CHAPTER 33

19 2 0
                                    

CHAPTER 33

"Galit ka pa ba sa akin?"

Ilang oras ang nakakalipas at hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang katagang 'yon. Bakit ko ba nasabi sa kanya iyon? Tapos ko na ang mga trabaho ko pero hindi pa rin tapos ang utak ko kaka-isip sa kanya.

Niligpit ko na ang lahat ng bakanteng lamesa. Pumunta na ako sa Manager ng bar upang ipaalam na tapos ko na ang morning ship ko. Kapag kuwan ay biglang tumawag si Tita sa kalagitnaan ng paghihintay ko ng grab.

"Nasagasaan na naman ang anak ko, Kisses!" My eyes grew bigger. Napasinghap pa ako ng humikbi si Tita sa kabilang linya.

"Ano, tita!?" I said, unaware about what she said.

"Pumunta ka na! Ite-text ko sa 'yo ang address ng lugar, dalian mo! Paparating na rin ang ambulansya," ani niya. Nanginig na ang binti ko habang hinihintay ang grab na kukuha sa akin.

Tinawagan ko ulit si Tita ngunit hindi niya ako sinasagot.  Mabuti na lang at saktong pagdating ng grab ay ang pagdating din ng text mula sa kanya.

"Sa Del Rosario ako."

Kung anuman ang nangyari ngayon sa kaniya. Sana hindi ko sisihin ang sarili ko. Naluha na ako nang maramdaman ang pag-andar ng makina.

"Sige po, Ma'am."

"Annivo, naman. Bakit hindi ka sumasagot?" Nangingilid pa rin ang luha ko. Ring lang nang ring ang cellphone niya! Kung naaksidente nga siya at hindi sinasagot ang tawag ko, baka malala ang lagay niya ngayon?

"Mukhang kabado ka Madam?"

Tiningnan ako ng Taxi Driver. Napapikit naman ako at napasandal sa upuan. Naramdaman ko na lamang na lumiko kami ng daan.

"O-oo eh, nasagasaan na naman siya! Nakakainis! Bakit ang lampa ng lalaking 'yon!" I said. Iminulat kong muli ang mata ko. Kahit na mabilis ang maneho ni Kuya ay hindi agad kami aabutin ng madali sa lugar na iyon!

"Nasagasaan ba siya sa Del Rosario?"

"Oo raw sabi ng mama niya," sagot ko naman. Ngumuso naman ang taxi driver at niliitan ang mata habang nakatingin sa mga sasakyang sumasabay sa pagtakbo.

"Naku, ma'am. Mukhang na-scam kayo." Tumawa siya.

"Paanong scam?" tanong ko, nanliliit ang mata.

"Kakadaan ko lang ngayon sa Del Rosario, wala namang nasagasaan doon."

"Baka po, nagkakamali lang kayo ng lugar na pinuntahan."

Muli siyang natawa at mas binilisan ang takbo sa maluwag na kalsada. "Naku, ma'am. Inikot ko po ang ibang pasahero ko sa barangay na 'yon. Saka nadaan na rin natin ang hospital. Nandoon pa rin ang Ambulansya," ani niya at tiningnan ako sa rear view mirror.

Nalaglag naman ang panga ko. Sa lahat pa naman ng pagkakataon bakit ngayon pa ako nauuto ng mga tao?

"So, sinasabi mong mali ako?" Ha! Tinuro ko pa ang sarili ko. Para akong bata dito sa loob ng grab!

Nawala ang ngiti ni Kuya. "Hindi po sa gano'n pero, baka blind date ang pupuntahan mo. Ingat din po ma'am sa mga scammer ngayon. Baka ma-holddap ka o mahalay."

"Sigurado ka po ba talaga, manong?" I asked.

Nangunot ang kulubot niyang noo, base sa nakikita ko sa salamin. Siguro around fifty years old na siya. Hindi naman siya mang-uuto ng tao sa ganoong klaseng edad niya, hindi ba?

"Opo, ma'am. Wala talaga akong nakitang naaksidente," ani niya at saka ko lang napagtanto na nasa Del Rosario na pala kami.

Napalunok ako.

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now