CHAPTER 20

18 2 0
                                    

CHAPTER 20

All I hear was mourns, only. Too much dark, too much cries. And I'm dousing in too much swallow of things that I can't accept.

Kakaunti lamang ang mga taong naka-upo sa mga bangko habang agaw pansin ang isang bagay na nasa unahan. 'Yon ang dahilan kung bakit sila nandito.

May mga tumayo at ang iba ay malungkot lamang akong tiningnan. Bumaba naman ang paningin ko sa tuhod kong unti-unting nanginginig sa lamig at nerbyos.

"Condolence po, Miss," ani ng isang matanda. Nginitian ko siya at walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko.

Sa pinaka-unahan na bangko ako naka-upo kung saan kita ko ang kabaong ng namayapa kong kaibigan.

I heard others from the back, making some noises, whispers, rumors and circulation of words and topics. Nakakarinding pakinggan lalo na kapag mali at panlalait lang ang sinasabi nila.

"Bakit pa ba siya nawala, jusko. Alam niya namang may anak siya."

"Nasaan ba ang bata? Eh ang alam ko sanggol pa lang 'yon eh."

Napabuntong hininga ako at hindi sila pinansin. Hindi pa rin sila tumitigil at pinangungunahan pa rin ako ng hinagpis at lungkot, ngunit sumuko na ang mata ko sa kakaiyak. Tanging si Khaorri lang na nasa tabi ko ang tanging nagpapagaan ngayon ng damdamin ko.

Some other chants are right, paano na ngayon ang anak ni Reufa?

Ngayong wala na siya. Sino na ang ina ng anak na dapat ay siya ang umaalaga ngayon?

"Anong ipapangalan mo sa anak mo, Reufa? Ang cute niya oh," saad ko. Hindi siya nagsalita at ilang beses kong hinahalikan ang tungki ng ilong nitong sanggol na 'to.

"Ayaw ko siyang makita."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Kanina pa siya tahimik simula nang iluwal niya ng sanggol na ito. Ako na ang unang yumakap sa kanya at kahit na pagdampi ng balat ng anak niya sa kanya ay parang ayaw niya.

"Reufa. Huwag ka namang ganyan. Bagong silang palang siya oh, kailangan niya ng isang yakap ng isang ina," pagkumbinsi ko ngunit nagbibingi-bingihan lang ito.

"Bakit ko pa ba siya papangalanan, Kisses? K-kita mo naman na salot lang 'yan sa buhay ko! Please! L-layuan n'yo muna ako!"

Hindi ko na rin nakayanan pa ang pinagsasasabi niya. Napapaluha na rin ako habang nakatuon sa anak niyang mahimbing na natutulog sa isang higaan dito sa clinic.

Umalis ako ng ilang oras at iniwan silang dalawa ngunit pagbalik ko ay ganoon pa rin ang lagay ng mag-ina. Walang imikan at pansinan.

"Reufa, ano bang pinagsasasabi mo? Huminahon ka nga muna," ani ko. She looks depressed and it makes me worry about her distressed stage.

Niyakap nito ang tuhod niya at sinimulan na namang umiyak.

Mahigpit ko siyang niyayakap habang patuloy niyang sinisipa ang kanyang higaan. "Ayaw ko na, Kisses. Pagod na pagod na ako. Pinalayas nila ako at nakikitira na lang ako sa inyo. T-tapos, ito! Nagkabuhol-buhol na ang buhay ko!"

"Reufa! Sabihin mo na nga sa akin kung sino ang ama!" Khao shouted in the other side.

"Khao, kalma ka muna." Maging siya ay napuno na at hindi na nakayanan pa ang ginagawa ni Reufa sa buhay niya.

Alam kong may karapatan akong magalit o mainis dahil nagiging pabaya siya sa sarili niya. Ngunit alam kong hindi niya 'yon sinasadya. Kaya nandito pa rin ako at pilit na pinapagaan ang loob niya.

"Ayaw kong sabihin. A-alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Pagod na ako, Kisses, Khaorri. Hindi ko na kaya pa," pagod na saad niya at maging kami ay nawalan na rin ng pag-asa upang malaman kung sino ang ama ng batang iniluwal niya.

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now