CHAPTER 10

27 3 0
                                    

CHAPTER 10

Arthur slammed Annivo's face. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita. Kanina pa ako sumusunod sa kanya pababa.

Matapos nitong malaman na kay Annivo iyon ay bigla niya na lamang ako tinalikutan. At nandito siya ngayon, sinasaktan ang walang laban niyang kapatid.

Why other people hurt their love ones rather than thinking that they're not visible in their sight?

"Arthur! Tama na!"

Balak niya pa sanang ambahan ng suntok si Annivo. Nasasaktan ako sa isiping ako ang dahilan kung bakit nag-aaway ang dalawang ito. Kinontra ko si Arthur sa panununtok nito sa kapatid niya.

"Lahat nalang ba gagawin mo para sirain ang loob ko sa ’yo? Ha? Pati sa nililigawan ko umaaligid ka pa?"

Why other people fought and be angry because of me? My parents who doesn't treat me well when I came back, a years ago.

And here the two of them fighting by their fist, the sound of their punches maybe the prove that my life was miserable.

Umatras ako I can't take back the normal beating of my heart. Mabuti na lamang at pumunta SI auntie at baka ito ang magpatigil ng away nilang dalawa.

"Anong nangyayari?" tanong nito habang nakatingin sa akin. Tinulungan niyang patayuin si Annivo.

"Auntie, bantayan mo muna si Peter." Iyon ang aking sinabi. Hindi niya kayang patigilin ng away ang dalawang ito, ako lang ang makakagawa n'on.

At sa tingin ko'y hindi sila titigil.

"Arthur, ano ba? Tama na nga sabi. Wala naman kaming kasalanan. Kinuha ko lang ang nilabhan niyang damit kasi umuulan kahapon. ’Yon lamang," I said with a serious tone just for explanation.

Tiningnsn niya sko nang mabuti. "At hindi mo pinasok man lang sa apartment ng lalaking ito, ha?"

"Arthur, wala siya noong kumatok ako. Saka damit niya lang naman iyon. Wala nang dapat pang pag-awayan-" I swallowed. "Annivo, please lumayo ka muna sa amin."

Halata sa panga nito na doon siya sinuntok, may gasgas. Ang damit din nito'y gusot na. At hindi ko alam kung bakit lumapit ang konsensya sa akin habang nakikita siyang sinasaktan ng kanyang kapatid nang wala man lang ganti.

***
Binigyan ako ni Auntie ng isang beer in can. Tumabi ito sa akin sa labas ng kanyang dorm building habang sabay kaming napabuntong hininga.

"Inom ka munang beer, Kisses. Hindi ’yan magbubukas ng kusa."

Ngayon ko lang din napansing hawak ko ang lata na bigay niya. Binuksan ko iyon at parang tumabingi ang aking lalamunan dahil sa lasa nito. Although I need it today.

Naka-uwi na si Arthur. Habang bumalik naman sa apartment si Annivo. Bagay na gusto kong mangyari muna ngayon.

"Salamat, auntie," ani ko nang bigyan niya ako ng bago dahil naubos agad ang aking unang beer.

Tinapik nito ang aking balikat at sabay kaming naging tulala si bituin sa langit.

"Ano bang mayroon sa manliligaw mo at doon sa umuupang mala-diyos ang mukha ha?"

"Magkapatid po sila," I answered. Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa aking katawan.

Hopes started to vanished when you're not earning even a little progress— but a mess.

"Ang layo ng sagot mo ah, pero pareho ba silang may gusto sa ’yo kaya ka pinag-aawayan kanina?"

"Hindi naman po, Auntie. Bakit naman ako gugustuhin ni Annivo, aber?" seryoso kong pagkakasaad ngumuso ako at pinadyak ang mga dahon sa sahig.

Gratifying Wretched ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt