CHAPTER 36

17 2 0
                                    

CHAPTER 36

Kung may magtatanong man sa akin kung ano ang nararamdaman ko? I would answer none, hindi matutumbasan ang pagdadalamhati ko ang nararamdaman ng mga taong apektado sa nangyari.

Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng konsensya. Kahit na isang linggo na ang nakakalipas. Right, isang linggong paglayo sa reyalidad. Lumipat na kami sa mas malayong lugar, paniguradong mahihirapan si Annivo sa paghahanap sa amin.

Gusto rin ni Auntie na umalis kami sa dating bed space. Hindi ko alam kung dahil takot din itong mawala si Peter. But thinking about that making my heart soften. At least may taong nakaka-intindi ng side ko.

"Hanggang kailan ka magtatago kay Annivo? Hindi mo ba alam na tatlong oras ang byahe ko para lang maka-usap kita? Natatakot ako na baka sumunod siya o may pinasunod siya sa akin," alalang turan ni Khaorri. Hindi pa naman nito naiinom ang inorder niya ay bulyaw agad ang sinabi nito.

Nandito kami sa isang cafe, dito namin napagdesisyunang magkita. Uminom ako ng iced tea dahil natuyo ang lalamunan ko dahil kanina ko pa kinekwento kay Khaorri ang lahat.

But it seem she doesn't understand it whole

"Kailan kayo lumipat doon sa bagong bed space?" tanong niya at pinatong ang siko sa mesa. Niluwa ko ang straw sa aking bibig at nag-ipon ng hangin bago siya sagutin.

"Lumipat muna kami sa rentahan ng bed space malapit sa apartment ni Auntie. Tapos ngayon ay lumipat ulit kami sa mas malayo, anim na araw na Ang nakakalipas." Tumango siya at napanguso naman ako.

Nagbago na rin ng pre-school si Peter. Big impact para sa bata ang nangyari lalo na at halos araw-araw ay sinasabi niya ang pangalan ng kanyang ama sa akin. Na mabuti siyang kaibigan daw.

Ako naman kahit papaano ay may part time job bilang enterpriser sa isang patahian ng damit na popular dito.

"Sigurado ka bang hindi ka mahahanap ni Annivo? Remember na hindi lang siya ang gustong kunin ang anak mo sa 'yo. Marami rin, gaya n'ong mama niya, ng papa ni Annivo. Ng manager ko sa Chicken and wings," saad niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Buo na rin ang Desisyon ko na kausapin siya kapag may lakas na ako ng loob. Basta huwag mo munang ipaalam kung nasaan ako. O much better kung sabihin mong wala ka ng update pa sa akin."

"Sana maging maayos ang lahat sa 'yo, Kisses."

I smiled at her. "S-sana nga."

Ang unfair para sa akin na itago ang apo ni tita, at ang anak ni Annivo. Hindi ko nga ito anak dahil si Reufa ang nagluwal sa kanya.

Gustong-gusto ko siyang ibigay kay Annivo lalo na at ilang taon ding nawalay ang anak niya sa kanya. Ngunit pinapangunahan pa rin talaga ako ng takot na baka hindi na sa akin ipakita ni Annivo si Peter.  Iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ako sa pagdedesisyon.

"Ano bang nangyari kay Annivo this past few days?" tanong ko pinulot ang katahimikang pumaibabaw sa amin.

Hinimay niya naman ako ng tingin at pinagtaasan ng kilay.

"Concerned?" I glared at her.

"I'm just asking," sabi ko, walang emosyon ang aking mukha.

I still cared for him despite of what happen. At dapat nga na itanong ko talaga 'yon para mas tamaan ko ako ng konsensya. Kagaya niya, hindi ko rin alam sa simula na ang ama pala ni Peter ay si Annivo.

Magiging masaya panigurado si Peter kapag nalaman niya, hindi lang talaga ngayon. Magiging kontento rin ako kung makita ko mang abot langit ang ngiti ng anak ko.

'Tsaka tama na ang ginawa ko ngayon. Oras na rin naman upang ipakita ko kay Annivo na hindi ko sa kanya ipagkakait ang sarili nitong pamilya. If he's desperate finding his son, I'm desperate too to talk to him and fix everything. Sadyang natakot lang ako ng ilang araw nang marinig ko ang boses niya sa linya ni Khaorri. Kahit na ilang salita lang 'yon ay alam kong galit siya. Alam kong hindi siya nagdalawang isip na kunin kay Khaorri ang cellphone upang bantaan ako.

Gratifying Wretched ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن