CHAPTER 8

25 3 0
                                    

CHAPTER 8

I woke up with a touch of warm sun in Annivo's window. Agaran akong napabalikwas ng higa at biglang inalala ang nangyari kagabi.

Goodness.

Hindi ko alam kung may saltik ba sa utak itong si Annivo. Balak niya yata akong samahan kagabi na matulog sa labas. Kaya no choice na rin ako kundi ang pumasok sa loob ng apartment niya para tumigil na ito sa kahibangan niya. Saka hindi ko na rin kaya pa ang lamig kagabi kaya mas lalo akong nawalan ng choice kundi ang makitulog sa apartment niya.

Kusang lumingon ang ulo ko sa sofa kung saan natutulog si Annivo. Mahimbing itong nakahiga habang hanggang puson niya lang ang kumot nito.

Naka-topless din ito at ngayon ko lang nakita kung gaano kalaki ang pangangatawan ng lalaking ito.

Parang anghel din ito kung matulog. Bumagsak ang kamay at balikat nito pababa sa sahig. Doon pa ako napalunok lalo na nang suriin ko kung gaano kalaki ang kanyang bicep.

I already walking near to him while combing my messed hair with a yawn in my mouth. Tahimik ang buong paligid at tanging pagluhod lang ng tuhod ko sa sahig ang aking narinig. Kusang nagsidintigan ang aking balahibo nang hawakan ko ang kanyang kamay upang itaas ito sa kanyang tiyan. Pero isang nakakahumaling na ungol ang aking narinig.

At natagpuan ko na lamang na unti-unting minumulat ni Annivo ang kanyang mata.

"What are you doing?" he asks with a husky voice.

Agaran akong lumayo sa kanya at ngunot noo niya pa akong tiningnan na parang nagulat din sa mukahng tumambad sa kanya ngayon.

"Ha? W-wala. Wala. Wala! Ay sus wala!" pag-dedeny ko. Oh susko, ano bang kahibangan ang ginagawa mo, Kisses?

"Are you stealing a kiss on me?"

Nanlaki ang aking dalawang mata.

"What? Hell no!" bulalas ko agad.

And what in the hell he's telling this? Bakit naman ako manghahalik eh itataas ko lang sana ang braso nito sa tiyan niya.

Hindi yata siya naniwala at umiling na lang matapos nitong bumangon. Napatikhim na lang ako sa nangyari.

"It's early in the morning. Sobrang aga pa ah?" Salubong ang kanyang kilay nang tingnan niya ako. Tumingin ito sa paanan ko at tumikhim.

"Baka gising na ‘yon."

"Tulog pa 'yon eh." Umiwas ako ng tingin.

Iba ang epekto sa akin ng pagkusot niya ng mata habang nakatuon sa akin ang atensyon niya. Lalo na at nakahubad pa ito sa harapan ko.

Kitang kita ko ang walo nitong pandesal na masarap isawsaw sa kape ngayong umaga!

"So you want to stay again here? That was fine to me-" I cut him off.

"Hindi! Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Saka gusto ko nang umalis dito. Masyado nang nakakahiya ang ginagawa ko ngayon sa apartment mo." Mas lalo akong tumingin sa kanan para hindi ko makita ang katawan nitong all in one.

I heard him laugh in a low tone.

"Nililigawan ka ng kapatid ko. There's no wrong reason not to care about you."

Napatikhim ako at umupo sa kama nang bigla kong naalala ang sinasabi sa akin palagi ni Arthur.

"Hindi pa rin kayo nagkaka-ayos ng Kuya mo?" hindi ko mapigilang hindi maitanong kay Annivo.

"Nope, Although he's good," sagot nito. Kumuha ito ng towel sa cabinet at kinusot muli ang mata.

"Maliligo muna ako."

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now