CHAPTER 4

32 3 0
                                    

CHAPTER 4

"Naloloka na ako sa lalaking 'yan, hay naku! Ang hirap singitan kasi halos lahat ng babae rito ay may gusto sa kanya." Napatigil ako sa paghiwa ng hotdog ni Peter nang makita ko sa bukaskas naming bintana si Annivo.

Nagdidilig ito ng halaman. At 'yong mga babae naman ay parang nasa concert ang grabe ang tili. Napailing ako roon, ang babaw ng kaligayahan nila sa lalaki.

"Maliban sa 'yong gaga ka!" Singhal nitong katabi ko. Siniko ko siya.

"Tigilan mo nga ako, baka gusto mong tusukin ko 'tong kutsilyo sa pwetan mo?"

Nanlaki ang mata nito at umalog ang dibdib habang nakatutok ang kutsilyo ko sa pango nitong ilong.

"Ay bet ko, Kisses!"

Sinimulan ko nang lutuin ang ibang nahiwa kong hotdog. Napailing muli ako sa babaeng ito. Kahit talaga kailan ay walang matinong sagot ang isang 'to.

"Pero sana 'yong totoong hotdog sana, 'yon bang hilaw at hindi 'yang lulutuin mo."

Nagsimula na kaming kumain ng bagong gising kong anak. Sa kabilang bangko naman ay si Khaorri na busy sa pagcellphone at- Pagdila ng hotdog niya. Tangina talaga.

"Nga pala, nagbayad ka na ba kay Aling Geneva?" Tanong nito bigla. Sinubuan ko muna si Peter bago ako humarap sa kanya.

"Oo, matapos kong magpadala kay papa. Inatake raw ng high blood kanina." Mapait itong napangiti sa 'kin. Binigyan niya ako ng isang masamang tingin na alam kong iba ang magiging kasunod n'on.

"Ay sus! Baka i-pambili  lang niya 'yon ng panlaklak niya!"

Napasimsim ako ng kape at sinubuan muli ang anak ko. May parte talaga sa 'kin na baka totoo ang hinala kong sa iba lang napupunta ang perang hinuhulog ko. Noon ay hindi naman ganito si papa. Mabait siya at responsableng ama sa amin.

Ayaw ko man at pinipigilan ko mang isipin ay hindi ko magawa. Sa kadahilanang baka dahil kay Peter kung kaya ganoon si papa. Hindi lang para sa 'kin ngunit para sa buong pamilya.

Peter was soft, if they start to learn how to love him. Then, it was a big impact to the family. Babalik sa dati ang ugali ni Papa. And one more thing, babalik na sa dati ang samahan namin. They're just in caged inside of their heads. Being angry and teed off to me without even hearing my voice.

Hindi ko na nasagot ang tanong ng kaharap ko. May nag-pop-up kasi sa cellphone at tiningnan ko kung sino ang nagtext.

"Sinong nagtext?"

Napaangat pa ako ng tingin kay Khaorri bago ko ibalik ang tingin sa cellphone ko.

"Si Sir Arthur." Napalunok pa ako bago ko i-slide ang text para mabasa 'yon nang buo.

"Ano raw sabi?"

Sir Arthur: Deal today? My Mom's waiting you.

"Papapuntahin niya ako sa bahay nila."

Napag-usapan na namin 'to kagabi through text. Pinipilit niya ako kahit na hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Nakakahiya namang ako lang ang nandoon, na ako lang ang inimbitahan niya. Kaya sabi ko ay i-uupdate ko na lang siya bukas pakagising ko. At ngayong nagtext na naman siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Bakit daw?" Napabuntong hininga ako.

"Death Anniversary ng isa nilang kamag-anak. May handaan daw roon."

"Ay, handaan ba ang habol mo o si Arthur your loves lang?"

Pinandilatan ko ang babaeng ito. Kahit kailan talaga! Walang aasahan sa kanyang matino!

Gratifying Wretched ✓Where stories live. Discover now