CHAPTER 2

57 6 1
                                    

CHAPTER 2

"Sabi ko na sa 'yo eh. Magiging famous 'yong baguhan dito sa atin."

Umuwi ako ng bahay na bagsak ang parehong mga balikat. Bukod sa mga isipin ko ay dumagdag pa ang oras na nasayang ko dahil sa paghahanap ko ng trabaho.

Senior High school graduate naman ako. Pero bakit ang hirap humanap ng part time job. Alam kong matatanggap ako sa trabahong pinapasukan din ni Khao. Pero alam ko naman na gaya niya ay hindi rin magiging sapat ang perang kikitain ko roon.

"Wala na akong pakealam do'n, Khaorri," aniya ko at gumapang siya sa sofa upang magtabi kami. Nanatili naman akong nakatingin sa t.v. na nasa harap. Binigyan pa ako ng pop corn nitong katabi ko ngunit tinanggihan ko nalang.

"Ang bitter mo talaga kahit kailan. Hindi porque may anak ka na edi ibig sabihin eh hindi ka na mahuhumaling sa iba. Try mo rin. Sayang na sayang ang ganda mo." Umirap siya.

"Magka-iba talaga kayo ni Reufa. 'Yon kasi binigay niya na ang tahong sa isang manloloko tapos ikaw? kahit pagmamahal hindi mo kayang ibigay?"

"Alangan namang mahalin ko 'yong sinasabi mo eh ang daming may crush do'n. Lalo ka na. Mag-isip ka nga!"

Totoo ang sinabi ni Khaorri. Reufa was one of our friends. Magka-ibang magka-iba ang perspektibo naming dalawa eh. Halos opposite na opposite. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatagal pa ako sa babaeng 'yon. Napag-titiisan ko pa siya kahit na minsan ay napapagod na akong pagsabihan ito.

Matagal na rin ang nakalipas nang mawala nalang ito sa buhay namin. Ibang pakiramdam ang nararamdaman ko tuwing iniisip ko ang babaeng 'yon.

Hindi na rin naging madali sa akin ang buhay ko simula no'n. Lahat naging kritikal, lahat naging mahirap.

"Hindi naman porque 'yon ang pinag-usapan natin ay 'yon din ang minemean ko. Bakit kasi hindi mo kayang gustuhin ang manager natin. Eh halata namang may gusto sa 'yo si Sir Arthur," inis niyang turan.

Nagkibit-balikat ako.

"'Di natin sure."

"Gago mo kamo." Umirap pa siya ng isang beses.

Totoo nga ang sinasabi ni Khaorri. 'Yong ibang babae na nasa apartment namin ay palaging nakamatyag sa apartment n'ong lalaking sikat ngayon. I don't think he's that socializer. Mula noong sumakay kami sa kotse niya ay hindi ko na ito madalas pang makita.

Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking 'yon?

Pero nang sumipot ang panghapong oras kung kailan ako lumabas ay saka ko nakita ang lalaking kinahuhumalingan ng kababaihan dito.

I see how his thin lips gently moves while talking to my Auntie. His long hair were tied up, but his style was under cut. His nose was tall and direct. And the luminous shine in his eyes always shown whenever he blinks.

Ngunit nang umalis ang lalaki ay doon ko na napagpasyahang lapitan si Auntie upang kausapin ito. Nakangiti pa ito at halatang nabasbasan kanina.

"Blooming natin ngayon, Auntie ah," biro ko at ginantihan niya iyon ng isang matamis na ngiti.

"Syempre. May baguhan eh. Halatang mayaman, nakakapagbayad ng upa hindi tulad mo." Umirap ang Auntie na ikinatawa ko.

"Magbabayad na po si Khaorri mamaya. Hayaan niyo po. Hindi naman kami tatakbo sa utang namin."

Tumango ito. "Mabuti naman."

Ganito palagi si Auntie. Kahit na galit at mainit ang ulo niya kay Peter ay hindi niya pa rin na-i-iwasang maging malambot sa akin. Palibhasa kasi ay wala itong anak at ako lang ang kamag-anak niyang nangungupahan dito.

Gratifying Wretched ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt