuan namin na hindi namin namalayang patapos na pala ang laban. Unti-unti nang nagsialisan ang ibang school na kasali kaya napagdesisyunan na din namin na umalis. Nagkita-kita kami sa labas at dumiretsong Starbucks

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Io "Syempre, bukod saken" pagpapatuloy ko

"Aa ok. Wala na akong gana!" pagtataray niya sa pagpapacute ko

"Joke lang naman. Dali na, anong gusto mo?" pag-uulit ko

"Hindi nga? Lilibre mo ko??" nakita kong nagningning ang mga mata ni Io habang tinuturo niya ang blueberry cheesecake na nasa display

"Ayan lang?" pagtataka ko

"Hmm. Saka Venti na Java Chip! Thank you :*" nagulat ako dahil kiniss ako ni Io sa cheeks at may hug pang kasabay. Kiss sabay hug >:P
Napatulala ako ng ilang segundo at napabalik lang ako nung sinabi ng cashier na, "Sir? Ano pong order?"

Sinabi ko na ang order ko at papunta na ako sa upuan nila Io ng pinigilan ako ni ateng cashier, "Ayy sir, ano po palang pangalan?"

"Io heart Heinz" sigaw ko sabay naglakad na ako papunta sa kinauupuan nila at naupo na din. Pinag-uusapan pala nila kung saan kami gagala mamaya.

"After nito saan tayo??" tanong ni Micah

"MOA na lang tayo, pinakamalapit" sabi naman ni Zaire

"Go, MOA na lang" sabat naman ni Chu

"Ge, masaya yan, go kami ni Beth. Kahit saan naman pala" singit ni Nesh

"Ee si Io at Heinz??" pang-aasar ni Beth

"Uo, sasama kami ng bebeko. Di ba bebeko?" sagot ko sabay akbay kay Io na tinanggal naman nito. Mabango naman kili-kili ko aa?? Pakipot pa? X/

"Uo, sasama kami ^_^!" sagot ni Io

"Sir, ok na po :)" singit nung barista sabay abot ng blueberry cheesecake at ang all-time favorite na Java chip. Nagtaka ako nung nakita ko yung pangalan sa inorder ko. Uo nga pala, gawain yan ng lahat ng barista sa Starbucks. Nangiti na lang ako

"Ira♥Franz"

--- END OF CHAPTER 20 ---

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now