CHAPTER 38

20 3 0
                                    

CHAPTER 38

After a years of hoping that someday, I will find the answer. Everything went heavy. Hindi ko rin inaasahang magiging ganito ang lagay ng buhay ko. Ibibigay ko ang gusto nila para maisalba ang buhay ng taong mahal ko.

Ayaw kong isipin at himayin ang posibilidad na baka iba ang isipin nila sa akin. Pero kung para sa mama ko, magbibingi-bingihan ako. 'Tsaka kapag natapos ko na ang lahat, babalik ulit ako sa dati kong buhay. Kung saan ay walang sigaw, bulyaw at pagpapaalis sa bahay ang mangyayari. Parang babalik na rin sa dati ang lahat. Mula sa simula, mawawala ang gitna at hindi ko na mararanasan pang ang huli.

With his sheen smile, I free his hands from mine. Maliit na pigura na lang ang nakikita ko kay Peter habang patuloy ito sa pagtakbo papunta kay Annivo. From afar I see his cold and tenebrous stares. There's no sweetness in Annivo's eyes.

I already settled this things up. Na kapag pinalaya ko siya ay tatakpan ko lang ang bibig ko at pipigilang huwag humagulhol habang dinaramdam ang luha na patuloy sa pagpatak mula sa aking mata. All of them know what I wanted to do.

Sa dalawang huling araw kahapon ay sinulit ko na ang pagkakataon ko. Ayaw ko nang umabot pa sa korte ang lahat. Alam ko naman na sa simula pa lang ay hindi na sa akin ipapakita at ipapahawak si Peter.

Papa at the first time disagreed with my decision. Nakakapanghinayang na kung kailan nagbago na ito ay saka ko pa bibitawan ang tali sa naging anak ko sa loob ng pitong taon.

I got the message.

You have received PHP 1,000,000.00 of GCash from KLARIZA SERRANO 09********5 w/ MSG: *******. Your new balance is PHP 1,000,000.00 . Ref. No. ********.

Napabuntong hininga at muling pinatay ang cellphone. Nagtalukbong ako at doon ko binuhos ang luha ko. They already know what happened. Naging tahimik si Auntie at Papa nang gabing iyon at hinayaan akong umiyak nang umiyak. But the presence of my mind still working even though I was in pain. Kailangan agad na ma-operahan pa si mama.

Kaya kina-umagahan n'on, kahit na tutol si Auntie at Papa sa gusto ko ay hindi na rin nila ako napigilan pa. Pati rin si Auntie ay sumama sa amin ni papa pauwing probinsya. Wala na rin naman siyang magagawa pa kung mananatili pa siya sa dorm.

Nang maka-uwi roon ay agad kong binigay kay papa ang atm at code n'on. Nangunot ang kanyang noo at parang hindi makapaniwala. I know, he would be angry to me. But I only received his warm hugs. Naging madrama buong araw sa bahay dahil sa pag-uwi namin.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nanatili sa kuwarto ko na tulala. Hindi ko nga alam kung ano ang laman ng mga iniisip ko dahil agaran iyong nawawala at nakakalimutan. Si Mama naman ay hindi ko pa nabibisita, dahil gusto kong maayos at presentable ako kapag naka-usap ko na siya. Tanging balita lang ni Papa ang nagbibigay buhay sa akin sa tuwing ina-update niya ako sa lagay ni Mama.

All insecurities I have was already vanished. Kung noon ay nag-aalala ako na baka mahalaga lang sa pamilya ko si Arthur dahil isa siyang Serrano ngayon ay hindi na. It's already done, we— all of us commencing to begin again. Trying to fade our own raging angers. Lalo na si Annivo, pinapangarap ko na makalimutan niya  na ako.

Kahit na hindi niya ako mapatawad. Kalimutan niya lang talaga ako ay magiging kontento ako.

Naligo na ako at dahan-dahang nagsuot ng dress. Pupunta kasi ako ngayon kay Mama na nasa hospital pa rin. Lumabas na ako mula sa kuwarto at sa malayo ay kita ko ang kantiyawan ni Auntie at Jonjo. Ngunit hindi ko alam kung joke time ba dahil papalapit ako nang papalapit ay mas lalong nagiging seryoso ang mukha nila.

"Kailan daw ba babalik si Papa galing Maynila?" tanong ni Jonjo at napatigil ako sa paglalakad. Hindi yata nila ako napansin.

"Baka mamaya. Madali lang naman siya roon," sagot ni Auntie. Napakagat ako ng labi. Ano kayang ginagawa ni Papa sa Maynila?

Gratifying Wretched ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon