CHAPTER 5

26 3 0
                                    

CHAPTER 5

Sinagot ako ni Peter nang makapasok kami sa apartment. Masakit para sa akin iyon dahil nga anak ko siya.

Pero wala naman akong magagawa. Iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking 'yon. Feeling ko kapag kasama ni Peter si Annivo ay parang nasa delikado itong kalagayan.

Oo na at nag-ooverthinking ako. Pero mas mabuti na ang lumayo sa lalaking 'yon.

"Kisses! Kaloka ka talaga eh 'no? Dapat hinahayaan mo na lang ang bata sa gusto niya. Mabuti namang tao 'yong lalaki eh." Imbes na manuod ng t.v. ay bulalas agad ni Khaorri ang narinig ko. Napabuntong hininga ako at naupo sa tabi niya.

"At paanong magiging mabuti? He brings scourge in his brother. How do I trust him, huh?"

She looks at me with annoyance. "Masyado ka namang over reacting, be eh. Alam mo hindi sa pagiging judgemental pero iniisip mo kasi na lahat ng tao ay may masamang intensyon sa anak mo o maging sa iyo," ani niya at nag-iwas na ako ng tingin dahil sa sinabi nito sa akin.

Ano naman ang masama kung pakiramdam ko sa taong hindi ko lubos Kilala ay masamang tao? Our world was dangerous place, we must be cautious in the first place. At kung anuman ang ginagawa ko sa anak ko ay dahil sa dinidisiplina ko siya ng tama.

"Naloloka na ako sa 'yo, Kisses."

I bite my lip. "Hindi mo kasi alam-" she cuts me off.

"Alam ko ang alam mo. Anak ko na rin si Peter eh. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa nila kanina." Pangaral nito na gaya noon ay hindi  ko muling pakikinggan.

"Hindi mo kasi alam. Dahil hindi ka pa nagiging ina." That was my point here.

Once na naging ina na ang isang tao— wala na itong ibang dapat pang unahin kundi ang kaligtasan ng kanyang anak. And that was other people doesn't even thinking. They're supposed to think that I was taking my son's freedom.

"Naloloka na ako sa 'yo. Hindi ko alam kung tanga ka o nagtatanga-tangahan lang," iritaso nitong saad at wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga, isipin ang nangyari kanina at makaramdam ng konsensya.

Kapag ganitong pagkakataon ay palaging nasa side ni Peter itong si Khaorri. Minsan ay hindi niya naiintindihan ang panig ko kaya nag-aaway kami o nagkakapalitan ng masasakit na salita.

At parati namang nakakulong na lang sa kwarto si Peter dahil gaya ng ibang bata— nakakaramdam din ito ng lack of freedom. Pero palagi ko naman iyon binibigay ah? I'm just prioritizing his safety.

"Kausapin mo na lang ang anak mo, Kisses. Nagtatampo 'yon." Umalis na ito sa harapan ko at naiwan na lang ako sa harapan ng telebisyon.

I need to talk to Peter. Tumayo na ako at pinaghandaan muna ito ng paborito niyang pagkain bago ako naglakad papunta sa kwarto niya.

Nang makapasok ako ay naabutan ko lang ito na naglalaro lang ng kanyang mga laruan sa lapag. Nakasuot na ito ng pajama na malamang ay si Khaorri ang nagsuot. Napaangat ito nang makitang may pumasok. I let out of heavy sigh before dropping his food to the study table.

Kumandong ito sa akin at wala na lang akong ibang nagawa kundi ang suklayin ang buhok habang naka-upo kaming dalawa sa isang bangko.

"Mommy, kailan kaya ako magkakaroon ng daddy?" tanong nito.

All of my doubts fled into something I didn't want to feel when Peter said those words. Parang may tumamang punyal sa puso ko nang maalala ko ang nangyari noon.

"Sorry, Anak. Pero ipapangako ko sa 'yo na makikita mo rin siya. Hindi nga lang ngayon." I said  at sinimulan na itong subuan habang nasa kandong ko.

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now