CHAPTER 15

21 2 0
                                    

CHAPTER 15

Si Annivo ang nagdala sa akin sa bahay ni Lola Pusing. Sobrang sakit ng buo kong katawan lalo na ang paa ko kaya ang ending— pilay ako. Nasisiraan na yata ako ng bait at kung anu-ano nalang ang ginagawa ko sa buhay.

"Ano bang nangyari sa ’yo, Kisses. Bakit pilay ka?" si Annivo ang nagtanong at dala pa nito ang cake na binili nito kanina.

"Sabi ko naman sa 'yo na huwag kang lumabas-" Lola Pusing cuts him off.

"Naku hijo, pagpasensyahan mo na at kasalanan ko, inutusan ko kasi siyang maglinis ng bahay ko eh aksidente namang nawalan ito ng balanse at napilay ang kanang paa." Napatingin ako kay Lola nang kumindat siya sa akin.

Hindi niya sasabihin ang rason kung bakit pilay ako? Kahit kailan talaga, siya ang paborito kong lola sa balat ng lupa. Palagi niya akong nililigtas eh.

Tiningnan ako ni Annivo at perpekto ang bawat paggalaw ng kanyang panga. Ang mata nito'y nawalan ng kinang at puno na lang ng pag-aalala.

"Ankle ko lang naman ang may injury, Arthur. Hayaan mo at magiging magaling agad ako," saad ko upang pagaanin ang loob niya.

"Dito ko muna siya patutulugin, hijo. Magaling akong manghihilot kaya baka sa susunod na araw ay magaling na siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lola Pusing. Dito ako matutulog?

"Then I have no choice?" Lumuhod si Arthur at hinalikan ako sa noo at labi.  "Dadalawin kita palagi ah?" He said and comb my hair. Tumango naman ako sa kanya at kahit papaano ay nawala na ang galit ko dahil mapag-alala itong tao kahit noon pa man.

Nang mawala na si Arthur sa bahay ay sinimulan na ni Lola Pusing ang paghihilot sa paa kong nadisgrasya.

Simula nang makilala ko si Annivo, hindi ko na siya nakakalimutan araw man o gabi. Simula nang malaman ko na hinahanap niya ang mga Villegas. Alam kong lagpas na ako ngunit wala na siyang magagawa pa kung maging ako ay desperada na ring malaman kung ano ang koneksyon niya kay Reufa.

"Thank you lola sa pantatakip sa akin kanina," ani ko sa gitna ng paghihilot sa akin.

"Sus, alangan namang sabihin ko ang totoo eh nahuli ko 'yong manliligaw mo na inaaway si Annivo noon," pagkek’wento nito. Napatango ako sa sinabi nito. Hindi na rin ako magtataka kung nag-away nga silang dalawa habang nandito.

"Alam ba ni Arthur na dito natutulog si Annivo?" tanong ko nang makabalik siya at may dala na itong mga herbal at lana para ibahid sa nagsisimula nang mamagang paa ko.

Umiling si lola. "Kung alam niya sana edi sana hindi ka niya pinayagang matulog dito."

Nagsimula siyang maghilot at napadaing ako nang inikot niya ang hinlalaki niya sa ankle ko kung saan ang may mas malalang damage.

...

How more time can you stay to be a butterfly in the garden? To keep yourself up with untired wings to use. What if those roses and flowers that you used to be your bed at night— can be gone?

And a flood came and hope loses, you have no choice but to let the rain weakens you and keep on drowning at flood.

Just like a music at your playlist that shuffles, you don't know what life will be on next.

Nanginig ang kamay niya at humawak sa kabilang gilid ng lababo. Doon ay nagsuka ulit siya ng kinain niya kanina habang ako ay hinihimas-himas na lamang ang kanyang likod.

"Anong bang problema, Reufa? Beh, masakit ba ang ulo mo, hindi ka naman mainit ah?" ani ko sa babae na kanina pa nakatambay sa lababo ng cr.

"Panis yata ang kinain natin kagabi eh. Kaya nagsusuka ako."

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now