CHAPTER 16

17 2 0
                                    

CHAPTER 16

"Magiging busy ako. Badly, hindi yata ako makakaabot ng pyesta rito."

Tumayo ako at pa-ika-ika na naglakad pero inaalalayan ako ni Arthur.

Tiningnan ko ito na nakasuot na ng pang-alis nitong damit. Ngayong araw ay bumisita siya at hindi ko inaasahan na 'yon ang kanyang sasabihin sa akin.

"Uuwi na tayo?" I asked dahil sa pagkabigla. May emergency na naman yata sa negosyo nila— ayaw niya lang magsabi sa akin.

"Huwag ka na munang sumama, Kisses. Magbakasyon ka na muna rito," sagot nito at nginitian ako, lumapad din ang aking pagngiti at inalalayan niya akong maka-upo sa sofa.

Kanina pa siya nandito at kanina pa kami nag-uusap na dalawa. I found it cute— dahil nagkabati kami nang hindi namin nalalaman.

"Ganoon ba? Sige, pero kailan ka babalik?" tanong ko ulit habang nakatoka ang mata ko sa kamay naming magkahawak. Uminom na lamang ako ng kape upang mahimasmasan ang tiyan ko.

"Hopefully, sana maayos agad ang problema sa negosyo namin. Sana makaabot ako kahit na pyesta man lang." tumango ako roon.

Kaya nang sapat na ang aming pag-uusap ay nagpaalam na siya na aalis na. Sinamahan ko siya papuntang pinto at ginawaran niya ako ng halik sa noo.

Mabuti nalang din at maiiwan ako rito. Parang pakiramdam ko ay may mission pa akong dapat harapin dito. May bagay pa akong dapat malaman.

"Mag-iingat ka, Arthur." Tiningnan ko ang kotse na sa labas. His warm hand caged my cheeks and gave a small kiss on my lips. Niyakap niya pa ako nang mahigpit at sinunggaban ko rin iyon ng mainit na yakap.

"I do always, my love." I smiled because of that.

"Sasabay na sa akin si Annivo pag-uwi. Ayaw kong umaaligid siya sa 'yo. Magkikita kami mamaya sa terminal, do you know where he lives?"

"Hindi. Hindi ko alam." Sabay iling ko sakanya.

"Oh, okey, o siya mauuna na ako."

"Bumalik ka agad." He smiled back at sinandal ko ang ulo ko sa pinto habang pinagmamasdan ang kotse niyang umalis.

Ilang sandali pa ay parang tumakas ang kaluluwa ko sa gulat dahil dumaan sa gilid ko si Annivo. Bitbit nito ang bagahe at dere-deretsong pumasok sa kotse nito. 

Hahabol pala ito sa kuya niya upang sumabay sa kanya papuntang Manila.

Pumunta na ako ng bahay namin matapos kong magpaalam kay lola.

I stock inside of my head— thinking about how Papa will treat me now that my suitor gone in this place. Hindi pa naman ako nakakapasok ngunit may isang mahinang sampal na akong natanggap mula sa kanya.

Tumagilid ang aking ulo at alam kong mangyayari ito kapag nakapasok na ako.

"Wala na ang manliligaw mo. Huwag ka na rin munang matulog dito," papa said. Gumalaw ang aking panga at pinipigilan ang aking paghikbi.

Hindi ko kayang tanggapin na may lakas pa siya ng loob upang maging mahinaon. Para akong tuta kung makaasta rito sa bahay na ito.

Bumulaga sa gilid ng aking mata si mama na kakalabas pa lang ng bahay.

"Pa?—" I stopped mama from talking.

"Pa, ano bang sinasabi mo?" tanong ko at ngayon ay naninibago ang aking bibig na sabihin iyon dahil maraming taon na ang nakalipas na itinago ko iyon sa utak ko.

"Aba, baka gusto kong ipaalala sa 'yo ang nangyari noon, Kisses." Umiling siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako. 

Napaawang ang aking labi dahil doon at pumipikit-pikit pa ang mata. Still shocked from what he said. Bakit hindi ko pa rin mahanap ang tamang sagot sa tanong ko na ilang taon nang umiikot sa aking ulo? Hindi ako naniniwala na ayaw niya akong makita— gusto kong marinig ang tamang sagot mula sa kanya.

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now